Liderkuno VS Hampas-lupa

37.1K 970 46
                                    

Happy New Year! :)

Chriden PoV

Aba! At talagang nangsisira ng moment tong walangyang to ah! Tiningnan ko siya ng masama at inirapan ko siya.

"Akala mong kagandahan ang boses! Boses itik naman!" Sabi ko pagkalapag ko ng mic sa lamesa. Kako ba eh kung gustong kumanta, pumili ng sarili hindi yung nakikisali sa kanta ng may kanta. Kaboses naman ni tweety bird! Panget!

Napansin kong nakatingin lahat ng kaibigan ko saken. At ito namang si Norman ay pinandidilatan ako ng mata.

"Norman hindi ka kuwago! Baboy ka! Kaya wag mo akong pandilatan ng mata!" Puna ko sa kanya at mabilis na akong bumalik sa pwesto ko at nakipag-inuman na muli sa kanila.

Nagpatuloy ang inuman namin. Hindi na nga namin napansin ang oras dahil sa puro kwentuhan at lokohan ang ginagawa namin. Nakaagaw pansin samin ang isang grupo na MAS magugulo pa samin na parating. Mga Engineering yata yun. Kilala ko kasi ang isa sa kanila pero di ko katropa. Kilala lang.

"Doon tayo tol! Mukhang wala naman yatang nakapwesto dun!" Sigaw nung isa sa kanila na mukhang weirdo.

"Kahit ba may nakapwesto diyan - kung diyan gusto nating pumuwesto" saad naman nung lider ang peg sa kanila.
Naglakad yung lider kuno papunta sa pwestong tinuturo nung weirdo nung bigla silang nagkabanggan ni Hampaslupa. Bigla bigla naman kasing tumatayo ang hampaslupa ng hindi tumitingin kung may tao o wala.
Makitid pa naman yung daanan kaya siguradong magkakasagian kung sakaling magkakasalubungan.

"Arggh!" Sigaw nung liderkuno nung nabangga ang kanang balikat niya.

"Hindi ka ba marunong tumingin kung may dadaan?" Matapang na sabi nung liderkuno. (Di ko pa alam pangalan ee)

Nagtinginan sa kanila ang halos nandon.
"Tsk..tsk..tsk.." Narinig ko mula kay Joshua.

Nakita kong nanlilisik ang mata ni hampaslupa at diretso itong nakatingin sa taong nasa harapan niya.

"Haharang ka nalang ba diyan!?" Matapang parin na sabi nung lider-lideran.

Biglang nalang binigyan ng napakalakas na suntok ni hampas lupa ang taong nasa harapan niya at agad na napahiga yon sa lapag. Aktong tatayo na si lider nung biglang hinawakan siya ni hampas lupa at kinuwelyuhan.

Walang naawat sa kanila bagkus nakatingin lamang ang lahat pati ang mga kaibigan ng bawat grupo.

Walang awa tong taong ito!

Tumayo ako. Hindi naman sa nagpapaka-good-samaritan ako pera mukhang hindi tama ang nangyayari. Ang alam ko kapag may nag-aaway ay dapat inaawat at hindi pinapanuod lamang. Hindi naman ito sabong para panuorin lang!

"Den! Huwag ka makialam" awat saken ni Mike.
"Eh ano gagawin ko? Makipagpustahan?" Sarkastikong sabi ko sa kanya.
"Baka hindi mo nakikila ang grupong yan!?" Dagdag ni Joshua.
"Eh di ako unang magpapakilala!" Pilosopong sagot ko.

Tinungo ko sila. Napansin kong nakaagaw pansin ang pagpunta ko sa lugar na iyon. Hinawi ko ang mga kasama ni lider na halos tumanga lang sa nangyayari at wala talagang balak ipagtanggol ang kanilang kaibigan.

"Hindi nyo ba kayang magpasensyahan nalang? Hindi ba kayo nahihiya at napakaraming tao na ang nakatingin sa inyo!?" Paglalakas loob kong sabi nung nasa harap na nila ako.

Nakita kong nakatingin sakin ang grupo ni hampas lupa. Tangna! Nagsisisi na ako kung bakit nakialam la ako. Wala na akong magagawa, nandito. Tapang-tapangan nalang. (Sana walang sea prism stone sila para gumawa ang hana hana fruit ko)

Nakatuon sa akin ang nanlilisik na mata ni hampas lupa.
"Sino ka para makialam dito!?" Nakakatakot na tanong niya.

Nasaan na ba ang mga kaibigan ko!? Bakit hindi nila ako tulungan sa pagkakataong ito!

"Ako lang naman yung binangga mo kanina sa pila habang nag-eenroll para makasingit kang bastos ka!" Napalakas kong sabi. Paktay tayo niyan! Hindi ko na nakontrol ang bunganga ko.

Nakita kong pangiti-ngiti ang mga kaibigan ni hampas lupa. Lalo na yung isang kaibigan niyang - OH-SO-DAMN-CUTE! Nasa bingit na ako ng kapahamakan pero naglulumandi pa puso ko. Hahaha! Totoo. Promise.

Bigla niyang binitiwan ang pagkakakwelyo kau liderkuno ay bumagsak na ng tuluyan ito sa sahig.

Syempre tumulong na ako kaya lulubos-lubusin ko na. Inayos ko ang pagkakaupo ng nasapok na si lider.

Hinawakan ko ang mukha niya. Pero may naramdaman ako basa mula sa mga palad ko pagkatapos kong hawakan ang mukha niya.

Nagsimulang manginig ang dalawang kamay ko at dahan-dahan ko iyong inihaharap sa sarili ko.

"Du..du...."
"Den! Den!"
Iyon ang narinig ko bago ako nawalan ng malay..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nagising nalang ako ng nasa bahay na ako. Alam ko ang nangyari. Nahilo ako at nawalan ako ng malay. Tumingin ako sa oras, 8:00am na pala. Walang pasok kaya ayos lang.

"Ayos ka na ba?" Narinig kong sabi ni mama habang nagluluto ng ubod sarap na ulam. Tortang giniling at ginisang pechay. Hahaha! Totoo. Yan palagi ang madalas lutuin ni inang mader ko.

"Ok na ako ma. Nagkasayahan lang kami. Suriiiii" sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now