Chapter 56 - Disgusted

3.6K 94 4
                                    

Cassie' POV

Mabilis lumipas ang mga araw, andito na naman ako sa bed ko nakahiga at naghihintay ng message ng boyfriend ko. Dalawang linggo na naman ang matatapos at padalawang day-off din ngayon namin ang di kame magkasama kahit na magkasabay ang off namin.

Bakit? E, kasi may inaasikaso daw sila ni Louie, hindi ko alam kung ano yun dahil sa tuwing magtatanong ako di niya sinasagot. Minsan hindi ko maiwasan na mapaisip kung mayroon ba siyang nililihim sa akin, nakakaramdam na agad ako ng selos.

Isa ako sa nakakaramdam ng selos ngayon, sa mga oras na ito. Alam ko hindi dapat ako magselos dahil wala naman ako alam pero anong magagawa ko? Alipin lang ako ng sariling emusyon. Mahirap labanan ang bugso ng damdamin.

Bigla ko naalala ang sinabi ni Jayme sa akin about sa salitang selos. "Selos- isang salitang nagsasaad ng isang damdaming malungkot. Nararamdaman lamang ito ng isang taong TUNAY na nagmamahal." napabuntong hininga ako habang nakahiga sa bed ko.

Lumipas ang oras at wala parin ako nareceive na message o tawag man lang sa kanya. "Kung alam ko lang na magmu-mukmok lang ako dito, sana nag rest day o.t na lang ako!" singhal ko sa sarili

Naiinis ako sa nangyayari ngayon, naiinis ako sa nararamdaman ko, at naiinis ako sa boyfriend ko! Bumangon ako sa higaan ko, nagpalit ako ng isang denim short at black t-shirt saka isinuot ang black sneaker shoes.

Kinuha ko ang black sling bag ko inilagay ang celfone, passport at iba ko pa gamit. Gagala muna ako, mag ma-mall kesa naman mabaliw ako mag-isa dito sa kwarto.

Lumabas na ako ng room ini-lock ko ang pinto, habang naglalakad ako palabas ng entrance napatingin ako sa orasan sa lobby

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Lumabas na ako ng room ini-lock ko ang pinto, habang naglalakad ako palabas ng entrance napatingin ako sa orasan sa lobby. "2:00pm".

Nasa may guard house na ako kakausapin ko sana yung nakaduty now na guard para itawag ako ng taxi ng bigla namang may pumarada sa harapan namin at may bumaba.

Lumapit ako agad sa may bintana ng sasakyan sa may driver seat.

"Ni hao," bati ko

"Hai, ni xuyao chuzu che?" (Hi, you need taxi?) nakangiti niyang tanong.

"Shi." (Yes.)

"Ni xiang qu nali?" (Where you want to go?)

"Zai shangchang" (in the mall)

"Hao, lai."(ok, come.) ngumiti ako.

Binuksan ko ang isang pinto ng tagiliran ng taxi saka pumasok at naupo, ayaw ko kasi sa may driver seat di ako kumportable.

Sinulyapan ko ang celfone ko wala parin message, patapon kong ibinalik ito sa loob ng bag ko. Ibinaling ko ang paningin ko sa labas, tinanaw ko nalang ang dinadaanan namin.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now