Ang PinakaImpaktong tao!

22.3K 750 28
                                    

Kakapagod tong araw na ito. Periodical Examination . Hahaha!

Np: Still - Frankie J

Chriden PoV

Sana hindi ko nalang sinabi sa kanya yung biglaan kong naramdaman para hindi siya nagalit saken.

Ilang araw narin siyang hindi nagpaparamdam kaya sigurado akong galit siya saken. Pagkatapos nung gabing sinabi ko sa kanya yung nararamdaman ko ay hindi na muli kami nakapag-usap o text man lang.

Nakakaramdam ako ng lungkot at inis sa sarili ko. Bakit ba kasi sa kanya pa? Bakit ba kasi siya pa? Ang dami-dami namang diyan iba pero sa kanya pa! Hindi ko magang magpokus sa mga discussion dahil sa kaiisip sa kanya. Wala akong gana pumasok dahil wala siya. Naloloko na ako!

"Hindi ka ba talaga mahilig makihalubilo sa ibang tao?" Mabilis iginawi ang ulo ko sa likuran ko.
"Jerome?" Patanong ko pero sigurado akong si Jerome siya.

Naupo siya sa tabi ko. Wala kasi akong kasama dahil absent nanaman ang bespren ko. Hayy alam ko naman nasa bahay nila Craven yun ee.

"Yayain sana kita - labas tayo" nahihiyang sabi saken ni Jerome. Hindi nga siya makatingin ng maayos saken eh. Ano ba tong lalakeng ito.
"Ha? Ah..Eh.."
"Kahit ngayon lang. Gusto lang kita makasama"

Wala narin akong nagawa. Um-oo nalang ako sa kanya at isa pa gusto ko rin naman kahit papaano maibsan ng kaunti yung pag-iisip ko sa impakto.

"Sunduin nalang kita mamaya pagkatapos ng klase mo" sabi niya habang naglalakad palayo sa pwesto ko.

Guato ko sanang itanong kung nasan si Francisco o kung bakit hindi siya nagpapakita pero pinanghinaan ako ng loob. Ewan ko ba. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Natapos na ang klase ko ng wala akong naintindihan. Lumilipad ang isip ko na para bang nasa kalangitan (momay) yan ang nararamdaman ko.

"Hey Den!"

Ay oo nga pala! Niyakag nga pala ako ni Jerome. Nawala sa isip ko iyon aa. Wala kasi ako sa sarili ko.
"Kanina ka pa?" Tanging nasabi ko nalang sa kanya.

Nakatayo siya sa malapit sa pintuan ng biology lecture room namin.

"Tara na" yaya niya saken sabay kuha ng nag kong dala. Nung una tumatanggi pa ako pagkuha niya sa bag ko pero hindi ako nanalo. Siya parin ang na nagdala ng mga gamit ko. Gentleman ang peg netong taong to ah!

Sumakay kami sa kotse niya. Puro siya kwento habang tinatahak namin ang daan papunta sa mall.

"Tawa nga ako ng tawa nun kasi ang yabang-yabang niya habang naglalaro kami ng basketball eh" kwento niya saken.

Kinukwento niya kasi yung nakalaban niya sa basketball na saksakan daw ng yabang at palaging sinasabing wala daw siyang binatbat. Eh lagi naman daw supalpal kapag nagtatangkang dumakdak ng bola sa ring.

Nadadala rin ako sa pagtawa niya. Kaiba kasi siya magkwento. Talagang may action pa. Hahaha! Best actor nga eh.

Kumain muna kami. Sabi ko nga sa Burger King kami kumain pero may iba daw siyang alam na mas masarap na food. Sa Tokyo Tokyo kami kumain. Ansaraaaap nga! Tempura, Bentobox at may mga iba pang ni-serve saming dalawa.

Patuloy parin kami sa kwentuhan. Inaantay ko ngang may mabanggit siya tungkol kay Francisco pero bigo ako. Kahit pangalan ay wala siyang nababanggit.

