Chapter 51- News

3.4K 91 2
                                    


Drixler's POV

Patrick calling....

"🎶Feel your breath on my shoulder
And I know we couldn't get any closer
I don't wanna act tough, I just wanna fall in love🎶"

Nagising ako dahil sa ingay ng celfone ko, kinapa-kapa ko iyon sa may headboard ko, nang mahawakan ko.  "Problema nito!" sa isip ko ng makita na si Patrick ang tumatawag.

Hindi ko sinagot, ipinikit ko uli ang mga mata ko. Ilang segundo lang tumunog na naman ang ringtone ng celfone ko. Hinayaan ko lang ang hanggang sa matapos, kasunod na tunog ay ang message alert tone ko.

Nanatili ako nakapikit kahit narinig ko iyon, naisip ko naman bigla na baka si Cassie ang nagmessage kaya dahan-dahan akong nagmulat ng mata para tingnan ang message.

Ini-slide ko para mag unlock phone ko inopen ko message.

From: Pat

Bumangon ka na d'yan gwapo! Pawisan na ang girlfriend mo kakatakbo burlog ka pa!.✌️

Nireply ko iyon.

To: Pat

Langya ka! Gago! nang-iistorbo ka ng tulog👊

Muli niya ako nireply.

Pat: Hahahaaha ang sexy ng girlfriend mo!

Napaayos naman ako ng hawak sa celfone ko ng mabasa ko ang reply niya.

Pat: Gago! Umayos ka! baka puntahan pa kita d'yan sa company para lang sapukin!

Bumangon na ako, inayos ang bed ko, kinuha ang bath towel saka dumiretso sa banyo para maligo. Bago ako lumabas ng kwarto naalala ko na magmessage muna kay Cassie. Dinampot ko phone ko at nagmessage sa mahal ko.

To: Boo

Good morning my beautiful boo.... Wo Ai Ni💙(I love you)

Send!

Lumabas na ako at tinungo ang banyo. Pagkalipas ng  kinse minutos natapos ako maligo naglalakad na ako pabalik ng kwarto.

Nasa tapat na ako ng bulletin board ng may naririnig ako mga kapwa ko lalaki na nag-uusap tungkol sa isang babae. Pinunasan ko ng towel ang buhok ko habang naglalakad.

"Pare, nakita ko na naman yung crush ko," sabi nung isang mukhang ewan.

"Hanep sa ganda ang mukha pati katawan." sabi pa nung isang unggoy.

"Sayang nga e, may bf na daw, yung captain ball daw ng Silicon Power." napatigil ako sa sinabi niya dahil ako...ako ang captain ball na tinutukoy nila. At ang girlfriend ko pala pinagpapantasyahan ng mga unggoy.

Sasabat na sana ako ng bigla namang...

"Dude, your lucky guy!" si Alex na day-off din pala. Lilingunin ko pa sana yung dalawang unggoy pero nakaalis na pala sa harap ng bulletin board.

Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya, masyado ako clueless ngayong umaga ah.

"Ano'ng sinasabi mo?" nagtuloy na uli ako sa paglalakad habang sumusunod si Alex.

"Dahil ikaw ang boyfriend ni Cassie, dude, ang daming nagpapantasya sa jowa mo." nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya.

"Taena! tigilan niyo si Cassie" seryoso ko sabi ng di.siya nililingon.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now