Den hindi ka ba nagtataka?

12.7K 394 14
                                    

Kung kaya ng iba - GOODLUCK! - Sheryl. Hahaha

Sheryl C. PoV

(Aba may sarili pala akong PoV dito! Hahaha! Takte! Alam ko puro kalokohan ang ganap ko dito Bei!)

"Happy Newyear tol!" Bati ko kay Den at inilapag ko na agad ang bag ko sa tabing upuan niya. Magkatabi kami palagi sa loob ng room. Di ako napayag na hindi siya katabi ee. Tandem talaga kami. Hahaha! Ayoko kasi batiin siya ng goodmorning. Newyear naman para maiba.

"Happy Valentines tol!" Sagot naman niya sakin na may halong panloloko rin.

"Wag mo akong mabati ng happy valentines! Di ko bet ang valentines!" Sagot ko naman sa kanya matapos kong umupo.

"Bakit naman!? Di ka ba masaya kapag valentines?" Seryosong tanong niya sakin.

"Paano ako magiging masaya kapag valentines? Eh kahit nga araw ng mga puso tengga kike ko eh!" Sagot ko sa kanya. Seryoso pa ako sa lagay na yan ah!

Tangna! Imbis na sumagot ang bakla eh humagalpak lang ng tawa! Tawa ba yon! Seryoso ako eh! Seryoso ako te!

"Oy kayong dalawa umayos na kayo! Puro nanaman kayo kalokohan. Nandiyan na si Maam Alvero! Behave na!" Saway samin ni Mia Dones. Ang sobrang talino sa section namin. Pero ayaw naman magpakopya! Tangnantong Mia na to!

Naku! Nandiyan nanaman si gilagid! Sigurado ako na mag-uumingles nanaman yang hayup na yan!

Umayos na ako ng pagkakaupo. Baka kasi bigla akong mapansin ni gilagid at patayuin ako para sagutin ang tanong na pang BAR EXAM! Totoo! Ang paborito niyang sabihin ay yung word na NAKUKUHA BA? NAKAKASUNOD BA? Aba syempre kahit hindi oo lang kami ng oo. Para lang hindi na magtagal.

"Den hindi ka ba nagtataka?" Bulong ko kay Den.
"Nagtataka san?" Mahinang tanong naman sakin ni Den. Tangnantong baklang to. Kunwari pang nakikinig eh hindi naiintindihan ang pinagsasasabe ni gilagid!

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit nakausli ang nguso ni Mam!?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Bakit ba pati nguso ni Mam eh pinapakialaman ko? Hayaan mo siya! Kahit anong gawin mo hindi na uurong yan!" Sagot naman niya habang pinipigil ang pagtawa.

"Okay class LiaPsy get a paper" sabi ni Mam Gilagid. Putangna! May quiz agad! Wala nga ako naintindihan sa mga sinabi niya eh!

Nagsimula na magtanong si Mam Gilagid. Sa totoo lang wala ako naiintindihan sa mga sinasabi niya. Puro kasi kawirduhan eh.

"Den pakopya!" Sabay siko ko sa kanya.
"Wag ka maingay! Baka makita tayo ni Mam!" Saway niya sakin.

"Pakopya ako! Wala pa akong sagot simula sa 1" bulong ko uli sa kanya.

"Bakit anong number na ba tayo?" Takang tanong niya.
"Tangnamo! Wala ka rin palang sagot! Wala akong mapapala sayo!" Ani ko sa kanya.

"Okay lets check your work" mabilis na sabi ni Mam. Nagpalitan kaming dalawa ni Den ng papel.

"Den ano chechekan ko dito sa papel ko? 1 to 20 ang quiz natin tapos number 15 at 19 lang ang may sagot sayo! Magkapareho pa!" Sabi ko kay Den habang pinipigil ko ang pagtawa.

"Eh kesa naman dito sa papel mo! Simula number 11 hanggang 20 puro pangalan ng lalake ang nakasulat!" Ganting sabi niya sakin.

Kaya ang ending bokya ako sa quiz at my 1 point si Den. Akalain mong tama yung sagot niyang society. Haaay naku! Dali nanaman ako sigurado. Baka ma-ing-complete nanaman ako.

Pagkatapos naming ipasa ang quiz namin ay lumabas na agad si Mam. Wala kaming next subject. Vacant.

"Tara na Den! Kain muna tayo para makabawi tayo. Napagod ang utak ko sa quiz eh!" Yaya ko sa kanya.

"Ulul! Paano mapapagod yang utak mo eh hindi mo naman ginagamit! Wala pa ngang gasgas yan eh!" -Den

"Puro ka dada diyan! Halika na! Baka mawala pa yung mga lalake dun! Mawawalan ako ng ulam!" Sabi ko sa kanya sabay hila sa kamay niya.

Habang pababa kami ng hagdan aymay narinig kaming mga lalaking nagsisigawan.

Tumatakbo.
Naghahabulan.

Parang ang sarap sumali sa laro nila. Hagarang gahasa yata yun. Hahaha! Kung kasali ako dun magpapataya agad ako. Ayieeeee!

"Araaaay!" Biglang sigaw ni Den.

Tinulungan ko sa pagtayo si Den. Nabangga siya nung lalaking tumatakbo.

"Sorry. Kaibigan ko yun. Ako na nahingi ng sorry sa nangyari" sabi agad nung lalaking humahabol sa lalaking nakabangga kay Den. Wow! Ang pogi nito ah! Pak na pak! Pasok na pasok sa panlasa ko.

"Anong sorry sorry! TUWAD!" Sabi ko sa kanya.

"Wag ka ngang bastos She!"saway sakin ni Den.

"Sige kuya. Ayos lang." Narinig ko naman kay Den.

"Pasensya na talaga" matapos sabihin ng lalaki yun ay mabilis na ulit itong tumakbo paakyat sa hagdan.

"Ano okay ka lang talaga?" Alalang tanong ko kay Den.
"Ako okay pero itong cellphone ko hindi" nakasimangot niyang sagot.

Basag ang cellphone ni Den. Yung talagang basag na basag ang screen.
Jusko kung sa cellphone ko mangyayari ang ganito baka kahit hanggang sa Sm Bacoor habulin ko yung lalaking yun at ipapalunok ko sa kanya.

"Humanda sakin ang lalaking yun kapag nakasalubong ko siya!" Gigil na sabi ni Den.

Tangna! Talagang sinasaniban pala ang tao kapag cellphone ang nasisira!

"Easy. Halika ka muna at kumain na muna tayo sa cafeteria"

Kahit na anong gawin kong pang-aamo kay Den ay hindi parin nawawala ang badvibea niya. Nakasimangot at hindi nagsasalita. Nakakatakot pala itong taong ito. Ngayong ko lang nakita na ganito ang aura niyo eh.

Author: Maya na po uli ako update :) have a blessed sunday everyone!

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now