Chapter 39- Official

4.1K 135 18
                                    


Drixler's POV

''When I see you, my world gets brighter and my heart skips a beat!" binubulong ng puso ko habang nakatingin sa babaeng nagpapatibok ng puso ko. Si Cassie.

Muli siyang tumingin sa akin ng umpisahan niya muli ang second stanza ng kinakanta niya. Yung mga tingin na alam mo ang ibig sabihin, yung mga sulyap na may nais ipakahulugan.

Second Stanza: (Itanong mo sa Puso ko)

Hindi ko sukat akalain ikaw ang pintig ng puso ko
At di ko kaya na pigilan ang alab na nadarama ko
Kapag tumitingin ka sa akin
Di ko malaman ang damdamin
Gusto kong humimlay at yakap mo sayong piling

Tama nga si Mama sa mga sinabi niya sa akin bago ako bumalik dito. "Maari tayong makapagsinungaling sa ating mga nararamdaman sa mga pamamagitan ng hindi pagsabi ng totoo ngunit kaylan man ay hindi magsisinungaling ang ating mata sa ating tunay na nadarama."

Sa tinginan namin alam ko, nakikita ko sa mga mata niya ang nararamdaman niya para sa akin.

"Baka matunaw, gwapo," rinig kong sabi ng katabi ko na si Louie habang di  ko inaalis ang tingin kay Cassie.

"Ngayon ko lang naramdaman ito, ngayon lang..." wika ko

"Mahal mo na?" tanong pa ni Louie

"Oo... siguradong-sigurado ako." kay Cassie pa rin ako nakatingin na ngayon ay patapos ng kumanta.

"Pano kung may—" pinutol ko na agad ang sasabihin ni Louie, bago pa uminit ang ulo ko.

"Huwag na huwag niya akong sasalubungin kasi babanggain ko siya." seryoso kong sabi saka ko siya tiningnan.

Nakatingin siya sa hawak niyang lata ng beer at ininom ito.

"Mahal mo nga." sabi pa ni Louie

Ako naman ang uminom at inubos ang natitirang laman ng lata ng beer.

"Mahal mo rin, ba?" blangkong reaksiyon kong tanong sa kanya.

Tila nagulat naman siya sa sinabi ko, napakunot-noo pa siya.

"Kilala kita Louie boy pagdating sa babae, bago mo pa sabihin alam ko na, gusto mo rin si Cassie, di ba?"

Uminom uli siya bago sumagot.

"Nauna ka na, hahabol pa ba ako?"makahulugan niyang sabi

"May balak ka bang humabol?" sa oras na ito may tensyon sa pagitan namin ni Louie boy.

"Baka di kita abutan, mukhang panalo ka na, e?" sumulyap siya kay Cassie na kausap na now nina Jayme.

Ibinaling ko rin ang mata ko sa kinauupuan ni Cassie.

"Kung susubukan mo... huwag kang umasa na pagbibigyan kita. Magkaibigan tayo at para na tayong magkapatid, pero pagdating sa babaeng mamahalin ko kaya kong kalimutan iyon." nilingon ko muli si Louie na tinungga muli ang beer.

"Huwag kang mag-alala papahalagahan ko ang pagkakaibigan natin kesa sa nararamdaman ko, Gwapo."

Tila nabunutan naman ako ng tinik sa dibdib ng marinig ko ang sinabi niya. Inabot ko ang kamay ko sa kanya tinanggap niya iyon ng nakangiti.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now