Chapter 31 - Insinuation

4K 118 5
                                    


Drixler's POV

Naalimpungatan ako sa kaluskos ng pagbukas sarado ng pintuan namin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, habang kinakapa ang celfone sa ilalim ng unan ko.

Alas-syete na ng umaga, sumilip ako bahagya sa munting kawang na kurtina sa may ulunan ko. Nakita ko si Louie na bagong ligo na at inaayos ang kanyang higaan, siya marahil ang pumasok kanina kaya naalimpungatan ako.

Bumangon ako at hinawi ang kurtina ko.

"Good morning," paos na tono kung bati kay Louie.

"Magandang umaga din,  Gwapo." Tugon niya habang may inaayos sa cabinet nia

Tumayo na ako, kinuha ang towel na nakasampay isang brief at boxer short sa cabinet ko, saka lumabas ng kwarto at tinungo ang banyo para maligo.

Nagbihis muna ako ng cargo short at plain black shirt mamaya na ako magpapalit pagkatapos namin mag-almusal. Mga nine-thirty pa naman ang alis namin para sumimba.

Naupo muna ako sa kama ko at kinutingting ang celfone ko, plano ko talaga na hindi magmessage kay Cassie ngayong umaga gusto kasi personal ko siyang babatiin ng good morning.

"Louie boy, tapos ka na ba sa ginagawa mo? " pambasag ko sa katahimikan sa kwarto, kame lang kasing dalawa ang andito ngayon pumasok si Jayme.

"Patapos na, sandali na lang ito," wika pa niya na nagmamadali na sa ginagawa

Itinuon ko muli ang mata ko sa celfone ko habang hinhintay ang kasama ko matapos sa ginagawa niya. Dinalaw ko muli ang photo gallery ko, napatigil sa litrato namin ni Cassie sa videoke room.

"Kailan kaya masusundan ang first picture natin," nangingiti kong bulong sa isip ko habang nakatitig sa picture namin.

"O, tara na pre, labas na tayo padating na mga 'yun." Napatingin naman ako sa nagsalita at napatango nalang.

Nang makalabas kame umupo kami ni Louie sa mahabang bench na gawa sa bakal kung saan kitang kita namin ang mga dumadating na mga shuttle bus na sumundo sa mga nagtrabaho ng panggabi.

Napansin ko naman na medyo tahimik si Louie kaya kinausap ko muna siya habang di pa dumarating ang shuttle ng Silicon Power pangalan ng company namin.

"Tahimik mo, ah? Problema?" Tumungo ako at saka siya tiningnan ng patagilid

"Wala na kami, it's over between me and Janna, pre." Blangkong reaksiyon niyang sabi

"Kelan pa? Ano'ng dahilan?" Umayos ako ng pagkakaupo.

"Last week pa. Nalaman niya na may apply tayo pa-Canada, alam mo naman na ayaw niya ng LDR di ba?"

"Kanino niya nalaman?" 

"Inopen ang e-mail ko, nabasa niya lahat doon,"

"E, gago! Di ba sabi ko sa'yo gumawa ka ng ibang e-mail para sa pag-aapply natin."

"Ginawa ko nga 'yun sinabi mo, kaso masyadong pakialamera si Janna naghihinala agad siya pag may nakikita na bago e-mail sa celfone ko." Paliwanag pa niya

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now