Chapter 71 - Thank You

3.2K 87 10
                                    


"Once you start loving someone, it's hard to stop."

**********

Drixler's POV

"Cassie wait!" sigaw ko ng makita siya na papababa na sa hagdanan.

Hindi siya lumingon kaya medyo napatakbo ako para maabutan siya. Nang maabutan ko siya mabilis kong hinawakan siya sa pulsuhan.

"Cassie!" medyo nahihingal kong sambit muli sa pangalan niya.

Tumigil siya sa paghakbang at nanatiling nakatalikod sa akin.

"Gusto ko ng magpahinga Drix, papasok na ako sa loob." anas niya ng di man lang ako tinitingnan.

Lumakad ako para makaharap sa kanya.

"Pwede bang kahit ngayon lang dito ka muna sa tabi ko?" hiling ko sa kanya.

"May mababago ba, kung magsstay ako sa tabi mo ngayon?" walang reaksiyon niyang sabi.

"Cassie please..., I miss you..., I missed you so much. Hindi mo ba ako mamimiss?"

Pumikit siya tsaka nagpakawala ng malalim na hininga.

"Siguro nga mamimiss kita, pero alam ko sa sarili ko na mas mamimiss ko lahat ng alaala meron tayo. Aalis ka na, iiwan mo na ako, at yung mga alaala na lang natin ang meron ako. Mamimiss kita kasi, naging parte ka na ng buhay ko, pinasaya mo ako, at minahal mo ako. Namiss kita, namimiss kita at mamimiss kita." niyakap ko siya.

Inalis ko ang pagkakayakap ko at tiningnan muli siya.

"Let's go!" nakangiting aya ko sa kanya.

"Saan tayo pupunta?" clueless n reaksiyon niya

"Sa lugar na tayong dalawa lang."

"Pero Drix—"

"Last na ito Cassie...please?" nakatingin lang siya sa akin na parang nag-iisip. Ilang segundo pa, at tumango na siya.

Nakangiti akong hinawakan ang mga kamay niya.  Nag-umpisa na kami maglakad palabas ng dorm.

"Bakit mo pa ginagawa ito? Mas lalo mo ko pinapahirapan na pakawalan ka." bulaslas niya habang nakatingin siya sa mga kamay namin na magkahawak. 

"Baka sakaling magbago ang isip mo, baka sakaling pwedeng maging tayo uli kahit malayo ako sa'yo." tumingin siya sa akin saglit at  muli niyang ibinaling ang paningin sa dinadaanan namin habang naglalakad.

"Sabi ko sa sarili ko "kapit lang". Dito na muna ako. Dito sa puntong hindi ako bibitaw. Bibitaw sa pagkakakapit ko sa iyong mga kamay. Na titiisin ko muna lahat ng sakit. Hindi ko iisipin ang bigat ng lahat. Kundi magpapakatatag ako para sa lahat. Para sa atin, para sayo. Kahit hindi ko alam. Kung hanggang kailan, kung hanggang saan. Basta kaya ko pa, andito lang ako. Kumakapit sayo." tiningnan niya akong muli, bahagyang ngumiti. "Kaya wag kang mag-alala kung hindi man tayo ngayon, kasi darating ang araw na makakasama muli kita at yang baka sakali mo ay magiging totoo. Dahil kahit binitawan kita ngayon nanatili akong kakapit sayo."

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya, nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa lugar kung saan gusto kong mapag-isa na kasama siya. Naupo kami sa isang baytang ng hagdan at sabay naming tinanaw ang mga bituin sa langit.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now