Enrolment

64.7K 1.3K 128
                                    

Author: Sana maraming bumasa netong story na ito. Naisip ko kasing isabuhay at lagyan ng kulay ang karanasan ko nung College pa ako. :) Maraming salamat!

Chriden PoV

Buset na enrolment to! Kadami-dami na ngang Student Assistant ang naglalagay ng info at subject na kukunin namin ay napakatagal pa! Sigurado nanaman na hahapunin nanaman ako sa pag-eenrol dito.

Ako nga pala si Chriden Miguel Juco. Baket walang middle name? Actually ung  Juco talaga ang middle name ko, hindi ko lang trip gamitin ang surname ko. Private reason. Hahaha! Malalaman nyo rin yun. Wag atat. Kuha?

Second year college na ako at kasalukuyang kumukuha ng kursong Psychology dito sa San Sebastian College Recoletos de Cavite. Oh ayan kumpleto ang alma matter ko! Dapat binabayaran ako nung school na yun ee. Pinopromote ko. Hahaha!

Baket Psychology? Ewan ko. No choice na ee. Pero graduate narin ako ng kursong Computer Science sa Montessori Professional College (MPC Imus Branch) dapat bayaran nyo rin ako! Diploma course nga lang.

Siguro gusto ko yung Psyche kase sabi nila saken dati nakakabasa daw ng utak yun mind reader kumbaga. Tapos nakakahula ka daw. Takteng yan! Di naman totoo! Naloko nila ako dun! Halos dumugo na utak ko dahil sa hirap ng kursong iyon tapos hindi pala nakakabasa ng isip ng tao! Badtrip!

Ang daming nagsasabi na lahat daw ng Kumukuha ng kursong Psychology ay may sayad "daw" aba! Subukan nyong sabihin sa harapan ko yan at baka magamitan ko kayo ng Hana Hana Fruit Power na nakain ko! Ako ang pangalawang nakakain ng sinumpang prutas ng Bulaklak! Hahaha! May sayad nga.

Osya - enuf na sa pagpapakilala sa sarili ko. Unti-unti naman malalaman yun.

Sa wakas aftet 237391736393 years eto na ako sa unahan para ibigay ang papel na hawak hawak ko para ma-encode na ng S.A (Student Assistant)

"Ate Ja, pakibilisan may session kami mamaya nila Kuya Norman" nakangiti kong sabi kay Ate Jaja (Janina Calvo) Psychology Major din siya kaso iregular.

"Araaaaaaay!!!!" Biglang sigaw ko nung may taong bigla nalang ako naitulak dahilan para muntik ng ngumudngod ang pagmumuka ko sa computer na pinag-e-encode-an ng subjects.

"Unahin mo to" narinig kong sabi nung hampas lupang bumangga saken. Aba! Pinag-iinit nito ang ulo ko ah! Teka nga!

"Aba Kuya hindi ka ba marunong pumila? Kita mong napakahaba ng pila tapos bigla ka nalang manunulak at sasabihin mong unahin ka!?" Mataray kong sabi. Nakita kong naka-senyas ang mga nasa likuran ng ugok na wag akong maingay at halatang pinipigilan ako sa ginagawa kong pagsita sa taong bakulaw.

"Anong wag maingay!? Nasa library ba tayo!?" Sunod kong sabi patukoy sa mga taong nakapila.

"Kuya kung gusto mong mag-enroll aba pumila ka! Akala mo kung sino ka!" Dagdag ko pa sa sinabi ko.

Nakatingin lang siya sakin at takte yung mga mata niya! Adik ata to! Nanlilisik!
"Ahmm... Den, upo ka muna sa likuran ko. Pagtapos nito isusunod ko na sayo" pang-aamo sakin ni Ate Jaja.

Hindi na ako kumibo dahil baka mag-away lang kami ng hampas-lupa. Aba di porket babakla-bakla ako eh hindi ko siya papatulan. Tingnan nalang niya!

"Yabang" mahinang sabi ko matapos ma-i-encode ni Ate Jaja ang form nung hampas lupang iyon.

"Pasensya ka na Den. Ganon talaga yon. Pasalamat ka nga hindi ka pinatulan o mas okay kung sabihin kong humanda ka" sabi ni Ate Jaja.

"Wala akong pakialam kung sino man siya Miss Janina Calvo. Kesa ikwento mo ang tuod na yon eh bilisan mo na - ako nalang ang wala sa inuman!" Kasunod nun ay ang pagtawa ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Pasensya na late ako" sabi ko nung nakapasok na ako sa tinatambayan namin. Kina Kuya Ampong. Angelicas sa likod ng Baste.

"Oh bigyan na agad ng tagay yang si Den!" Narinig kong sabi ni Norman at sa mikropono pa talaga sinabi yun habang nakanta siya ng pinakapaborito niyang runaway train yata yon.

Nagpatuloy ang inuman namin. Wala naman akong problema kasi sana'y nanaman si mama na ginagabi palagi ako ng uwe. (College na kaya ako, astig na!) hahaha!

"Anong oras na dre?" Tanong ni Ghandi sa bagong dating na sila Mike at Joshua.
"8:30 tol. Baket?" Sabay na sagot ng dalawa.

"8:30 na pala eh! Baket ngayon lang kayo!? Kinain nyo ba lahat ng registration form ng baste!" Pasigaw na sabi ni Ghandi. May tama na kasi ng alak kaya ganoon. Mahina pa naman ang tolerance ng buwaya na to sa alak.

Napakamot nalang ng ulo yung dalawa at naupo na sa tabi namin. Nagpabili pa si Norman ng alak nung napansin siyang wala na kaming iniinom.

"Tuloy ang inuman! Mayaman si Norman! Wala ng pulutan! I-lechon si Norman!" Sabe ni Ghandi na halatang laseng na. Napatawa talaga ako nun nung sinabing i-lechon si Norman - mataba kase talaga si Norman (Norman Albaran).

Kinuha ko yung songbook. Syempre! Hindi lang naman sila ang maalam sa pagkanta! Kahit naman papaano ay may talento ako - hahaha!

Pinindot ko yung # at hinulog ko yung buong limang piso at bumalik na ako sa pwesto ko at pinagpatuloy ang pagtagay.

"Den ikaw na!" Tawag saken ni Norman pagtukoy sa kantang hinulog ko.
Kinuha ko yung mic na inabot saken ni Norman at pumuwesto ako sa unahan ng mahabang lamesang ginagamit namin.

Say its true there's nothing but me and you
Not alone tell me you feel it too...

Pagkanta ko.

Co'z I would runaway... I would runaway ehh...

Napatigil ako sa pagkanta nung naulinigan kong may sumasabay sakin sa pagkanta. Hindi ko na muna tiningnan yon bagkus kinuha ko ang tagay na inaabot saken ni Ghanding Buwaya.

Coz I have runaway... Runaway...
Co'z I have runaway with you....

Takte! Di na ako makasolo sa kanta! Sino ba ang buset na sumabay saken sa pagkanta!

Mabilis kong nilingon ang kinalalagyan ng pangalawang mikropono. Nasa kabilang table pala at...at...

Si Hampas-lupaaaaaaaaaa!

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon