Chapter 75 - Missing

3K 92 7
                                    


Third Person's POV

Kaylungkot ng bawat araw na umusad....Kayhirap magpalipas ng isang araw na wala sa tabi ang minahamahal at nagmamahal. May mga tukso ang sumubok sa kanyang kalungkutan...ngunit daig ito ng matinding pag-ibig para sa tanging babaeng nagpatibok sa puso niya.

Dahil ang tanging nasa diwa't puso niya...kahit pa nasa magkaibang bahagi ng mundo...di pa rin siya humihinto sa pangangarap na sa dulo ng kayhaba at kayhirap na pinagdadaanan nila ngayon, sila pa rin ang itinadhana at minsan pa'y ipagpapatuloy ang nasimulang pagmamahalan.

Paano ba masusukat ang isang pag-iibigan? Tatagal ba ito kung hindi naman kayo magkasama sa lahat ng oras? O kaya pinaglayo ng tadhana? Posible bang mawala din kusa ang tamis ng pagmamahalan...ang init ng suyuan?

Para kay Drix , walang imposible sa pag-ibig kung may tiwala lang sa isa't-isa...at kung tunay ang nilalaman ng puso para sa minamahal. Dahil kahit nasa'n ka man naroon at kahit gaano man katagal mawalay sa piling ng mahal mo, kung tunay ang bawat pintig at tibok ng puso, sa muling pagkikita ay wala pa ring pagbabago sa damdamin ng bawat isa. Muli pa ring mararamdaman ang init ng bawat higpit ng yakap at lambing at tamis ng bawat halik.

Sobrang lungkot ang mag-isa lalo na't hindi sanay ang puso mo na wala siya. Makakayanan mo ba ang mga sandaling hindi siya mawala sa iyong isipan? Paano mo iiwasan ang isang anino sa iyong alaala na nakatago sa iyong puso?

***********

Drixler's POV

Alas nuwebe y medya ng gabi dito sa Toronto ng maisipan kong tawagan ang mga gunggung kong kaibigan, namimiss ko na sila. Dalawang linggo na rin ang nakaraan mula ng lisanin ko ang Taiwan para sa bagong trabaho ko dito sa Canada.

Binuksan ko ang facetime ko at tinawagan ang email ni Louie boy. Sinagot agad niya ito.

"Gwapo!" sigaw ng mga gungung ng mag open ang camera.

Napatawa ako sa mga hitsura nila.

"Kumusta kayo?" may ngiti kong bati sa kanila.

"Bro! we missed you!" sigaw ni Jigs na kumakaway naman si Chel na katabi niya.

"Lalo pala nakakagwapo d'yan, hintayin mo kami papunta narin kami d'yan!" biro ng makulit na si Patrick.

"Kumusta ang snow, pre? kinaya mo ba ang weather d'yan?" si Marco

"Miss ko na rin kayo mga mokong, taena ang lamig dito kelangan ng kayakap.hahahaha" pagbibiro kong sabi sa kanila.

"All by myself ka muna sa ngayon gwapo, hahaha" si Louie na tawang-tawa

"Gago!" sabi ko pa

"Papa Drix, musta ka naman dyan, ang trabaho ok ba?" si Jayme

"Ui. andyan pala ang binabae," nangingiti kong sabi ng makita si Jayme na humarap sa camera.

"Grabe siya oh," sabi pa niya sabay pout

Natawa ako sa hitsura niya.

"Joke lang yun, ok naman, naninibago pa pero masasanay rin." wika ko pa.

Medyo iginala ko ang mata ko sa paligid nila, may ibang gusto kasi makita ang mga mata ko. Isang tao na miss na miss ko na, isang tao na gusto ko na makausap pero deactivated sa lahat ng social media niya, isang tao na mahal na mahal ko.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now