Totoo. Gusto ko si Den.

17.3K 615 22
                                    

You are capable of more than you know.

Chriden PoV

Ang gaaaaaandaaaaa!
Nasa isang resort kami. Napakagandang kulay ng dagat, pinong buhangin, preskong simoy ng hangin, mga kubong nagkukubli sa mga puno at naghayang mga stall na mga pwedeng bilihin para sa pasalubong.

Sigurado akong magiging masaya ang pagtigil namin ng ilang araw dito.

Dumiretso muna kami sa hotel na titigilan namin. Kasama kasi yun sa napanalunan namin sa contest.

Room 11

Sino naman kaya makakasama ko sa room ko? Ang patakaran kasi ay dalawa sa isang room. Haayyy gusto ko pa naman sana makapagsolo. Ito natin kasi ang pagkakataon ko para matapos ko ang ginagawa kong nobela. Mas panatag kasi ang isipan ko kapag mag-isa lang ako sa kwarto.

Naagaw ang atensyon ko ng isang grupong sobrang gugulo at mukhang hindi magkasundo. Hindi ko na sana sila iintindihin nung biglang may nagsalita sa kanila.

"Uy Jerome! Buti nakasunod ka agad!"

Kasunod ko nga pala si Jerome. Nawala na kasi siya sa isipan ko. Teka! Kung nandito si Jerome ibig sabihin...

"Akala namin hindi ka na makakasunod eh. Buti naman at nakatakas ka kay Catalina!" Sabi ni Brille.

Hayy... Akala ko pa naman kami lang ng mga kaibigan ko ang nandito. Kasama rin pala sila. Bakit ba hindi ko agad naisip na nandito rin sila kasi nanalo rin sila sa contest? Ang slow ko talaga! Grrrr...

Tiningnan ko si Francisco. Aba! Hindi ako pinapansin! Porket ba nandiyan na yung Catalina niya eh hindi na niya ako papansinin? Anong akala niya maapektuhan ako? Utut niya blue!

"Den nakita mo na room mo?" Sabi ni Kenneth.
"Di pa nga eh." Matipid kong sagot.
"Teka anong room number ka ba?"-Kenneth.
"11" -ako
"Ayos! Magkasama pala tayong dalawa sa room. Tara na!" Sabay hila niya sa kamay ko.

Si Kenneth? Kasama ko sa room? Teka! Teka! Ano ba dapat kong maramdaman? Matuwa? Mainis? Magalak? Mainip? Ayy! Erase! Erase! Bakit ako maiinip? Shit naman!

Binuksan na ni Kenneth ang magiging room namin.

Ang ganda ng room.
Nilapag ko ang gamit ko sa mini-sofa at inikot ko ang mata ko sa kabuuan ng room.

May table at dalawang upuan, mini refrigerator, flat screen tv at sa ilalim nun ay may dvd player, speakers at telepono sa tabi ng isang kama.

Oooops! Teka! Tama ba nakita ko? Isang kama lang? Diba pangdalawahan daw ang room? Eh bakit iisa lang ang kama? Ibig sabihin...

"Oh bakit parang pinagpapawisan ka diyan? Malamig naman ah!" Sabay turo ni Kenneth sa aircon.

Napatingin ako sa kanya at tumingin ulit ako sa kama.

"Don't worry Den. Nakakapagtimpi pa ako. Huwag ka mag-alala, hindi ko gagawin iyon ng labag sa kalooban mo"

Takte! Mind reader ata to ah!

Nakakapagtimpi? Labag sa kalooban? Ano ibig niyang sabihin? Takte naman! Slow ba talaga ako?

Hindi na ako nakasagot pa dahil nakaramdam ako ng hiya sa kanya. Totoo naman kasi! May ibang pumapasok sa isipan ko.

Kayo kaya lumagay sa sitwasyon ko? Nasa isang kwarto kayo ng hunks at gwapong lalaki? Sige nga!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Shot!" Sigaw ni Ian habang nakataas ang kanyang kamay na may hawak na alak.

Nasa tabing dagat ngayon kami at pinapagitnaan ng bonfire. Dahil sa bonfire ay nawala yung lamig na nararamdaman ko dahil sa hampas ng hangin. Sarap sa pakiramdam yung naririnig yung lagaslas ng alon sa dagat.

"May naisip akong game" -Lexter.

Napunta lahat ang atensyon namin kay Lexter. Base kasi kay Kenneth ay laging may pabaon na laro itong taong ito.

