Paano mo nagugustuhan ang isang tao?

17.8K 657 51
                                    

Pagod na pagod ako! :( Baket ba kase kailangan kapag may bisita ay laging maganda ang kapaligiran? Dapat maging totoo lang. Mga bata ang nasa paligid kaya natural lang na may kalat. Haaaay...

Sa section ko - langya kayo! Talagang mas inuna nyo pa merienda kesa sa Paglilinis ng area natin! Bawal ang late bukas! Lagot kayo saken!

Markie Lloyd - Tara! Shot tayo. Pagod ako eh.

Chriden PoV

Nasa iisang table na kami ng lalaking basta basta nalang nangyayapos. Awkward nga eh. Hindi ko siya masyadong kinakausap. Hindi ko parin kasi maialis sa isipan ko ang nangyari samin kanina.

"Hindi ka ba marunong magpaalam!?" Mabilis kong nilingon ang napakapamilyar na boses.

Hindi na ako nakasagot sa kanyang tanong. Nabigla rin kasi ako.

"Ayos pre. Join na tayo sa mga wirdo!" -Kerby

"Hoy Kerby! Kung hindi aayusan ang hilatsa ng pananalita mo eh makakatikim ka sakin!" Medyo malakas na pagkakasabi ko. Medyo nairita kasi ako sa sinabi niya at isa pa kasama ko ang mga classmates ko.

Tumahimik nga silang lahat nung dumating itong grupo ng mga impakto eh!

"Easy easy! Pwede ba kami makijoin?" Singit naman ni Allen.

"HINDE! Ang laki-laki ng space oh tapos makikipagsiksikan kayo saming mga WIRDO!" Sabay tingin ko kay Kerby.

Aba! Nakangisi lang ang loko!

"Pasensya na Den. Di ka na nasanay sa mga yan. Sama-sama na tayo, para naman magkakilala ang mga kaibigan mo at kami" mahinahong singit ni Jerome.

"Ah...teka..tatanu-"

"Okay lang yan Den. Saka the more the merrier diba? Tara na dito. Upo ka na sa tabi ko" -Markie Lloyd.

Aba! Tong lalaking to ah! Feelingero! Bakit ako tatabi sa kanya? Kaanu-ano ko ba siya!? Matapos niyang pagsamantalahan ang maganda kong katawan! Manigas siya!

Hindi ko napansin na nagdugtong na pala sila Allen ng panibagong lamesa sa lamesa namin.

Hindi naman masyadong excited ang mga to.

"Guys don't mind them. Saka enjoy natin ang birthdy ni Ate Jaja." Masayang sabi ko sa mga kaklase ko.

"Den hindi mo ba ako ipapakilala sa mga kaklase mo?" Diretsong ani ni Francisco.

Ha? Bakit ko pa siya kailangan ipakilala eh halos kilala naman siya ng tao sa school namin!? At isa pa - bakit ako pa ang dapat magpakilala sa kanya? Pipi ba siya?

"Hi guys! I'm Allen. Nice to meet you all" pagpapacute ni Allen.

Matapos yun ay isa-isa ng nagpakilala sila sa isa't-isa.

"Hindi ko na kailangan sabihin ang pangalan ko dahil obvious naman na kilala niyo ako. Gusto lang malaman niyo na boyfriend ako ni Den" matapos sabihin ni Francisco yun ay mabilis niyang ininom ang alak na nasa harapan niya.

"Ha?" -Ellen
"Ano?" -Ate Jaja

"Pre?" -Kerby
"Seryoso?" -Allen

Teka! Teka! Kung maka-react tong mga to parang wala ako dito ah!

Biglang pumasok sa isipan ko ang mga sinabi no Francisco sakin nung nasa barko kami. Nakaramdam nga ako ng pag-iinit sa mukha ko eh.

"Kayo na!?" -Jerome
"Kayo na!!?" -Markie Lloyd

Kung ang pagsasabi lang ng relasyon ay nakakamatay - malamang hindi na birthday ang pinunta ng mga to. Burol ko na!

"Teka nga! Kung maka-react naman kayo! Ganito kasi yan..nung nasa-"
"Hindi na naman kailangan pa ipaliwanag. Osya - ituloy na tong inuman. At ikaw naman Den umayos ka ng pagkakaupo. Diyan ka lang sa tabi ko" dugtong niya sa kanyang sinabi.

Hindi ko na nagawang magsalita o sumagot pa. Nakaramdam narin kasi ako papaano ng kaunting pagkahiya.

Saka bakit ganoon nalang makareact yung dalawa? Malaking kasalanan ba ang sinabi ni Francisco?

Hayy.. Nagiging komplikado na yata ang buhay ko.

Nagkwentuhan kami. Nakisali narin sa kwentuhan ang mga kaklase ko at nakapalagayang loob na nila ang grupo ni Francisco.

Hanggang sa dumating sa usapang pag-ibig. At ang pasimuno? Aba sino pa! Si Kerengkeng na si Sheryl!

"Den matagal na kitang gustong tanungin tungkol dito eh" panimula ng parrot!

"Kung tungkol sa reproductive system chart yan ay hindi ako ang nagnakaw!" Sagot ko sa kanya. Ako kasi yung tinuto niya nung nawala yung chart na nasa psychelab.

"Tanga! Ako kumuha nun at dinikit ko sa pader ng kwarto ko! Pinag-aaralan ko yung mga parte ng male organ lalo na yung scrotum!" Bulyaw niya sakin na naging dahilan ng pagtawa ng mga kasama namin.

Tangnang babae to talaga! Walang pinipiling lugar ang kamanyakan!

"Tatanong ko lang kung bakit hindi nag-work ang relasyon niyo nung kinukwento mo sakin na si Ariel" -Sheryl.

Aba'y wala talagang pakundangan ang bunganga nito ah! Alam naman niya na nasa mainit pa akong upuan tapos ganoon ang tanong niya sakin! Takte naman!

Biglang tumahimik ang mga kasama ko.

Wala ako naririnig na kahit na ano at ramdam ko na sakin lahat nakatuon ang atensyon nilang lahat.

"Ahm..ganito kasi yan. Nung unang kita ko palang sa kanya - nagustuhan ko na siya. Love at first sight yata tawag dun. Tapos naging malapit kami sa isa't-isa, hanggang dumating yung time na umamin ako sa kanya dahil hindi ko na kaya yung nararamdaman ko. Sabi niya ganoon din daw siya at pareho kami ng nararamdaman. Naging kami. Kasi, hindi daw pwede malaman ng kahit sino."

Pinutol ko muna yung pagkukwento ko at ininom ko na muna yung basong may lamang alak na nasa harapan ko. Nagpasalin ulit ako ng isa pa at mabilis ko ulit ininom yun.

"Syempre dahil sa gusto ko talaga siya - pumayag ako. Madalang kami magkita. Dahil sa nararamdaman kong hirap ng sitwasyon namin ay naikwento ko iyon sa ilang kaibigan ko. Pinayuhan nila ako na makipaghiwalay na. Dahil mahal ko siya - hindi ko pinakinggan ang mga payo nila"

"Penge pa ngang tagay" mahinang sabi ko kay Allen.

Mabilis kong ininom yung tagay at nagpatuloy na ako sa pagkukwento.

"Hanggang sa isang araw, nakita ko siyang may kasamang babae. Dahil sa sobrang selos ay nilapitan ko sila. