Chapter 25 - Past

4.1K 128 7
                                    

Cassie's POV

Tamang antok talaga ako kanina habang nag-iinspect pero ngayon medyo nawawala na dahil siguro breaktime at sa binigay ni Drixler na ni'cha.

Mahaba-haba ang breaktime namin ngayon isang oras yun, ang balak ko talaga ay umidlip pero mukhang di ako makakaidlip nito dahil nasa tabi ko si Gwapo na nakikipag-kuwentuhan sa akin.

Nagtataka ako kung bakit tungkol sa lovelife ko ang topic niya. 'Ilang taon na ba akong loveless' nasabi ko sa isip ko ng tanungin ako ni Drixler about may past. Sa totoo lang ready naman ako sumagot sa mga tanong niya, nabigla lang kasi ako kung bakit yun ang naisip niyang itanong.

"So, ready ka talaga na ikuwento sa akin ang about sa past mo? Hindi ka nag-aalinlangan?" Nakaharap ako sa kanya, tumango ako habang iniinum parin ang bigay niya na ngayon ay paubos na.

Ipinatong ko sa maliit na mesa ang lalagyan na wala ng laman at muling ibinaling ang paningin sa lalaki na katabi ko.

"Bakit naman ako mag-aalinlangan? E, nagtatanong ka lang naman at isa pa matagal na 'yun, wala na sa akin 'yun." Paninigurado ko sa kanya

"Wala naman, baka lang kasi sabihin mo pakialamero ako, hehe."

Tumawa ako. "Sus! Ang sabihin mo, trip mo lang ako ngayon, para di ka antukin. Tama ba ako?"

"Medyo, kaya, umpisahan mo ng magkwento bago pa maubos oras naten dito." Pagbibiro niya.

"Bakit ba interesadong interesado siya sa past ko? Bulong ng isang isip ko habang nakatingin sa nakangiting mukha niya. Pero sa totoo lang masaya ang nararamdaman ko ngayon, literal na masaya!

"Well, pano ko ba uumpisahan, it was two years ago na kasi, medyo matagal na di ba?"

"First boyfriend mo ba siya?

"Hmm, oo, he was, kaya masakit nung magkahiwalay kame. Huminga ako ng malalim. That time na maghiwalay kami, I always wonder what i've done to deserve all the pain i feel day by day. Ang hirap para sa akin tanggapin noon dahil sobrang nasaktan ako." Pagkukuwento ko sa kanya, na nakatingin lang siya at nakikinig.

"Ilang taon ba ang itinagal ng relasyon niyo? At anung dahilan niya to leave you? third party ba?"

" Two years, I was a second year college student ng maging boyfriend ko siya, no third party, hindi kasi namin kinaya ang long distance relationship kaya he decided to end up what we had before. Ayaw kong pumayag noon kasi mahal ko siya, wala din kasi ako makita dahilan para tapusin namin, dahil kinakaya ko naman kahit magkalayo kami. Bina-balance ko ang oras ko para sa kanya. Kaya lang mas pinili niya na bitawan ako kesa kumapit sa kung anong meron kame." Nakaramdam naman ako ng lungkot, bumalik sa akin lahat ng masasakit na pangyayari sa amin ni Derick  noon.

Wala akong ibang pinagsabihan ng dahilan ng paghihiwalay namin bukod kay Jayme at sa lalaking kausap ko ngayon. Hindi ko mawari sa sarili ko kung bakit nagagawa kong ikuwento sa kanya ang lahat.

"Sigurado ka, na walang third party? Parang ang babaw ng dahilan niya para makipaghiwalay sa'yo, Cassie, hindi na uso ngayon ang naghihiwalay ng walang involve , more on relationship ngayon ganyan ang dahilan ng hiwalayan. It's not an excuse the time or because being busy, pagdating sa taong mahal mo. Hindi mo lang siguro inaalam kaya kung ano sinabi niya sa'yo noon, 'yun lang pinaniwalaan mo. Masyado ka atang mabait na girlfriend, e," umayos siya ng upo kung kanina nakaharap siya patagilid sa akin ngayon naman nakasandal na ang buong likod niya sa inuupuan namin.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now