To be my infinity (Again)

13.8K 459 69
                                    

People change. Feelings change.

Chriden PoV

Ang aga akong sinundo ni Jerome. Mas excited pa siya kay Kerby. Ngayon kasi ang araw ng pagpunta namin sa Bicol.

"Wala pa sila Allen Jerome. Kung gusto niyo kumain muna kayo ni Den dun" sabi ni Kerby sabay turo sa Jollibee.

Kaya eto nandito ngayon kami sa jollibee. Nakain ng breakfast.

Simula nung birthday celebration ni Kuya ay mas naging malambing itong si Jerome. Ang dami niya ngang sinabi sakin nung gabing magkasama kami sa bahay.

Flashback

"Ang ganda pala talaga ng boses mo" nakangiting puri sakin ni Den habang inaayos ko ang kamang tutulugan namin.

"Ewan ko ba pero kanina habang kumakanta ka ay parang may nabubuong imahe sa isipan ko. Yung tipong napipicture ko yung nais iparating ng kantang kinakanta mo" seryosong kwento niya.

Grabe naman itong lalaking ito. OA! Baka masyado niya lang dinadamdam ang kanta. Habang nagsasalita siya ay patuloy lang ako sa pag-aayos at pagpapagpag ng higaan. Wala kasi akong maisip na isagot. Saka ito kasi ang unang pagkakataon na magkakasama kami sa kwarto ng hindi siya nakainom.

"Thank you for making me happy Den...Thank you for giving me the chance to know you - better"

"Naku! Jerome huwag mo nga akong ini-english! Baka dumugo ang ilong ko dito!" Kasunod nun ay ang pagtawa ko. Hindi kasi ako mapakali. Ewan ko. Parang napakaseryoso kasi ng aura ni Jerome ngayon.

"Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pakiramdam Den. Yung tipong sa tuwing kasama kita ay parang hindi ako nauubusan ng pwedeng ikwento, yung bumibilis ang tibok ng puso ko, yung ang saya saya ko." Nakangiting dugtong niya sa kanyang sinasabi.

Naramdaman ko nalang na nasa likuran ko nalang siya at nakayakap sakin.

"No words can fully describe all the feelings I have for you" mahinang bulong niya sakin. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa pagitan ng leeg at tainga ko.

Hindi ko alam kung ano ba ang nakita sakin ni Jerome kung bakit ganito nalang ang nararamdaman niya para sakin. Wala naman akong yaman o hindi ko naman siya kayang bigyan ng magandang lahi, wala sa katangian ko ang sa tingin ko ay nagustuhan niya sakin.

Pero bakit ganito? Pakiramdam ko ay sobrang importante ako sa kanya. Nagbago siya. Hindi na siya yung katulad dati na tahimik at walang pakialam sa paligid niya.

Tama lang siguro na i-let go ko na yung feelings ko kay Paul. Hindi ko nanaman siguro kasalanan kung lokohin niya si Catalina. May Catalina na may Rachel pa! Iyon ba ang lalaking dapat kong mahalin? Yun ba ang lalaking makakapagpasaya sakin? Diba hindi? Kaya tama lang. Tama lang na hayaan ko na siya at huwag ng pakialaman pa.

Naisip ko rin na hindi ko dapat sayangin itong pagpapahalagang ipinaparamdam ni Jerome. Dapat maramdaman niya na pinapahalagahan ko rin siya. Ayoko naman na masaktan siya.

Tinanggal ko ang pagkakayakap sakin ni Jerome at humarap ako sa kanya.

"Thank you for everything Jerome. Ang swerte ko naman at importante ako sayo." Nakangiting sabi ko sa kanya at niyapos ko siya.

"Promise. Hindi kita iiwan. Hindi kita sasaktan at ibibigay ko lahat ng makakapagpasaya sayo." Sinserong sabi niya.

End of Flashback

"Sigurado ka na bang busog ka na? Matagal ang biyahe natin. 8 hours" sabi ni Jerome habang patungo na kami sa sasakyan niya.

"Opo. Busog na ako. Ikaw kaya kokonti lang kinain mo! Dapat nga ikaw ang tanungin ko eh" -Ako.

"Yung kasama lang kita okay na okay na ako" nakangiting sabi niya sakin at kasunod nun ay ang pagpatong ng kanyang kanang kamay sa balikat ko.

"Hey guys! Sorry were late!" Narinig namin mula sa likuran.

Si Rachel at si Paul pala at kasunod narin nila sila Brille. Naglapitan ang magkakaibigan at nag-apiran sila. Yung batian ng magtotropa.

"Oh Den! Buti sinama ka ni Pa-"
"I'm with him" pagpuputol ni Jerome sa dapat sanay sasabihin ni Brille. Naramdaman kong mas lalong inilapit ni Jerome ang kantang katawan sakin sa papagitan ng bahagyang paglapit niya ng kanyang braso mula sa pagkakaakbay sakin.

"Ah ok. Mukhang masaya itong lakad natin ah!" Komento naman ni Allen.

"Jerome mukhang natuto ka ng mag-ayos ngayon ah!" Nakangising puna naman ni Kerby habang parang ini-scan ang itsura ni Jerome.

Oo nga. Ngayon ko lang din napansin. Ibang iba na ang porma ni Jerome kesa dati. Dati kasi yung buhok niya ay parang sa koreano, yung parang ang gulo gulo. Ngayon, wow! As in wow! Yung style ng buhok niya ngayon ay undercut na bumagay sa maputi niyang pangangatawan. Nakashorts na binabagayan ng fitted white na v-neck na shirt dahilan para makita ang magandang hubog ng kanyang katawan.

"Lets go guys! Baka abutin pa tayo ng dilim sa daan" sabi ni Allen.

Naglakad na kami ni Jerome patungo sa sasakyan niya na hindi parin niya inaalis ang pagkakaakbay niya sakin. Syempre naman. Kinikilig ako.
Ang sweet naman nito. Hindi ko pa siya boyfriend pero ramdam na ramdam ko na ang pagiging sweet niya.

"Ready?" Nakangiting tanong sakin ni Jerome.

"Ready? Saan?" Takang tanong ko.

"To be my infinity...." Seryosong sagot niya sakin.
-----------

Author: Sino nga kaya ang mas bagay para kay Den? Si Lloyd? Jerome? O Si Paul?

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now