Paano kung biglang mawala ako?

22.9K 788 27
                                    

Vacant :) Next period ko ay ang Section Akle :)

Chriden PoV

Pagkatapos ng napakasayang outing namin ay eto na ulit kami sa school. Back to normal. Nakakabuset nga yung prof namin sa humanities bigla-biglang nagpa-quiz eh hindi pa naman ako ready. Kaya ayun - 4 out of 10 ang score ko. Nakakahiya! :(

Paulit-ulit kase nag-e-echo sa isipan ko ang tanong na Den may boyfriend ka na ba ulit? Hindi ko talaga alam ang isasagot ko nun pero sa bandang huli ang nasabi ko ay hindi ko alam.

Pwede ba talaga yun? Yung sagot ko na hindi ko alam? Nagtaka rin ako sa sarili ko dahil sa sinagot kong iyon eh.

"Space out ka nanaman!" Puna saken ng bespren ko. Nandito na kasi kami ngayon sa paborito naming tambayan - cafeteria.
Medyo tahimik ngayon ang buhay ko dahil hindi nagpapakita ang impakto. Pero bakit parang hinahanap ko ang presensya niya? Parang gusto ko yata na ginugulo niya ako.

Siguro baka nasanay lang ako o immune na ako sa sobrang panggugulo niya saken.

"Hindi yata umaaligid sayo ang boyfriend mo?" Ani ni bespren saken.
"Boyfriend?" Takang tanong ko sa kanya. Alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya. Si Francisco.

"Hindi ko siya boypren bessie. Sa tingin ko gusto niya lang ako magpanggap ng syota niya para tumigil na ang kanyang kapatid sa karereto sa kanya ng kung sinu-sino" sagot ko sa kanya.

"Oh eh bakit malungkot ang peslak mong ngetpey!?" Sabi niya pagkatapos ay tumawa.

Flashback (Sa Out of Town kasama ang Gabriel Family)

Nasa isang resort kami. Kung hindi ako nagkakamali ay pagmamay-ari nila Francisco ang resort na ito. May iba rin naman kaming kasama. Katulad ng boyfriend ni Ate Taniya, si Luis Franco at kasama nitong babae, at si Justine Franz at kasama rin nitong babae.

Katabi ko ngayon si Francisco sa long table. Dinner na kasi. Katulad ng dati puro kwento ang naririnig ko sa ate ni Francisco.

Sa twing titingin ako sa ibang kasama namin ay nahuhuli kong nakatingin sakin si Luis Franco. Anu bang tao to! May kasama na ngang siyang iba tapos natingin pa saken. Napaka-assuming ko. Pwede naman sa katabi ko nakatingin o kaya sa daddy nila.

Nilagyan ako ni Francisco ng pagkain sa plato ko at tumingin sakin ng hindi maganda.

"Hindi ako baldado" mahinang bulong ko.
"Isa pa at itataob ko lahat ng to" mahinang sabi rin niya.

Hindi ko na siya sinagot pa at ayokong dito pa kami mag-away sa harapan ng magulang niya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag nasa tabing dagat at sinasabayan pa ng magagandang musika na nanggagaling sa isang villa cottage na tinitigilan namin. Naupo ako sa buhanginan. Pinagmamasdan ko ang ilaw na paikot-ikot na nagmumula sa parola sa kabilang dulo ng dagat. Sa ganitong pagkakataon ay bumabalik sa isip ko ang mga malulungkot na nangyari sakin dati.

Naramdaman ko nalang na may pumatong na jacket sa likuran ko. Napansin niya atang medyo nanginginig ang balikat ko sa lamig na nararamdaman ko dahil sa hangin na walang tigil sa paghampas sa katawa ko.

Naupo siya sa tabi ko. Hindi siya nagsasalita. Pareho lang kaming nakatingin sa paikot-ikot na ilaw.

"May naging girlfriend na ako dati..." Maginang basag niya sa katahimikan na lumulukob saming dalawa.

Hindi ako nagsasalita. Hindi ko rin siya tinitingnan. Ang tanging nasa isipan ko lang ay kung ano yung kasunod niyang sasabihin.

"..ang saya-saya namin. Hatid sundo ko siya sa tuwing papasok kami sa school, magkasabay kaming kumakain at sa tingin ko napakaperpekto ng lahat ng bagay kapag kaming dalawa ang magkasama" pagpapatuloy niya.

Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit parang nung narinig ko iyon ay parang may naramdaman akong kirot sa dibdib ko.

Sumulyap ako sa mukha ni Francisco. Malamlam ang mga mata at bakas na bakas ang pagkaseryoso sa mukha nito. Unang pagkakataon ko lang nakitang ganito ang mukha nito. Palagi kasing sobrang seryoso at hindi marunong ngumiti.

"..mas naramdaman ko ang saya nung araw na ng kasal namin..."

Potek! Bakit parang nanginginig ang dalawang mata ko? Bakit parang may naiipon na tubig sa magkabilang sulok ng mata ko.

"..pero...wala siya... Hindi na siya nagpakita."

Nakaramdam ako ng kaunting awa sa huling narinig ko sa kanya. Sa likod pala ng pagiging matapang at mayabang niya ay nagkukubli ang ganoong klase ng sakit.

Siguro defense mechanism niya yung ugaling matapang at mayabang para takpan o pawiin yung paghihirap sa kalooban niya.

"Huwag mo ng itanong kung baket at kung saan siya nagpunta! Baka lunurin kita kung magkataong usisain mo pa!" Biglang bulyaw niya sakin.

Gusto kong matawa pero pinigilan ko. Bakit? Kase ba naman kaseryoso tapos biglang ganoon? Abnormal lang talaga tong taong ito!

"Bopols! Hindi ako magtatanong ng tungkol sa walang kwentang babaeng yun!" Sabi kong bigla sa kanya.

Nakita kong medyo napangiti siya sa sinabi ko. Matapos yun ay katahimikan muli ang bumalot samin at tanging alon lang na patuloy sa paghampas sa paanan namin ang naririnig.

"Francisco pwede magtanong?" Basag ko muli sa katahimikan.

"Pwede basta siguraduhin mong hindi ako maiinis!" Diretsong sagot niya.

Alam ko naman kasing gusto niya lang ako magpanggap bilang syota niya para hindi na siya ireto pa ng Ate niya - pero may gusto parin akong malaman at maramdaman. Gusto kong kurpirmahin kung tama ba yung bigla ko nalang naramdaman kanina nung nagkukwento siya.

Kung sakaling wala akong ibang naramdaman sa sagot niya - itutuloy ko ang pagpapanggap. Kung sakali man na tama ako sa hinala ko - tama na. Tigil na. Para di na maulit yung nangyari sakin dati.

"Paano kung biglang mawala ako?"

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now