Chapter 69- True Friend

2.9K 89 5
                                    


"Many people will walk in and out of your life, but only true friends will leave footprints in your heart."

************

Louie's POV

Habang naglalakad ako papunta office ng dorm napansin ko ang tumigil na taxi sa harapan ng gate. Napatitig ako duon at hinihintay kong sino ang baba.

Tumuloy lang ako ng paglalakad hanggang sa makalapit ako sa may guard house. Nakita kong bumaba si Gwapo sa taxi na nakaparada kasunod niyang lumabas si Cassie.

Tila napansin naman agad ako ni Gwapo agad niya akong tinanguan ganun din ang naging tugon ko sa kanya. Nang makapasok sila sa gate.

"Musta bro," medyo hinampas ko ang isang balikat ni Gwapo.

Ngumisi lang ang Gwapo, parang naramdaman ko naman agad ang pagngisi niyang iyon sa akin. May kakaibang nangyari sa kanila. Tiningnan ko si Cassie na tahimik lang at parang galing sa pag-iyak ang mga mata.

"Hi Cas," nakangiti kong bati.

"Hello." matipid niyang tugon na wala man lang kasaya saya sa mukha.

"Hatid ko muna si Cassie, pre. Kita nalang tayo sa kwarto." pagpapaalam agad ni Gwapo

"Ok sige, may sasabihin lang ako kay ate Levy." tumango lang si Gwapo

"Bye Louie." paalam ng malungkot na mukha ni Cassie.

Nang makatalikod sila sa akin napakamot ako sa ulo ko, dahil may kakaiba talaga ako napansin sa kanila ngayon.

"Anyare sa kanila?" napatanong ako sa sarili ko.

Pumasok na ako sa office, nadatnan ko dun ang kelangan kong tao si ate Levy.

"Hello ate," bati ko

"Oh, Louie, may kelangan ka ba?" tugon niya habang abala sa pag-aayos ng papel sa table niya.

"Oo ate, may sasabihin sana ako about dun sa pag-alis sana namin ni Gwapo." kaswal kong sabi.

"O bakit? di ba sa kabilang linggo na 'yon?"

"Yun na nga ate di pa ako makakasabay kay Gwapo, nagkaroon pa ng problema sa company na kukuha sa akin." napatigil naman siya sa ginagawa at napatingin sa akin.

"Ah ganun ba? So, si Drixler palang ang aalis?"

"Oo ate, maghihintay pa ako ng one month bago makasunod kay Gwapo." pakli ko pa

"Ok, tatawag ako sa company niyo mamaya para ipaalam. Andyan na ba si Drix? kelangan ko din siyang makausap para sa pag-alis niya three days nalang ang work na ibinigay sa kanya ng Silicon Powers."

"Ah, oo ate kadarating lang nila." sagot ko agad

"Sige kausapin ko siya mamaya, may itatanong ka pa ba Louie? Kelangan ko pumasok sa girl's area e,"

"W-wala na ate, yun lang sasabihin ko. Sige ate salamat."

"Ok sige." tumalikod na ako at mabilis na naglakad palabas ng opisina.

Dumaan muna ako sa tindahan at may binili saka bumalik sa kwarto. Nadatnan kong nakaupo si Gwapo sa bed niya na parang may malalim na iniisip. Tumikhim ako para mapansin niya na nakapasok na ako.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now