Pasensya na Paul - mahal ko talaga si Den

12.2K 406 16
                                    

Half Crazy.

Paul Francisco PoV

Nagchampion kami sa basketball. Naging mahirap ang laban ng team namin sa team nila Jerome. Pare-pareho kasing magagaling ang bawat members.

Kaya nandito ngayon kami sa bahay. Treat ko silang lahat.

"Paul pwede ba tayong mag-usap?" Sabi sakin ni Jerome.

Hindi ko alam pero parang alam ko na kung ano ang pag-uusapan namin. Nagpunta kami dito sa garden. Una kung anu-ano ang kinukwento ni Jerome.

"Tungkol ba kay Den?" Putol ko sa kanyang kinukwento. Alam ko naman kasing nakuha lang siya ng tiyempo para masimulan ang dapat naming pag-usapan.

"Hindi ko alam Paul kung bakit ko nagustuhan si Den o sabihin na nating kung bakit sa dinami-dami ay siya pa yung minahal ko. Ang saya ko kapag kasama ko siya. Yung parang ang bilis ng oras kapag nasa tabi ko siya." Bahagya siyang tumigil at naupo.

"Sabi ko nga sa sarili ko. Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, gusto ko magsama na kaming dalawa. Yung hindi na kami maghihiwalay. Yung kaming dalawa lang."

"Ibibigay ko lahat para sa kanya. Lahat lahat para maging masaya siya. I want him to be happy."

Wala akong maisagot sa sinasabi niya. Halos pareho lang kami ng nararamdaman para kay Den. Hindi ko rin alam kung bakit niya sinasabi ito sakin.

Huwag naman sana maging tama ang kutob ko na hilingin niyang ipaubaya ko na sa kanya si Den. Napakahirap para sakin nun.

Mahal na mahal ko rin si Den. Sobra sobra.

Plano ko na ngang dalin sa malayong lugar si Den kung sakaling wala na akong maisip na ibang paraan. Kikidnapin ko siya para masolo ko siya. Takte! Desperado na talaga ang isipan ko.

"Naalala ko nga nung una kaming magkita ni Den, dahil yun sayo. Nung nakipag-away ka dun sa angelicas. Nung una ko siyang nakita nun ay akala ko normal lang na humanga ako sa katapangan niyang pinakita. Pero nung unti-unti ko na siyang nakilala - dun nagsimula ang sarili ko na mahalin siya" pagpapatuloy niya sa kanyang kwento.

Tangna! Bakit ayaw pa ako diretsuhin ni Jerome! Bakit kailangan pa niyang sabihin lahat sakin!? Sadya ba talagang sinasaktan ako ng taong ito?

"Naalala ko pa na sa tuwing gumagawa ako ng paraan para makasama o makatabi ko siya palagi ka naman pumapagitna o gumagawa ng paraan para hindi matuloy yung plano ko" dugtong niya.

Dahil sa sinabi niyang iyon ay muling magpicture sa isipan ko ang mga scenario kung saan magkasama kami ni Den at nandun din si Jerome. Kitang kita ko sa mukha ni Jerome ang kaligayahan sa tuwing magkasama sila ni Den.

"Sa totoo lang Paul... Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko sayo ito... Nakaramdam ako ng saya nung nalaman ko mula kay Den na lalayuan ka na niya. Nakaramdam ako sa sarili ko na malaki na ang pag-asa ko sa kanya. Yung kaya ko na siyang masolo"

Wala akong maramdamang galit ngayon para kay Jerome. Sa tagal kasi ng pinagsamahan namin ay ngayon lang ito nagkaganito. Hindi pa siya nakakaranas na magmahal ng totoo.

Hindi ko alam pero, sari-sari na ang tumatakbo sa isipan ko.

Naiisip ko ngang bigla ngayon na ako nalang ang lumayo para maging masaya siya. Para maging masaya silang dalawa.

Eh kaso paano naman ang nararamdaman ko? Paano naman ako?

Love is sacrifice? Putangina! Hindi! Hindi totoo yun! Kung love is sacrifice ibig sabihin hindi lang simple itong pagmamahal na nararamdaman ko para kay Den. Higit pa sa love. Yung wala ng salita ang makakatumbas o makakapagdescribe pa ng pagmamahal ko kay Den. Yun ang nararamdaman ko.

Muli kaming binalot ng katahimikan.

"Paul ikaw gaano mo kamahal si Den?" Biglang tanong sakin ni Jerome.

"Hindi ko alam eh. Ang akward nating dalawa. Pinag-uusapan natin ang pareho nating mahal" natatawang sabi ko sa kanya. Hindi ko narin kasi alam kung saan pupunta itong pinag-uusapan namin.

"Diba sabi nila kapag mahal mo daw ay hahayaan mo siyang maging masaya?" Muling tanong niya sakin.

Takte! Bumibilis ang pintig ng dibdib ko ah. Hindi naman ako tanga para hindi ko magets kung ano ang pinupunta niya.

"Yung tipong hahayaan mo siya kasama yung taong mahal niya."

Para akong napako sa kinalalagyan ko. Para akong napipi. Wala akong kahit na anong maisip na isagot sa kanya. Tangina. Hindi ko na gusto ang takbo ng usapan namin.

"Pasensya na Paul... Pero mahal na mahal ko talaga si Den..." Seryosong dugtong niya.

Bigla siyang tumayo at tumingala sa langit.

"Siguro naman Paul sa pagkakataong ito ay pagbibigyan mo ang kahilingan ko sayo..."

Tama nga siguro ang hinala ko. Napakasakit para sakin nito.
Di ko na alam ang gagawin ko.

Author: oki. Mamayang gabi na po ulit ako mag-update.

Thanks!

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें