Hello!? Jerome!!!!

10.2K 346 29
                                    

Iloveyou. - PFGabriel. 😍

Paul Francisco PoV

Pagkatapos magkwentuhan ni Lolo at nung kumpare niya ay dumiretso uwe na kami. Wala naman kasing iba pang dapat puntahan.

Pagkarating namin ng mansyon ay nauna na akong umakyat sa itaas at bubuuhin ko nanaman ang buong araw ko dito sa mansyon

Nakakainip na.

Nakakaburaot na.

Naupo ako sa kama at sumandal ako sa headboard.

Kung kasama ko lang sana si Den hindi ako maboboring. Kahit araw araw kaming nasa loob lang ng kwarto ayos lang.

Bakit kaya kung kailan ko naramdaman ang sobrang pagmamahal ko sa isang tao ay saka pa maraming hadlang?

Ang dami na kasing nangyari samin ni Den. Dahil doon ay mas lalo ko siyang minahal.

Mahal na mahal ko talaga siya.
Hindi ko nga maimagine ang buhay ko na hindi siya kasama
Marinig ko lang ang pangalan niya - napakasaya ko. Hindi na ako mapakali.

Den, miss na miss na kita. Gustong gusto na kitang yakapin. Gustong gusto na kitang hagkan. Gusto na kitang halikan muli.

Dahil sa mga naiisip kong yan ay bigla nalang tumulo ang mga luha ko. Baduy man para sakin ang umiyak ay wala akong nagawa. Mahal ko talaga eh.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Maaga akong nagising dahil halos hindi rin ako nakatulog kagabi sa kaiisip. Bumaba ako at nakita kong may nakaipit na maliit na papel sa fridge.

"Paul, ikaw na muna ang bahala diyan sa farm. May biglaang lakad lang kami ng kumpare ko."

Galing kay Lolo yun.

Maigi naman at wala siya ngayon.

Wala?

Wala si Lolo!?

Tama!

Alam ko na!

Mabilis akong pumunta sa kwarto niya.

Takte! Nakalock!

Bumalik ako sa kusina at kumuha ako ng alambre. Kailangan makuha ko ang credit cards, wallet, susi ng sasakyan ko at cellphone ko. Bahala na. Kailangan ko ng gawin ito dahil ito nalang ang pagkakataon ko.

Putangina! Ayaw! Hindi kasya yung alambre sa doorknob ng pintuan ni Lolo.

Tumakbo ulit ako at hinanap ko ang toolbox. Yun nalang ang tanging pag-asa ko.

Hindi naman ako nabigo at nakita ko ang pakay ko. Maso. Sigurado ako isang hampas ko lang ay siguradong mabubuksan ko na ang pintuan ni Lolo.

"Sir ano pong gagawin niyo!?" Sita sakin ni Loida. Katulong dito sa mansyon.

Hindi ko na siya inintindi pa. Mabilis akong bumalik sa kwarto ni Lolo at kaagad kong inihampas sa doorknob ang hawak kong maso.

Nagtagumpay ako sa plano ko. Nawasak ko ang doorknob at mabilis akong nakapasok sa loob ng kwarto.

Binuksan ko agad ang cabinet ni Lolo.
Wala!

Hinalungkat ko ang bawat drawer na nakikita ko.
Tangina! Wala parin.

Nasaan ka!?
Nasaan!!!!

Naagaw pansin ang mata ko ng isang box na nasa ulunan ng kama ni Lolo. Agad kong kinuha iyon.

Yesssss!

Nilagay ko agad sa bulsa ko ang wallet ko kasama ng mga credit cards ko. Hawak ko na ang susi ng kotse ko at cellphone ko.

Tunakbo na ako palabas ng mansyon. Hindi ko na naisip magpalit pa ng damit dahil baka biglang dumating si Lolo. Baka mapurnada pa ang balak ko.

Mabilis akong sumakay ng kotse ko at sinimulan ko ng paandarin ito. Kailangan makadaan muna ako sa pinakamalapit na gasoline station para dire-diretso na ang biyahe ko pauwe.

Habang nagmamaneho ako ay dinial ko ang number ni Luis.

Walang sumasagot.

Number naman ni Mama ang sinunod ko. Wala paring sumasagot.

Tangina naman! Hindi ba sila nag-aalala sakin!? Ni wala man lang akong nakitang misscall at text dito sa cellphone ko! Tapos ngayon hindi nila sinasagot ang tawag ko.

Matapos kong magpagasolina at dinial ko naman ang number ng mga kaibigan ko.

Wala rin!

Huli na. Si Jerome nalang.

"Hello!? Jerome!!!!" Sigaw ko nung narinig kong sinagot niya ang tawag ko.

"Oh Paul? Nasaan ka!?" Gulat na tanong sakin ni Jerome.

"Nasa biyahe na ako. Tumakas ako sa mansyon. Diretso ako sa bahay niyo mamaya pagdating ko diyan sa Cavite" mabilis kong sagot sa kanya.

"Paul si Den nawa-"

Shit! Lowbatt!

Sa sobrang kainisan ko ay naibato ko ang cellphone ko.

Teka? Parang narinig ko kay Jerome ang pangalan ni Den ah!
Bigla agad akong kinabahan.
Ano kaya ang nangyari kay Den?

Bakit hindi sinasagot ni Mama at Luis ang tawag ko?

Bakit ganoon nalang ang gulat ni Jerome nung tumawag ako?

Tangina! Ano ba nangyayari!!?

Kailangan ko ng bilisan. Kailangan makarating agad ako sa Cavite. Kailangan malaman ko kung ano ba talaga ang nangyayari.

Tangina! May checkpoint pa! Bakit ngayon pa! Kung kailan nagmamadali ako!

"Ah.. Sir kayo po ba si Mr. Gabriel?" Tanong sakin ng isang pulis.

"Oo. Bakit?" Matigas kong sagot sa kanya.

Bakit ako kilala nito?

"Sir maari po ba muna kayong sumama samin panandali? May nais lang po kaming itanong sanyo?" Mahabang sabi niya sakin.

"Nagmamadali ako. Tutal wala naman akong violation diba?" Pagmamatigas kong sagot.

Sa sobrang inis ko ay bumaba muna ako ng sasakyan at kinausap ko ng harapan ang mga pulis.

"Pasensya na po Sir pero may order po samin na ----"

Hindi ko na naintindihan ang mga sinasabi niya nung bigla akong nakaramdam ng pagkahilo dahil sa matapang na naamoy ko.

Author: :) Lapit na.

Pengeng votes and comment :)

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now