Chapter 36 - Barrier

3.6K 105 7
                                    


Cassie's POV

"Send it Cassandra!" singhal ko sa isip ko habang nakahiga at nakatitig lang sa message na itinype ko sa hawak kong celfone.

To: Drixler

You are special.💙 Goodnight😊

"Huwag na lang kaya, baka isipin niya dead na dead ako sa kanya!" pag-aalinlangan ng isang bahagi ng isip ko.

"Your so coward, Cassandra!" singhal muli ng kabilang utak ko.

Ipinukpok ko ng mahina sa aking noo ang celfone na hawak.

"Grrrrrrr..., Ano ba talaga!" mahina kong bulaslas sa sarili ko.

Ipinikit ko ang mga mata at inalala ang usapan namin ni Drixler sa celfone kanina.

"Ang tibok ng puso ko, ang lakas at ang bilis. Meron na."

Paulit-ulit na sinasambit ng isip ko ang mga sinabi niya at sinabi ko. Napapatong ang kanang kamay ko sa aking kaliwang dibdib at dinama ang dumadagundong na tibok ng aking puso.

"Ang bilis, bilis ng tibok mo? dahan-dahan lang pls.."

Iniangat ko muli ang celfone ko at sa pagkakataong iyon desidido ako na ipadala ang mensahe na ginawa ko para kay Drixler. Di na ako nagdalawang-isip pa.

"Sent!"

Walang isang minuto ng biglang nagvibrate ang phone ko.

From: Drixler

Ever since I met you, nobody else is worth thingking about. Goodnight. Sweet dreams. Sleep tight. 💙

I love you...😘

Mas bumilis pa ang tibok ng dibdib ko na parang gustong makawala. Walang ibang lamang ang isip ko ng mga oras na iyon kundi siya at ang salitang.

"I love you too, Drix"

Hindi ko siya nereply, mas gusto kong sabihin sa kanya ng harapan ang nilalaman ng puso ko.

Ipinikit ko na ang mga mata hanggang sa makatulog ako.

*********

Kinaumagahan pumunta kami ni Jayme sa mini gym ng dormitory namin para mag-exercise siyempre. Namiss ko maggym kasi nung nasa pinas kami madalas naming ginagawa ito.

"Bes, what time na?" tanong ko habang nasa treadmill

Lumingon siya sa akin.

"7:30 na bessy,"

"Ok." at pinindot ang medyo mabilis na takbo ng treadmill.

Sinabayan ko ang bilis ng takbo ng treadmill hanggang sa maramdaman ko ang pawis sa katawan ko.

"More 10mins." bulong ko sa isip habang patuloy sa ginagawa

"Bessy, someone calling," napatingin ako Jayme na nakaupo na malapit sa mga gamit namin.

"Answer for me pls..." nahihingal kong sabi

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now