Chapter 10 - Suspicion

5.1K 122 4
                                    


Drixler POV

"A-a-a-ngel" isang word na lumabas sa bibig ko ng tiningnan ko siya...

"A--do-nis" mahina niyang sabi ngunit rinig parin ng lahat ng nakapaligid,nanatili akong nakatingin sa mata niyang nangungusap. Nagulat kame ng katitigan ko ng marinig namin ang lakas ng tawanan sa paligid dahilan ng pagputol ng tinginan namin.

"HAHAAAHHAAAAAAAAAHHAA"
"HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHA" tawa ng mga mokong pati na rin si Chel.

"Pre Cassie,Cassie ang name niya hindi Angel.hehe" bulong ni Marco na nagpabalik sa katinuan ko. Hindi ko siya pinansin dahil inisip ko muli ang sinabi ko.
"shit...gwapo ano yun? bakit tinawag mong Angel? nauutal ka pa,taena naman.!" sabi ko sa isip ko. Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Angel este si Cassie pala.

"Shit...what the..." sabay sabay naman kame napatingin sa kanya,kita kong namumula na siya napangisi ako sa reaction niya kasi ang cute cute niya.

"Bessy ok ka lang?" agad naman tanong ni Jayme sa kanya na pilit pinipigil ang tawa para di mahalata ng bestfriend niya. Ramdam ko ang pagkahiya niya kaya di niya malaman ang isasagot sa kaibigan.

"Ha a--ano ka-si naalala ko nga pala may gagawin pa ako sa room,tama aayusin ko pa mga gamit ko,kelangan ko na bumalik tatawag pati si Papa saken ,ou si Papa tatawag." nautal niyang sagot at di alam kung ano sinasabi,masyadong halata ang babaeng ito kesa sa akin.hehee sinundan naman agad ni Chel ang sinabi ni Cassie.

"Di ba naayos na naten Cassie ang mga gamit mo kagabi pa?"natatawang sagot ni Chel,pasimple ko sinulyapan si Cassie kung anu magiging reaction,panalo talaga reaction niya saken  kasi gulat siya at pulang pula na lalo.haha kamatis pa more.hahaha

"Ok ka lang ba talaga Cassie?" nagtanong narin si Louie kita narin siguro niya kung gaano kapula si Cassie now.

Tatanungin ko narin sana si Cassie ng may biglang ibinulong sa akin si Pat na nasa tabi ko.

"Pre, si Chloe yun di ba?kala ko ba tulog na siya ,bakit parang nagmamadali sa paglabas?" turo niya sa babaeng nasa tapat na ng guard house.
Sinundan ko ang pagkakaturo niya at di nga siya nagkamali girlfriend ko ang babaeng ngayon ay nakalabas na at sumakay sa isang kotse.

"Saan pupunta yun pre,nagsabi ba sayo?" pabulong pang tanong ni Pat

"Nagsabi siya kanina pero di ako pumayag,itinuloy parin niya..." inis kong sagot.

Napahaplos ako sa mukha ko at inis na inis ako sa ginawa ni Chloe,umalis parin siya kahit pinagbawalan ko na siya.Tinapik tapik lang ni Pat ang balikat ko at napansin yun ni Louie kaya ibinaling niya atensyon niya saken.

"Problema gwapo?" mahinang tanong niya

"Si Chloe nakita namin lumabas sumakay ng isang kotse." tamad kong sagot..

"Kwarto na tayo bro,may sasabihin din ako sayo" sabi pa ni Louie, tumango lang ako at nagsalita narin.

"Sige na pasok na tayo sa loob para makapagpahinga na tayo,matutulog rin muna ako at napagod ako sa byahe kanina"

"Mabuti pa nga guys may ilang oras pa bago maglunch,kita nalang tayo sa canteen mamaya ok.tara na!" pag sang ayon naman ni Louie sa sinabi ko. Natahimik naman sila at nagsitango nalang kita kong napangiti at napahinga ng malalim ang babaeng tinawag kong Angel.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now