Notes.

10.5K 372 9
                                    

What if's

Paul Francisco PoV

Natigilan ako sa sinabi ni Lolo. Tiningnan ko ang reaksyon nila Papa at Mama. Halatang nagulat din sila sa sinabi ni Lolo. Napatingin sakin ang dalawang kapatid ko.

Tangina! Ano ba ang ibig sabihin ni Lolo?

Isa lang kasi ang nasa isip. Hindi naman ako tanga para hindi ko makuha ang ibig niyang iparating.

Tiningnan ko si Den. Nakayuko lang siya.

Ano ba ang gagawin ko?

Ano ba ang dapat kong sabihin?

"Huwag kang mag-alala. Maganda at mabait yun. Sigurado rin ako na magugustuhan ka niya" dugtong ni Lolo sa kanyang sinabi.

Ano itong bigla kong naramdaman? Naiinis ako! Nag-iinit ang ulo ko sa naririnig ko mula kay Lolo.

"Lolo Pasensya na pero -"
"May I be excuse for a moment?" Sabi ni Lolo ay mabilis na tumayo.

"Paul san ang c.r?" Tanong sakin ni Den.

Pinasamahan ko sa katulong si Den sa c.r. Napansin ko rin na medyo hindi nagsasalita si Den simula pa kanina.

"Ma! Anong ibig sabihin nito? Hindi ba alam ni Lolo na-"

"Paul makiayon ka nalang sa gusto ng Lolo. Wala kang magagawa." Biglang sabi ni Papa.

Wala akong naisagot sa sinabi ni Papa. Pero tangina! Hindi ko naman talaga gusto ang sinabi ni Lolo. Ayoko makipagkilala sa iba, ayoko sa iba. Si Den lang ang gusto ko!

Tinapos ko agad ang kinakain ko at kaagad akong tumayo.

"Paul! Stay here!" -Mama.

Hindi ko pinansin ang tawag sakin ni Mama. Umalis ako. Umakyat na ako sa kwarto namin ni Den.

Dapat pala hindi na ako sumama dito. Mas mabuti pa palang nasa cavite nalang kami. Bakit kailangan pa niya akong ipakilala kung kani-kanino?

Pagpasok ko sa kwarto ay nakita ko si Den na nakaupo sa kama at pinagpapatuloy ang pag-aayos ng mga gamit niya.

"Oh hindi ka na bumalik dun?" Tanong ko sa kanya.

"Sumakit kasi ang tiyan ko. Naparaki kasi ang kain gawa ang sarap nung bulalo" nakangiting sagot sakin ni Den.

"Oy! Ayusin mo ang mga gamit mo! Matuto kang mag-ayos, hindi ko aayusin yan." Dugtong niya.

"Habang nag-aayos ka diyan, mag-iikot ikot muna ako sa labas ha. Ang sarap ng pakiramdam ng hangin dito eh. Sariwang sariwa" sabi niya at mabilis binuksan ang pinto at lumabas.

Sinunod ko ang sinabi ni Den. Inayos ko ang mga gamit ko at nilagay ko iyon sa cabinet.

"Sir Paul, pinapatawag po kayo ni Sir Benjamin. Nasa sala po siya" sabi nung katulong sakin.

Mabilis akong bumaba.
Nakita ko si Mama at Papa na nakaupo sa sofa at halatang inaantay nila ang pagbaba ko.

"Maupo ka Paul" sabi ni Papa sakin.

Naupo ako sa kabilang parte ng sifa kaharap sila.

"Ang Lolo mo matanda na. Gusto ko maging malapit kayo ng mga kapatid mo sa kanya. Hindi ko kasi kayo madala lagi dito dahil sa dami ng inaasikaso ko. Sabik si Lolo nyo sa inyong lahat ng apo niya. Kaya kung maari pasayahin niyo siya" mahabang sabi ni Papa.

Ano ba ang ibig niyang sabihin?
Pasayahin? Yun ba yung susundin ko ang kagustuhan niyang ipakilala ako sa iba?

"Paul anak hindi kasi natin masasabi ang buhay ng tao..." Dugtong naman ni Mama.

Ewan ko! Lalo lang yatang gumugulo ang isipan ko. Lalo yatang nagiging komplikado.

"Akyat muna ako sa taas Ma." Paalam ko at mabilis na akong tumayo. Hindi oo na kasi gusto ang sinasabi nila. Parang may nais silang iparating. Parang may gusto silang ipagawa sakin.

"Manang pakidalahan ako ng alak sa rooftop" sabi ko kay manang habang nakasalubong ko siya paakyat.

"Opo Sir"

Nakaupo ako ngayon dito sa rooftop. Mahangin. Malamig.

Sa isang banda masaya rin ako kasi kasama kong nagpunta dito si Den. Saka mas nararamdaman ko ng mas malapit na siya ngayon sakin kesa dati.
Masaya yun syempre!
Kinikilig pa nga ako sa tuwing maalala ko yung scenario namin kanina eh. Yung hinawakan niya yung kamay ko.

Kinuha ko sa bulsa ko ang maliit na notebook na hindi ko kailaman pinagsawaang basahin.

Note #28
Kauwe ko lang galing school. Haaaay.. Kaya eto nanaman ako sa kwarto ko, nakadapa at kaharap itong notebook na ito. Ang sarap siguro sa pakiramdam na may hahawak sa kamay mo tapos mararamdaman mo nalang na siya na, yung siya na yung matagalan mong hinahanap at hinihintay dumating. Yung taong kaya kang ipagtanggol at hindi ka pababayaan mawala. Ang sarap nun - nakakakilig yun. Kaso - hindi totoo yun. Pang fairytale lang yun. Haaay. Sige goodnight. Apektado na ako ng mga napapanuod ko. :)

Note #29
This day! Takte! Buset! May isang taong sumira ng gabi ko! Aba! Banggain ba naman ako habang nakapila ako sa enrolment! Buset diba? Anung akala niya sakin? Uurungan ko siya! Utut niya!
At di pa natapos dun - nakita ko uli siya sa angelicas, may binubully! Ang yabang yabang niya! Hindi naman sa pagiging pakialamera pinigilan ko siya. Aba! Jojogbagin ba naman yung isang lalaki e wala naman ginagawa sa kanyang masama!
Haaaay! Sira na araw ko. Pero - sige na nga. Cute siya. Pareho silang cute nung kaibigan niya.

Hindi ko mapigilan mapangiti sa binabasa ko. Alam ko kasing ako ang tinutukoy niya sa notes niya.

"Kuya Paul!" Narinig kong pagtawag sakin ni Luis.

Bigla bumilis ang tibok ng puso ko nung marinig ko iyon.

"Bakit Luis? Anong problema?" Mabilis kong tanong sa kanya. Napatayo ako. Kinakabahan kasi ako sa maari niyang sabihin. Bakas kasi sa mukha niya ang pag-aalala at takot.

"Kuya si Den nawawala. Kanina ko pa ako paikot ikot sa garden pero wala siya!"

Author: penge nga katext. :( wala ako kakwentuhan :(

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now