Chapter 81 - Waiting

3.3K 96 8
                                    

Cassie's POV

Isang araw, isang buwan at isang taon ang nagdaan, nanatili ang ganong set-up namin ni Drix. Nag-uusap pero di lagi, nagtatanong sa bawat isa pero limitado, masaya pero malungkot. Pinili namin na maging magkaibigan muna habang kame ay magkalayo sabi nga ng iba na may mga relasyon talagang mas magandang manatili muna bilang magkaibigan.

Katulad namin ni Drix mag ex ngayon pero mag bestfriend or literal na magkaibigan or up until now sabihin natin na may communication kame. Minsan napapaisip ako kung dapat ba matuwa ako na magkaibigan kami, oh maging malungkot ako dahil hanggang dun nalang kami.

Heto ako ngayon nakahiga sa bed nakikinig ng music habang naghihintay ng tawag mula sa kanya, sa kanya na kaibigan ko. Every day-off lang ang binigay ko sa kanyang time para kausapin ako, pero mukhang wala ako makakausap ngayong off ko. Dinampot ko ang phone ko na nasa may ulunan ko nag-open ng fb at naisipan kong magstatus.

Ilang segundo lang tumunog ang phone ko at nag-appear ang isang message, masyado ako excited na makita kong sino ang nagmessage, medyo nalungkot ako ng makita ko na si Louie pala

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ilang segundo lang tumunog ang phone ko at nag-appear ang isang message, masyado ako excited na makita kong sino ang nagmessage, medyo nalungkot ako ng makita ko na si Louie pala.

Sasagutin ko pa sana ang message niya ng biglang nag-appear na ang video call niya, dahil wala rin naman ako makausap sinagot ko iyon.

"Hello Cassie!" sigaw niyang bati sa akin.

Napangiti ako, rinig ko ang ingay sa lugar niya na para bang ang daming tao, may narinig pa ako nagkakantahan.

"Hi, musta na? Long time no chat, ah?" Tugon ko sa kanya.

"Ok naman kami ni gwapo dito, medyo busy sa work no time for social media, hehee. Ikaw musta ka?"

"I'm good, puro work din, gaya niyo. Mukhang may paparty kayo d'yan, ah?" pabiro kong tanong di na kasi ako makatiis sa ingay na naririnig nacurious ako.

"Ah..., ou, masyado ba maingay? Sige punta ako kitchen para di masyado dinig," anas pa niya

Napansin ko na naglakad nga siya patungo sa kitchen, at medyo tumahimik ng konti kahit na may nauulinigan pa rin ako na konting ingay.

"Anong meron? Bakit maingay dyan?" Tanong ko muli

"Birthday nung isa naming kasamahan dito si Rick..." sabi pa niya at napansin kong naupo siya.

"Ah ganon ba? Kaya pala busy kayo," pabulong kong tugon

"Hinihintay mo ba siya?" Wika pa niya habang nakatingin lang siya sa camera

"Huh? Sinong siya? W-wala akong hinihintay, balak ko nga sana magmall ngayon e," pagkukunwari ko at di nagpahalata.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now