Chapter 58- Plan

3.4K 87 1
                                    

Cassie's POV

Sa tunog nang  alarm clock ako nagising. Mugtung-mugto ang mga mata ko. Masakit ang lalamunan at mabigat ang buong katawan ko.
Ayaw ko na sanang bumangon pero nagpumilit lang dahil may trabaho na uli ako.

Naligo, nagbihis at nag-ayos ng sarili. Kahit masakit ang kalooban, wala akong magagawa kundi ipagpatuloy ang pagtatrabaho dito.

"Pssst... di pa ba kayo ok ni Gwapo?" pag-uusisa ni Chel habang inaayos ko gamit ko.

Umiling lang ako at hindi nagsalita.

"Kakain ka ba sa canteen? Sabay na tayo palabas." tanong uli niya.

Tumingin ako sa kanya.

"Hindi pa ako gutom, sige na lumabas ka na baka hinihintay ka na ni Jigs."

"Ok, kunan nalang kita ng pentang, ok ba yun?"

Pilit akong ngumiti.

"Ok. Salamat."

Nang makalabas siya naiwan akong mag-isa sa kwarto, naupo muna ako sa bed ko at binuksan ang celfone ko. Pinatay ko kasi kagabi pagdating ko para di niya ako matawagan.

Nang mabuhay bigla itong tumunog, message mula kay Drix ang lumabas. Bumabati ng "Good Morning." hindi ko nireply iyon. Naisip kong magmessage kay Mama.

To: Mama

Hi Ma, how are you? how's Papa? I call later Ma, I love you. Take care. Hug and Kisses to you and to Papa.😘 Miss you both!

Send!

Alas-singko kwarenta na ako lumabas ng kwarto, wala akong balak kumain sa canteen, dahil ayaw ko pa makita si Drix.

Nagsuot ako ng eyeglass upang ikubli ang pamamaga ng mga mata ko. Binlangko ko ang mukha upang itago ang mga hinanakit.

Paglabas ko ng area hindi ko akalain na mukha agad niya ang makikita ko, nakatingin siya sa akin maging ang kasama niyang si Pat at Marco.

Ewan pero parang gusto kong tumigil sa harapan niya at yakapin siya. Pakiramdam ko natutunaw ako sa mga tingin niya, sinamahan pa ng kagwapuhan niya at mabangong amoy niya.

Nagkanda-uutal pa siya ng pagbati sa akin, pinigilan ko talaga ang sarili na tingnan siya at batiin pabalik. Nagdirediretso ako ng paglalakad at nang makalayo na ako sa kanila saka ako huminga malalim at nilingon siya.

"Hmmm...bakit kasi tinitiis pa."  napatingin ako sa biglang nagsalita si Chel pala.

Inirapan ko siya at nagpatuloy ng maglakad papunta sa nakaparadang shuttle, napatigil ako at nilingon ang nakasunod na si Chel sa akin.

"Pwede ba tayo nalang muna ang magkatabi sa upuan ngayon?" pakiusap ko sa kanya.

"Ayaw ko nga!" mabilis niyang sagot.

"Chel...pls...today lang naman e, sige na." pagmamakaawa ko.

Nag-isip pa siya bago uli sumagot.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now