Chapter 67 - We're Done

3.1K 84 7
                                    


Cassie's POV

Lumipas pa ang ilang oras ng maisipan ni Drix na lumabas ng hotel room namin para bumili ng dinner at snacks namin, pati na rin ng maiinom.

Naiwan akong mag-isa sa loob ng room, napansin ko na naiwan niya ang celfone niya. Kinuha ko iyon para sana iopen ang playlist niya, pero sa di inaasahang pagkakataon nakita ko ang mga message ni Louie at ni Tita Emy, his mother.

Ayaw ko na sanang pakialaman iyon pero may isang bahagi ng utak ko na nagsasabing buksan at basahin ang mga iyon. Una kong binuksan ang message ni Louie.

From: Louie boy

Where are you bro?

Nakita ko na ang visa natin.

Good news Gwapo! next week na ang flight natin!

Para akong binuhusan ng kumukulong tubig sa nabasa kong iyon, mabilis na naghabulan ang mga luha ko sa pagpatak sa aking pisngi.

Lahat ng masasakit na emosyon na pwede kong maramdaman ay naramdaman ko ng mga oras na iyon. Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko ayaw kong madatnan ako ni Drix sa ganitong tagpo.

Ibinalik ko ang celfone niya sa kinuhanan ko, tumayo ako at pumunta sa banyo, humarap ako sa salamin.

"Sorry love, if I'm pushing you away, ito lang yung decision na meron ako ngayon." bulong ng nasasaktan kong puso

Ilang minuto pa ang dumaan at naramdaman ko ang pagbukas at pagpasok niya sa kwarto. Dali-dali kong binuksan ang water sink faucet tsaka hinilamusan ang mukha ko.

"Boo..." rinig kong tawag niya sa akin.

Kinuha ko ang bath towel at pinunasan ang basang mukha ko.

"S-sandali love, p-palabas na ako." huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto.

Pagkalabas ko nakita kong nakaupo siya sa may ulunan ng kama hawak ang celfone niya, at seryoso ang mukha niya. Bigla namang may kaba akong naramdaman, iwinaksi ko iyon at nagpakaswal.

"Ano'ng nabili mo, love." napatingin siya sa akin ng ganon parin ang reaksiyon ng mukha.

"Your favorite," tipid niyang sagot.

Lumapit ako sa maliit na table at tiningnan ang binili niyang pagkain. Nilingon ko muli siya.

"What are you doing? Can we eat now?"

"S-sure." ibinaba niya ang phone niya, tumayo at lumapit sa akin.

Inilabas namin ang mga pagkain na binili niya, at nagsimula na kami maghapunan. Tahimik lang kami kumakain, naisipan kong magtanong sa kanya dahil hindi parin mawala sa isip ko ang mga nabasa ko kanina.

"Hmmm...love, k-kumusta yung apply mo?" pakaswal kong tanong

Napatingin siya sa akin, ngumisi ako para maitago ang kaba kong nararamdaman.

"Mamaya na natin pag-usapan boo, kumain nalang muna tayo." sabi niya na nasa pagkain na ang atensyon niya.

Wala ako nasabi, kundi ang sumunod nalang sa sinabi niya. Naging tahimik muli ang loob ng kwarto hanggang sa matapos kami mag-dinner.

Iniligpit ko at nilinis ang naging kalat namin habang siya ay naupo muli sa may dulo ng kama, hinawakan uli ang celfone niya. Nang matapos kong ayusin ang table lumapit ako sa kanya, lumuhod ako sa harapan niya at tinanggal ang sapatos niyang suot.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now