Yes Sir! :)

15.4K 511 19
                                    

It takes time to heal...

Chriden PoV

"Kuya Lloyd ang ganda naman dito..." Manghang ani ng kapatid ko habang nililibot namin itong Arts in Island.

Todo kuha pa nga ng picture si Lloyd sa kapatid ko eh.

"Pagkatapos natin dito bunso may pupuntahan pa tayo" nakangiting sabi ni Lloyd habang hawak-hawak ang kamay ng kapatid ko.

Hindi ko rin ineexpect na magkakilala pala sila ni Mama.

Flashback

"Mharkie?"
"Tita?"

Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Para kasing pareho silang nakakita ng multo.

"Bakit nandito ka? Kailan ka pa bumalik dito? Si Mommy mo musta na?" Sunod-sunod na tanong na narinig ko kay Mama.

"Tita, isa isa lang po ang tanong" matapos nun ay ang pagtawa ni Lloyd.

Nalaman kong mag-bestfriend pala ang mama ko at ang mommy ni Lloyd. Hindi kasi nagkukwento si mama tungkol dun kaya wala akong alam.

"Palagi naman pong busy si mama sa kanyang business kaya ako lang po palagi naiiwan dito sa pilipinas" -Lloyd.

"Haay naku yan talagang mommy mo wala parin pinagbago. Kahit naman nung mga bata pa kami ganyan na yan eh. Aral bahay, aral bahay. Akala nga namin hindi na makakapag-asawa yan eh" masayang kwento ni mama at nakuha pang maupo sa harapan namin.

"Eh ang daddy mo naman, kumusta na?" Dugtong ni mama sa kanyang sinasabi.

"Ganon din po tita. Napakadalang umuwe. Masyadong ginugugol ang oras sa negosyo rin." -Lloyd.

"Bagay na bagay nga ang mag-asawa. Ang ibig sabihin pala ay wala kang kasama sa bahay niyo? Eh ang ate mo naman?" -Mama

Naikwento rin ni Lloyd na may asawa na ang ate niya at sa hongkong na iyon naninirahan.

Kung iisipin, malungkot pala ang buhay nitong mokong na ito. Wala siyang kasama sa bahay. Mag-isa. Buti at nakakayanan niya iyon.

Nagpatuloy ang kwentuhan ni Mama at ni Lloyd. Parang wala nga ako kung magkwentuhan sila eh.

"Small world po talaga tita. Hindi ko rin po ineexpect na anak niyo po itong si Den" nakangiting sabi niya sabay akbay sakin.

Takte! Ano itong biglang naramdaman ko? Bakit parang bigla ko nalang nakita ang mukha ni Lloyd na umaapaw ang kaligayahan at ganoon rin ako. Yung pintig ng dibdib ko - shaks! Bumibilis!

"Naku! Kapag may ginawang kabalastugan sayo yang si Den, sabihin mo agad sakin at tutuktukan ko yan!" Seryosong sabi ni Mama.

"Mama naman! Tingin mo sakin puro kalokohan lang ang alam!" -Ako.

"Oo! Bakit? Gusto mo isa-isahin ko pa sayo mga ginawa mo!?" Seryoso muling saad ni mama.

Ito namang katabi ko imbis na kampihan ako ay tumawa nalang ng tumawa. Pakiramdam ko nga ay ang saya-saya nya ngayong oras na ito eh.

"Nga po pala tita, may gusto po sana akong ipagpaalam sanyo" biglang bumalik sa pagiging seryoso ang boses ni Lloyd.

Ano kaya yun?

Biglang tumahimik ang paligid. Wala akong ibang naririnig kundi ang tugtog na nagmumula sa music player ng cellphone ko.

(np: Huwag nalang kaya - truefaith)

"Ano yun? Kahit ano basta ikaw. Nakakahiya naman sa mommy mo kung tatanggihan ko ang anak niya" nakangiting sagot ni mama.

