Close to you

11.9K 402 18
                                    

Yesterday Once More

Chriden PoV

"Bakit dito mo ako dinala!? Wala akong panglibre sayo sa ganitong uri ng restaurant!" Pagalit kong sabi sa kanya.

Saan naman ako kukuha ng pambayad dito sa Pilitas? Takte! 40php nga lang ang pera ko sa bulsa at baon ko pa ito hanggang bukas!

"Umupo ka nga lang diyan! Kaingay-ingay mo!" Pagalit din niyang pigil sakin.

"Diba dapat ako ang magdidisisyon kung saan tayo kakain dahil ako ang magbabayad!" Ganti ko naman sa kanya.

"Bakit!? Sinabi ko bang ikaw magbabayad!" Muli niyang sabi sakin.

"Ah..Si....r eto po ang menu" sabi nung babae at inabot yung parang folder. Ewan ko kung ano tawag dun.

Palibhasa mayaman kaya ganyan ang ugali!

"May sinasabi ka!?" -Francisco.

Takte! Nakakabasa ba siya ng utak?

"Bago ka bumulong ng bumulong diyan ay pumili ka na ng pagkain mo!" Muling sabi niya sakin.

Takte. Naririnig pala niya ako.
Napansin kong napapangiti yung mga babaeng nasa tabi namin. Naku! Kapag natuktukan ko itong dalawang ito.

Matapos ilapag ang mga pagkain ay nagsimula na kaming. Tahimik kami pareho ni Paul. Walang kahit na anong maririnig kundi ang tunog ng kutsara at tinidor na gamit namin.

"Paul musta na si Jerome? Hindi ko kasi siya nakikita" basag ko sa katahimikang bumabalot samin.

"Bakit hindi mo siya itext!?" Sarkastikong sagot niya sakin.

Jusko! Lord penge pa pong dagdag ng pasensya para sa taong ito. Baka hindi ako makapagtimpi at mabato ko siya ng plato.

"Wala kasi akong cellphone. Sira." Sagot ko sa kanya.

"Edi bumili ka para maitext mo si Jerome!" Muling sabi niya na may halong inis.

Takteng taong to ah! Ubos na talaga pasensya ko!!!

"Hindi kasi ako mayamang katulad niyo! Na kapag may gustong bilihin ay nabibili agad! Kapag gustong kumain sa mamahaling restaurant ay kahit anong oras ay pwede!" Naiinis kong sagot sa kanya.

Hindi na kasi ako nakapagtimpi. Bwiset na lalaking ito!

Muli kaming binalot ng katamikan pagkatapos kong sabihin iyon.

"Uuwe na ako.." Sabi ko sa kanya matapos naming lumabas ng pilitas. Sumakay na ako sa front seat at ganoon din siya.

Ini-on niya ang mini-component ng sasakyan niya.

(pls play: close to you - carpenters)

Ano ba itong nararamdaman ko?
Bakit ganito nalang ang pakiramdam ko? Hindi ko maipaliwag kung masaya ba ako o hindi.

Ang bilis ng kaba ng dibdib ko.
Yung pakiramdam na hindi ako mapakali.

"Labag man uli sa kalooban ko pero salamat" sabi ko sa kanya at mabilis na akong bumaba ng sasakyan niya.
Matapos kong marinig ang pagbusina niya ay nagdiretso na ako sa loob ng bahay namin.

"Oh Chrien bakit gising ka pa?"
"May nagpapabigay sayo Kuya. Matutulog na ako Kuya. Gala tayo sa isang araw ha. Goodnight"

Inabot sakin ni Chrien ang isang box.

Nagtungo na nga ako sa kwarto ko para makapagpahinga na ako.

Naupo ako sa kama ko.
Dahan-dahan kong inangat ang takit ng kahon.

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now