"Parang truth or dare lang ito pero ang pinagkaiba ay iipapasa-pasa natin itong hawak kong maliit na bola habang may nakanta. Kapag tumigil yung kanta - ibig sabihin niya yung tatanungin" mahabang paliwanag ni Lexter.

Mukhang masaya nga yun ah! Kaya umayos na kami ng pagkakaupo sa buhangin. Habang umiikot ang bola ay patuloy rin naman ang pag-ikot ng tagay. Si Ian ang nakanta. Your guardian angel ang kinakanta niya. Tumigil siya sa pagkanta at tumigil din ang bola.

"Adriane!"

"Truth!" Sabi agad ni Adriane.

"Sino ang natitipuhan mo sa section natin?" Diretsong tanong ni Ian sa kanya.

"Si Shiela" matapang na sagot ni Adriane.

Ganon ba talaga kabilis sumagot tong taong ito? Ang alam ko kasi sa larong ito ay nakakakaba.

Nagpatuloy ang lato namin. Panay na ang kantyawan ng mga kaibigan ko. May tama narin kasi ng alak. Kahit ako nakakaramdam na ako ng sanib ng emperador sa sarili ko.

"Truth!" Sabi ni Kenneth.

"Isa lang naman ang pwede kong itanong sayo Kenneth" panimula ni Lexter.

"Wala pa kasi kaming nababalitaan na girlfriend mo. Tanong ko lang sino ba ang binubulong ng puso mo?" Diretsong tanong ni Lexter.

Lahat kami ay nakatuon kay Kenneth. Excited na kaming marinig ang susunod niyang sasabihin.

Halata ngang may tama narin ng alak ang mga kasama ko. May sound epek pa na parang iaanounce ang nanalo sa pageant.

"Si Den" mahina niyang sagot.

"Ha?" -Lexter.
"Laseng ka Kenneth?" -Ian
"Ayos ang trip mo ah!" -Adriane

Wala akong masabi. Hindi ko nga alam ang gagawin ko nung narinig ko iyon sa kanya. Gusto kong marinig ang susunod niyang sasabihin. Yung sasabihin niyang nagbibiro lang siya.

"Totoo. Gusto ko si Den" malumanay niyang sabi.

Sakin nabaling ang mga mata ng mga kasama namin.

"Oh nasagot ko na. Tuloy na natin to" basag ni Kenneth sa katahimikan. Nginitian niya ako.

"Den!" -Adriane

"Dare" sagot ko. Medyo nabubulol na nga ako. Laseng na nga ako.

"Sure ka?" Nakangising tanong uli ni Adriane.

"Nakikita mo yun?" Sabay turo niya sa kumpol na magkakasamang sila Francisco.

"Kiss-an mo si Bully boy sa lips" sabi niya sa mapang-asar na tono.

"Ha!? Te...teka! Truth nalang!" Nawala bigla ang pagkalaseng ko nung narinig ko yun.

"Adriane!" Suway ni Kenneth.
"Its just a game. Wala naman masama diba?"

Wala na akong nagawa. Sinang-ayunan ng iba naming kasama si Adriane sa kalokohang naisip niya.

"Kapag hindi mo ginawa ang dare - dito ka sa labas matutulog at wala kang share sa napanalunan natin" sabi ng walang modong si Adriane.

Tumayo ako.
Nagsimula na akong maglakad patungo sa pwesto nila Francisco.

Bakit ganito? Ang bilis ng tibok ng puso ko? Bakit parang nangangatog ang tuhod ko? Tangna naman oh! Bakit pa kasi sumali pa ako sa kalokohan ng Lexter na iyon!

Habang palapit ako ng palapit lalong lumalakas ang tambol sa dibdib ko. Feeling ko nga ay mahihimatay ako eh.

Nakikita ko na siya. Nagkakatuwaan din sila at nasa gitna nila ang bote na nakatapat kay Francisco.

"Francisco...." Mahinang tawag ko sa kanya.

Itutuloy ko ba? Gagawin ko ba?
Baka kasi kung ano ang isipin ng mayabang na ito.

Eh ano naman kung matulog ako dito sa labas? Eh ano naman kung mawalan ako ng share sa napanalunan namin? Ayos lang naman iyon diba?

"Oh bakit?" Diretsong tanong niya.

"Ayan na pala eh! Ayos!" Sabi ni Brille.

--------------

Takte! Nakakapagod ang Phil. IRI!

Yung nahingi po ng number ko - message ko nalang po. Hahaha! :)

Votes and Comments po.. :)

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now