Tahimik lamang ako. Wala kasi akong ideya kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa. Hindi ko rin naman magawang tunggain ang alak na nasa harapan ko kasi nahihiya ako kay mama na makita niya akong nainom.

"Tita, gusto ko po kasing ligawan si Den."

Ha? Tama ba ako ng narinig?

Lasing ba ako?
May diperensya ba ang tainga ko?
Tangna naman!

Wala akong naririnig na sagot mula kay mama. Nakatitig lamang siya kay Lloyd. Si Lloyd naman ay napakaseryoso ng mukha at bakas na bakas ang pagkasinsero sa kanyang sinabi.

"Lloyd... Napapadami ka na yata ng iniinom..." Mahinang sabi ko sa kanya para lang mabasag ang katahimikang bumabalot saming tatlo.

"I'm okay. Alam ko sinasabi ko at seryoso ako Den. Sinabi ko narin sayo ang tungkol dito, gusto ko lang ipaalam sa mama mo" seryosong sabi niyang muli sakin.

Umayos siya ng pagkakaupo at tumingin muli kay Mama.

"Hayy mga bata talaga. Sa ganyang usapan hindi dapat ako ang sumasagot. Bilang magulang ni Den, syempre gusto ko maging masaya siya. Kung ano man ang magiging desisyon ni Den at alam kong magiging masaya siya, go. Walang mali sa paggawa sa bagay na makakapagpasaya sa kanya. Bilang magulang rin, ayoko naman syempreng masasaktan ang anak ko. Kahit puro kalokohan yang si Den, anak ko yan at mahal na mahal ko yan" mahabang litanya ni Mama. Takte! Napakahaba ng sinabi! Pero, salamat ma. Nagpapasalamat ako kasi ikaw ang naging mama ko. Pinagmamalaki kita.

"Maraming salamat po tita" sabi ni Lloyd na bakas ang kasiyahan sa kanyang mukha.

End of Flashback

"Nagustuhan mo ba Chrien ang pinuntahan natin?" Nakangiting tanong ni Lloyd habang nakain ng jolly spaghetti.

"Opo kuya! Ang gaganda nga ng pictures natin eh! Ipopost ko agad ito sa fb ni Kuya mamaya pagkauwe natin" masayang sagot ni Chrien.

"Oy oy! Bakit sa fb ko? Diba may sarili ka ng account dun? Ginawa na kita!" -Ako.

"Eh nakalimutan ko na yung password kuya. Pinalitan ko kasi tapos nakalimutan ko" -Chrien.

"Ako na bahala Chrien. Sa account ko nalang. Upload natin mamaya pagkatapos nating kumain.

"Yes sir!" May pagsaludo pang nalalaman itong kapatid ko. Ginagaya si Happy ng Fairytale.

Nagpatuloy kami sa pagkain. Kwentuhan at kulitan.

Bakas na bakas sa mukha ng kapatid ko ang sayang kanyang nararamdaman. Magkasundo narin agad ai Lloyd at ang kapatid ko. Haayy.. Ito talagang kapatid ko madaling utuin!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Saan tayo sunod na pupunta kuya Lloyd?" Tanong ng sabik kong kapatid.

"Sa Enchanted Kingdom!" -Lloyd.
"Woooow! Tara na kuya! Masaya dun! Sasakay ako sa swan kuya!" Sabik na sabik na sabi ng kapatid ko.

Mabilis na kaming sumakay sa kotse ni Lloyd.

Ang saya naman ng araw na ito. Nawala sa isipan ko ang mga bagay na bumabagabag sakin. Sana palaging ganito.

Traffic.

Traffic.

Traffic.

"Tulog ka muna bunso. Medyo malayo pa tayo. Sa Laguna pa yun, nasa Quezon palang tayo ngayon" sabi ko sa kapatid ko na nakasilip sa bintana ng sasakyan.

"Kuya diba sasakyan ni Kuya Paul yun?"

Mabilis akong napalingon sa tinuturo ni Chrien.

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now