Chapter 74 - Avoid

2.9K 86 9
                                    

Cassie's POV

Linggo ng umaga habang nasa harapan ako ng salamin at nag-aayos ng sarili, hindi ko maiwasan na kausapin at kumustahin ang sarili ko pagkatapos ng dalawang linggo na lumipas mula nang makaalis si Drix.

Madaming calls and messages ang iniwasan ko mula ng makaalis siya. Kahit isang message niya wala akong binasa.

"Kumusta ka na? Okay ka lang ba? May problema ka ba? Kumusta ang puso mo? Matatag pa rin ba? Nakakaya pa rin ba yung mga pagsubok na pinagdadaanan mo? Kumusta yung mga araw na lumalabas/umaalis ka mag-isa, nag-eenjoy ka naman ba? Sana okay ka lang. Alam ko kahit na may mga araw na masaya ka. Alam kong mas lamang pa rin yung mga araw na malungkot ka. Alam kong may mga pinagdadaanan ka pa rin na sinasarili mo na lang kesa sabihin sa iba. Ano ka ba, huwag ka ng malungkot. Lahat ng mga araw na hindi ka okay, sigurado may paparating na mga araw na hindi mo ma-eexplain yung saya na dadating sayo. Ganyan talaga ang buhay. Puno ng pagsubok at problema. Pero kahit ganon, isa yan sa mga dahilan kung bakit nakakaya mo pa rin bumangon. Isa yan sa mga dahilan kung paano mo nasusukat yung pagiging malakas at matatag mo. Alam ko umiiyak ka gabi-gabi dahil may mga dumarating na pagkakataon na makakaramdam ka na lang ng bigat sa dibdib mo. Na para bang sasabog ka na. Wala kang maisip na paraan kundi iiyak na lang. Gusto ko sabihin sayo ngayon, sana araw-araw mo 'to iisipin, tatandaan mo 'to palagi. Madaming nagmamahal sayo, madaming nandyan para sayo. Nandyan ang mga kaibigan at pamilya mo na handang makinig sayo kahit anong oras. Kahit minsan, ang hirap mo ng intindihin, kahit kailan hindi sila nagsawa pakinggan ka, hindi sila napapagod samahan ka sa lahat ng hirap ng kinakaharap mo. Handa sila iparamdam sayo kung gaano ka kahalaga na tao at handa sila iparamdam sayo kung ano ba totoong pagmamahal. You're beyond blessed at wala kahit sino ang magiging katulad mo. Yung mga pinagdadaanan mo ngayon, hindi kayang lagpasan 'yan ng iba. Pero ikaw, nakakaya mo at nalalagpasan mo. Kaya hanga ako sayo sa pagiging strong mo. Yung iba sumuko na, pero ikaw lumalaban pa rin. Sa ngayon mag-isa mong kinakaharap ang lahat, pero dadating din yung araw na may makakasama ka na sa lahat ng pagkakataon. Dadating din yung araw na hindi ka na aalis ng mag-isa. Dadating din yung araw na hindi ka na maglalakad mag-isa sa dami ng taong nasa paligid mo. Dadating din yung araw na may makakasama ka na uminom ng ni' cha mo o kakain sa mga paborito mong kainan. Dadating din yung araw na may masasabihan ka ng kung ano mang tumatakbo sa isip mo na hindi kayang maintindihan ng iba. Dadating din yung araw na hindi na unan ang kayakap mo tuwing iiyak ka. Natatanong mo man sa sarili mo kung mahirap ka bang mahalin? Hindi, hindi ka mahirap mahalin. Isipin mo lang na siguro hindi pa dumadating yung tamang tao para sayo. Na mapaparamdam sayo yung pagmamahal na deserve mo. Kumapit ka lang, hwag na hwag kang bibitaw. Dumadating ka man sa point na gusto mo ng sumuko. Isipin mo kung gaano na kalayo ang narating mo para sumuko na lang ng ganoon kadali. Things will get better. Yes! It's not easy to be you. But keep going. Life goes on! Remember GOD is always there for you no matter what. He will never let go of your hand. He'll be with you in good times and bad times. Put your trust in Him. Believe and worship Him. Cheer up, okay? Take care of yourself. Love yourself. Goodluck and BE HAPPY!" napahinga ako ng malalim, ngumiti sa harap ng salamin tsaka tinapos ang pag-aayos.

Isinuot ko ang isang pares ng sandal ko, kinuha ang sling bag na nasa ibabaw ng kama. Palabas na ako ng kwarto ng magring ang phone ko.

Louie is calling...

Me: Hello...
Louie: Hi, ready ka na?
Me: Yup, actually palabas na ako ng room.
Louie: Ah hehee..ok we will wait you outside.
Me: Ok, bye.

End Call!

Pagkalabas ko natanaw ko agad sila na nakatayo at pawang nagtatawanan mukhang nagkukulitan sila, magsisimba kasi kami ngayon. Tila napansin naman agad ako ng bes ko na papalapit.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now