Postema 1.2

22.4K 823 34
                                    

Pasok na bukaaaaaas! Hahahaha! Ang bilis ng araw - tapos na agad ang Xmas Vacation. :(

Chriden PoV

Mga mayayaman talaga! Mga aksayado sa pera! Ginawa pang fiestahan itong outing at hindi pa nakuntento at meron pang sound system na halos gawing concert studio ang venue.

Nagsimula ng tumugtog ang pinaset-up ni Francisco na sound system. Lalong nabigyan ng saya ang mga taong nandon. Nagsasayawan nga sa bawat gilid ng pool eh. Kahit hindi namin kasama ay nakijoin narin.

"Ayokong kakain yang dalawang yan sa mga pagkaing pinadala ko!" Pabalang na sabi ni Francisco sakin patukoy kay Ariel at Steffany. Alam kong narinig ni Steffany yun kasi inirapan niya ako.

Kahit papaano ay naramdaman kong nakaganti ako sa ginawa niya saken. Buti nga sa kanya! Lulunin nilang dalawa ang inorder nila!

"Hindi magiging masaya ang outing kung walang.....DYARAAAAAAAAN!" Masayang sigaw ni Allen.

Gwapo rin si Allen. Maputi, chinito matangkad at malaki rin ang katawan. Pero mas malaki syempre ang katawan ni Francisco nu! Tindig palang NAKAKASHOKOT NA! hahahaha!

Inilapag ni Allen ang hawak niyang alak. Chivas. Wow! Pang-mayaman! Pero ayoko nun. Hindi ako nainom nun. Hindi kasi ako tatagal sa inuman kapag iyon ang iniinom. Lakas tama yun eh!

Napansin kong nagningning ang mga mata ng mga kaibigan ko, kaunahan na doon si Joan na saksakan ng siba sa alak. Naalala ko tuloy bigla na palagi siyang nagyayakag dati sa inuman nung highschool pa kami. Hahaha kaya nahampas siya ng nanay niya sa tuhod nung nahuli kaming patagong nag-iinom. I miss my highschool days - friends.

Tinawag kaming lahat ni Allen. Obvious naman ang mangyayari - maglalaseng nanaman!

Naupo na kami. Magkatabi si Joan at si Christine kahay sila Anabel. Sa dulo naman ay ang magsyotang butike na si Ariel at si Steffany. Nasa hanay ko naman si Jerome, Allen at Kerby. Wala pa si impakto nagpaalam kanina na may kukunin lang daw siya sa sasakyan niya.

"Kuya wag mo masyado tataasan tagay ku aa! Di ako sanay sa iinumin natin eh" pabiro kong sabi kay Allen na nagsisimula ng magpaikot ng tagay.

"Bakit? Ngayon ka lang ba makakatikim ng alak na ganyan? Sabagay wala ka naman talagang pambile" pangungutya nanaman saken ni Steffany.

Napag-usapan naming magkakaibigan na huwag nalang siyang patulan dahil lalo lang siya magpapapansin kung bibigyan pa siya ng atensyon.

"Baket miss marami bang ganito sa bahay niyo?" Nakangiting tanong ni Jerome na halatang interesado.
"Oo. Malimit kasi mag-inom si Daddy kasama ang mga clients niya sa bahay" mayabang na sagot ni Steffany.

"Wow! Mukhang bigtime ka talaga" pamumuri pa ni Jerome.
"Hindi naman. Magaling lang talaga si Daddy sa negosyo" pagpapahumble pa ng babaeng itik!

Nagpatuloy ang kwentuhang kapontoyan nila na hindi ako nakikisali. Hindi kasi ako interesado sa pinag-uusapan nila. Saksakan kasi ng yabang ng higad na ito.

"Araaaay naman!" Malakas na sabi ko ng hawiin ako bigla ni Francisco dahilan para mapausod ako. Sinamaan ko siya ng tingin pero parang walang epekto sa kanya. Tangnang impaktong ito! Walang pakundangan kung nakakasakit na ba siya.

