Jerome....

12K 449 34
                                    

If ever you're in my arms again - this time I'll love you much better.

Chriden PoV

Nakakapagod talaga ang Intrams. Nakakapagod magcheer ng magcheer. Ang saket nga ng lalamunan ko eh.

Nanalo ang team nila Paul sa basketball. Champion sila at sumunod naman dun ang team nila Jerome. Naging maganda yung laban. Nakadalawang overtime dahil sa naging mainit ang laban.

Kaya eto balik nanaman sa normal ang buhay. Makikinig nanaman sa mga discussion.

"Den..." Bulong sakin ni Sheryl habang nasa unahan si Mam Taccad. (Filipino Psychology prof)

"Oh bakit?" Sagot ko naman sa kanya. Nagcoconcentrate kasi ako sa pakikinig baka kasi biglang may quiz nanaman kami at 1 nanaman ang makuha ko.

"Nararamdaman mo ba yung nararamdaman ko?" Seryosong tanong niya sakin.

Putakte naman to oh!
Sasabihin nanaman nito na may nararamdaman siyang espiritu dito sa loob ng classroom namin. Palagi kasing ganoon sinasabi niya kapag inaabot kami ng ganitong oras sa room namin. (7pm)

"Huwag ka ngang manakot Sheryl! Makinig ka nga kay mam!" Pagsuway ko sa kanya.

"Hindi mo ba talaga nararamdaman ang nararamdaman ko Den?" Muling tanong niya sakin. Seryoso talaga ang mukha niya.

"Ano ba kasi nararamdaman mo!? Natatakot tuloy ako!" Sagot ko sa kanya.

"Nalilibugan ako!" Sagot niya sakin.

Hindi ko napigilan ang pagtawa ko. Kaya nakuha ko ang atensyon ng iba kong mga kaklase pati narin si Mam Taccad.

"Den whats the problem?" Sita sakin ni Mam. Lalo pa akong natatawa nung nakikita ko ang mukha ni Sheryl at paturo turo pa sa mukha ko.

"Mam si Sheryl po kasi kung anu-ano kinukwento!" Pagkatapos kong sabihin yun ay napatawa nanaman ako.

"Oyyy! Ikaw kaya ang kwento ng kwento! Mam sabi po ni Den may lihim na pagtingin daw po siya kay Sigmund Freud!" Matapos sabihin ni Sheryl yun ay nagtawanan ang lahat ng mga classmates namin.

Napakawalanghiya talaga niyong si Sheryl. Pati ang Father of Paychology dinadamay sa kalokohan.

"Haay kayong dalawa talaga. Osya - lets continue this tomorrow. 5 minutes nalang din naman at tapos na ang klase natin." Sabi ni Mam.

Nag-ayos na kami ng gamit at sabay sabay na kaming lumabas ng room. Tawanan parin kami ng tawanan dahil kay Sheryl. Kung anu-ano kasi ang kinukwento at pinaggagawa.

"Look oh mukhang may taong nakatayo sa second floor" sabay turo ni Ellen.

"Ha? Wala naman ah!" Sagot naman ni Ate Jaja.

"Hindi. Sigurado akong may nakita akong nakatayo dun" -Ellen.

"Naku Ellen itigil mo nga yang kahibangang sinasabi mo! Sa gantong oras yung building nalang natin ang may tao. Psyche students at I.T students" singit naman ni Gladys.

"Naku! Wag niyong pansinin yun. Kilala ko kung sino at ano yun!" Biglang sabi naman ni Sheryl dahilan para mapunta lahat ang atensyon namin sa kanya.

"Alam mo? Sino yun She?" Takang tanong ko sa kanya.

"Nakikita nyo iyon?" Sabay turo sa malaking imahe.

"Oo! Naman! Si St. Sebastian yan eh!" Halos sabay naming sagot ni Norman.

"Espiritu ni St. Sebastian yun!" Mayabang na sagot ni Sheryl.

"Ouch!" Sigaw niya nung binatukan siya ni Norman.
"Tangnamo! Abnormal!" -Norman.

Nagtawanan lalo kaming magkakaibigan dahil sa nangyaring iyon. Ang sarap kasama ng mga wirdong ito.

"Uyy Jerome!" Bati ko sa kanya nung nakita ko siyang nakatayo malapit sa gate.

"Diba kanina pa tapos ng klase mo?" Takang tanong ko sa kanya.

"Den una na kami. Kasabay na namin si Sheryl. Kita nalang tayo bukas" sabi ni Ellen at diretso ng sumakay sa sasakyan ni Norman.

"Tara. Dinner tayo" ani ni Jerome sakin.

Kaya eto. Nandito kami ngayon sa Island cove. Fishing village.

Mukhang masasarap ang pagkain. Kaya hindi na ako nahiya pa at kumain na ako.

Habanh nakain kami ni Jerome ay nagkukwentuhan kami. Kinuwento ko sa kanya si Sheryl. Tawa ng tawa si Jerome, kahit ako hindi ko parin mapigilan ang pagtawa ko sa tuwing naalala ko si Sheryl.

"Hmmm... Den"
Napatahimik ako sa narinig ko. Naramdaman ko kasing iba ang aura ni Jerome. Tumingin ako sa mga mata niya at inaantay ko ang kanyang sunod na sasabihin.

"I just want you to know that I really do love you. Ikaw yung napakagandang pangyayaring dumating sa buhay ko. You change my world. You change me." Panandalian siyang tumigil at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Sabi ko nga sa sarili ko, I can give up everything for you. I can do everything to make you happy. Hindi ko nga alam kung bakit nangyayari sakin ito. Hindi ko alam kung bakit kita mahal. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing makikita kita ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ako." Seryosong sabi niya sakin.

Hindi ko naramdaman na unti-unti na palang natulo ang mga luha ko. Napakasaya ko dahil sa mga naririnig ko sa kanya. Kahit ganito pala ako ay ganoon akonh kamahal ni Jerome.

"Jerome..." Tanging nasabi ko.

"Kapatid ko si Catalina..."

Bigla akong natigilan nung narinig ko sa kanya yun. Si Catalina? Kapatid niya?

"Engage na siya sa Gabriel" pagpapatuloy niya.
Biglang bumilis ang pintig ng dibdib ko nung narinig ko ang kasunod niyang sinabi.

"Jerome...Its okay. Hindi nanaman impor-"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nung bigla siyang tumayo at niyakap niya ako.

"Iloveyou so much Den..." Bulong niya sakin habang nakapulupot ang kanyang kamay sa katawan ko.

Lalong tumulo ang mga luha ko nung marinig ko pa ang mga kasunod niyang sinabi. Hindi na halos ako makapagsalita.

"Like I said, I love you so much...." Muling sabi niya habang nakangiti at lalong humigpit ang kanyang pagkakayakap sakin.

Author: pengeng comment at vote :)
Thankie! 😍😍😍

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz