Chapter 76 - Little by Little

3.1K 79 4
                                    

Cassie's POV

Habang tumatagal unti-unti na akong nasasanay at  nakaka-adjust sa pag-alis ni Drix. At ipinagpapasalamat ko iyon sa mga kaibigan at naging kaibigan ko dito sa Taiwan. Sila ang dahilan kung bakit nagiging matatag ako bawat araw. .... Ilan lang 'yan sa mga madalas na masambit ng bibig ko nitong lumipas na mga araw.

Change shift na naman ngayon, busy na naman sa pamamasyal ang mga worker ng company namin, pasyal dito, pasyal doon, shopping dito, shopping doon ang peg nila. Pero ako, andito lang ako sa dorm, andito sa bed ko nagpapalipas ng oras.

Habang nakahiga ako at nakikinig ng music may isang alaala nagsumiksik sa aking isip.  Iwinaksi ko ito pero minsan talagang pasaway din ang isipan natin at hindi maiwasan na alalahanin ang nakalipas. Hindi ko namalayan na tinangay na pala ako ng alaala namin ni Drix, mga alaalang sariwa pa sa aking puso't isipan na parang kahapon lang nangyari.

Kinapa ko ang celfone na nasa ulunan ko, binuksan ko iyon nakatitig sa mga application na deactivate ang mga account ko. Binuksan ko ang messenger na inactive madaming messages niya ang hindi ko nababasa nakamute kasi siya kaya di ko rin nakikita mga message niya. Una kong binuksan ang message ni mama na hindi ko narin binasa nung time na kakaalis lang ni Drix.

"Nak, alam ko nasasaktan ka ng sobra ngayon sa nangyari sa inyong dalawa. Kahit pa hindi mo pinapakita sa amin, nakikita kong nasasaktan ka. Naririnig ko ang paghikbi mo sa gabi kahit malayo ka sa amin, nakikita ko ang lungkot sa mukha mo at sa bawat sandali. Kahit pa itanggi mo, nararamdaman kong may kulang sayo ngayon. Hindi ako sanay ng ganyan ka pero tulad ng karaniwang nagmamahal, darating sa puntong masasaktan ka talaga. Sa puntong parang ayaw mo ng magmahal ulit dahil sa natatakot kang masaktan muli. Natatakot kang maiwan at talikuran. Pero nak, alam mo ba, dumaan din ako sa ganyan. Sa pagkakataon na natakot akong magmahal ulit pero hindi ako nagpadala sa takot. Kasi alam ko, sa bawat darating na tao, may matututunan tayo at habang patagal ng tagal, unti-unti tayong nabubuo. Panandalian lang 'yang sakit na nararamdaman mo ngayon, makakabangon ka rin dyan kung tutulungan mo ang sarili mo. Alam ko malalagpasan mo lahat ng 'yan, mas tatatag ka bilang tao at matututunan mo ulit maging masaya. Nandito lang kami sa likod mo, susuportahan ka. Huwag ka nang umiyak nak, tahan na." napangiti ako na naluha rin dahil sa sinabi ni mama, nakaramdam ako ng pangungulila sa mga magulang ko. 

Nireply ko ang message niya kahit medyo matagal na , atleast ngayon alam na niya na medyo ok na ako. Pagkatapos ng message ko kay mama, mga message naman ni Drix ang binuksan ko. Binasa ko iyon lahat hanggang sa huli mensahe na ipinadala niya kagabi lang.

Pinahid ko ang mga luha na dumaloy sa mga mata ko pagkatapos kong mabasa lahat

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pinahid ko ang mga luha na dumaloy sa mga mata ko pagkatapos kong mabasa lahat.

"Ayokong kalimutan kung paano kita minahal at kung paano mo ipinaramdam sa akin na karapatdapat ako na piliin kahit sa sandaling pagkakataon at panahon na iginugol mo sa akin." tanging naibulong ko sa sarili.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now