"Hindi ka ba marunong magdahan-dahan!?" Bulyaw ko sa kanya dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko.
Hindi ako pinansin ng kangaroo bagkus nakisali sa kwentuhan ng mga hungyango. Dejokelang. Sa totoo lang ubod ng gugwapo ng mga magkakaibigan na ito. Lalo na si Oh-so-damn cute na si Jerome. Badtrip tong impakto ee. Katabi ko na sana si Jerome bigla namang sumingit.

"Eh kayo naman ano naman business ng daddy mo?" Tanong ni Steffany kay Jerome matapos ikwento ni Steffany na isang presidente ang kanyang daddy ng isang kumpanya.

"Ah si Daddy.. Pano ka ba ipapaliwanag to.." Humawak sa sintido si Jerome na halatang nag-iisip kung paano ba ipapaliwanag ang gusto niyang sabihin.

"Pamilya nila Jerome ang may-ari ng Rodriguez company, sila rin ang may-ari ng lahat ng branch ng Stop Eat and Go fastfood dito sa Cavite, meron silang pagmamay-aring hotel at Ate niya ang nagmamanage nun, hindi ko lang alam kung saan saan yung rest house at villa nila pero ang alam ko meron sa visayas" mahabang paliwanag ni Allen habang inabot ang basong may lamang alak kay Francisco.

Hindi ako nakapagsalita sa mga narinig ko. Nakanganga lahat ang mga kaibigan ko - teka pati ako nakanganga.

Totoo ba narinig ko? Gamung kayaman itong taong ito? Rodriguez company? Naririnig ko na yun dati pa at ang daming gustong makapagtrabaho dun kasi maganda daw ang benefits at mabait daw halos lahat ng taong nagmamanage dun.

"Ito namang si Allen at Kerby magpinsan yan. Pamilya nila ang may-ari ng siyam na resort dito sa Cavite kabilang na yung bagong ginagawa sa kawit. Sister company namin ang Jocsoc company kaya kami nagkilala ng mga mokong na iyan. Sila rin ang may-ari ng sa lahat ng branch ng dermaline" walang pakundangan din sabi ni Jerome pagkatapos inumin ang inabot na alak ni Allen.

Lalo yatang parang may bumara sa lamunan ko sa mga narinig ko sa kanila.

"At ito namang si Paul..." Anu ni Allen.

Mas kailangan ko yatang ihanda ang sarili ko sa mga maririnig ko sa impaktong to ah!

"Sila ang may-ari ng Gabriel Corporation at Cruz company na nasa ibang bansa. Pamilya rin nila ang nagmamay-ari ng buong company at agency dito sa cavite. Sa lahat ng company na meron kami ay malaki ang share ng pamilya nila. Sinusuportahan din nila ang school na pinapasukan natin pati ang karamihang school dito. Sila ang may-ari ng cassino sa tagaytay in short sila ang pinakamayaman saming magkakaibigan" diretsong kwento ni Allen dahilan para mas mapanganga ako.

Bigla akong napatingin kay Francisco at bigla akong nakaramdam ng pagkahiya sa sarili ko. Kung sagutin ko kasi siya eh inam tapos ganun pala siya kayaman. Baka mamaya maisipan ako nitong ipatanggal sa eskwelahang pinapasukan ko. Yari ako! Dapat akong magpakabait sa kanya.

Walang sinabi ang pagmamayabang ni Steffany kung ikukumpara sa mga narinig ko tungkol sa magkakaibigan. Hindi ko na nga narinig na nagkwento pa si Steffany eh. Nahiya na siguro.

Nagpatuloy ang kwentuhan namin. Kung anu-ano at yung mga kalokohan nh highschool. Nahihiya nga ako sa mga pinagsasabe ni Joan. Pati ba naman yung tungkol samin ni Ariel ay ikinuwento pa! Hindi na nahiya.

"Den may boyfriend ka na ba ulit?"

Biglang bumalik ang katinuan ko sa narinig ko. Nawala yata yung tama ng alak dahil sa biglaang pagbilis ng pintig ng puso ko sa narinig kong tanong mula kay Jerome.

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon