Chapter 60 - Affection

3.9K 103 3
                                    


Paalala: Sariling Patnubay at Gabay po...🙈🙊

*************

Cassie's POV

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya para matingnan ko siya.

"Love, sorry sa nangyari nung isa araw, sobrang nainis lang talaga ako sa'yo." paliwanag ko sa kanya.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"Don't be, ako ang may kasalanan kaya ako dapat ang mag-sorry. Pasensya ka na kung masyado ako bossy sa'yo boo, hindi ko lang talaga maiwasan pagdating sa'yo." iiling-iling ako habang nagsasalita siya.

"I missed you love, balak ko naman talaga na kausapin ka na kaso, when I saw you with Chelsea earlier sa canteen nabwisit talaga ako sa iyo lalo na sa hitad na 'yon."

Napangiti siya sa sinabi ko, Naupo naman ako sa may bed ko at maging siya ay umupo rin sa tabihan ko.

"Nagselos ka?"

"Ofcourse! Kung wala lang madaming tao duon kanina baka nasabunutan ko na yung babaeng 'yon." matapang kong sabi

"Hahaha, brave girl." natatawa niyang sabi.

Huminga ako ng malalim.

"Alam mo ba na ang saya-saya ko, dahil akin ka. At ayaw ko na may humahawak sa'yo na ibang babae. Ipagdadamot kita sa kanila love." seryoso kong sabi.

Muli niyang kinuha ang mga kamay ko. Tumingin sa akin.

"My feelings are growing stronger and stronger every day. You confide in me. That melts me inside." seryoso niyang tono.

"Thank you for sharing your life with me and I'm pretty sure I want to share my life and love with you too." hinalikan niya ang kamay ko na hawak niya.

Bigla ko naman naalala.

"Love, what time ka lalabas dito at paano?"

"Bukas ng alas-kwatro y medya, dyan sa bintana."

"Huh! bukas na? ibig sabihin dito ka matutulog?"

"Oo, bakit ayaw mo ba na katabi ako?"

"A-ah, h-hindi naman, gusto ko kaya lang natatakot ako baka may makakita sa'yo."

"Sino naman makakakita sa akin, e, naka-lock naman ang pintuan."

"Si Chel, asan nga pala siya?"

"Nasa kwarto namin."

"Ano?"

"Boo, bukas na natin pag-usapan 'yan, may ibibigay ako sa'yo." may dinukot siya sa bulsa.

"Ano yan?" iniabot niya.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now