Pagkatapos naming kumain ay nagpunta kami sa tomsworld. Naglaro kami ng racing, shoot the ball games at tekken tag. Tinuruaan ako ni Jerome ng mga tecgnique sa larong iyon. Naging paborito ko na nga agad si xiaoyu at si Jun kadama sa tandem eh. Hahaha ang cute nilang panuorin kahit lagi akong natatalo ng tandem ni Jerome na si Devil at Jin kadama. Nalaman ko rin na magkapatid pala si Jun at Jin kadama. Astig diba?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Maraming salamat Jerome. You really made my day" nakangiti kong sabi sa kanya nung nasa tapat na kami ng bahay namin.
"No. Ako dapat magpasalamat sayo. Napasaya mo ako Den" agad naman niyang sabi sakin.

Bigla siyang lumapit sakin at hinalikan ako sa pisngi. Hindi na ako nakapagsalita pa nun. Hindi ko na nga namalayan na nakaalis na pala siya at mag-isa nalang akong nakatayo sa tapat ng bahay namin eh.

"Gusto mo bang ipa-drug test kita Den?" Untag sakin ng napakabait kong ina.
Nagdiretso nalang ako sa kwarto ko at dun ko pinagpatuloy ang pag-iisip kung ano ba talaga nangyari. Hindi pa kasi nagsi-sink-in hanggang ngayos sa utak ko ang nangyari kanina samin ni Jerome.

"Den, 4pm ang alis natin bukas. Sa tapat nalang ng jolibee tayo magkikita-kita. Goodnight!" Natanggap kong message ni Robert saken. Bukas nga pala ang schedule para sa EK na yon. Di naman ako makakasama, una wala akong pera pang-entrance at pangalawa wala talaga akong pera. Oh eh ano pa ba mangyayari? Edi nganga!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pagmulat ng mata ko ay ginawa ko na ang araw-araw kong routine. Ang kapain ang cellphone ko at tingnan kung may message ako at i-check ang fb ko. Hahaha! Promise ganyan ako araw-araw.

"Gudmorning Den! Kain k n po."
"Txt mko kpg gcng k n"
Sender: Jerome

"Wag mgppalate mmya ha!"
Sender: Robert

Wala na muna akong nireply sa kanila. Nag-ayos muna ako ng sarili ko at bumaba para kumain ng umagahan. Napa-aga pa nga yata ang gising ko eh. Nadatnan ko kasi si Mama na nagluluto palang ng pagkain para saming dalawang magkapatid.

"Hoy Chrien Ross ang aga aga hawak mo na agad yang tablet ko!" Sita ko sa nakababata kong kapatid.
"Kuya sama mo ako sa Enchated. Hindi pa ako nakakapunta don eh" nagpapaawang sabi sakin ni Chrien.

Naalala ko nga pala narinig nga pala netong batang to ang usapan namin nung nakaraan ni Robert. Lakas kasi ng boses ng timang na yon eh!

"Naku bunso hindi rin ako makakasama kasi wala akong pambili ng ticket. Next time nalang tayo" mahinahong sabi ko sa kapatid ko.

"Yan munang tablet ko ang pagkaabalahan mo. Magdownload ka ng maraming games para mawili ka" pang-uuto ko pa sa kanya.

"O halika na kayo - kumain na muna tayo" tawag samin ng aming super gandang ina. Aw! Makabola! As if naman na bibigyan kami ng pang-entrance niyan. Asanessssss!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Kuyaaaaa! Kuyaaaaaaaaaa!" Sigaw ni Chrien sa tapat ng pintuan ng kwarto ko at kulang nalang at gibain ito.

"Ano ba bunso! Baket ba!?" Sigaw ko sa kanya.
"May bisita ka kuya" kasunod nun ay ang napakalawak na ngiti ng sutil kong kapatid.

"Sino daw? At baket ba bihis na bihis ka!? San ka pupunta?
"Basta halika ka na Kuya" sabi ni Chrien at hinila ang kamay ko pababa sa sala.
.
.
.
.
.
.
.
"Oh bakit hindi ka pa nakaayos? 4pm ang usapan diba? Buti pa kapatid mo kanina pa nakaayos!" Bulyaw sakin ng pinaka-impaktong tao. Si Francisco.

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now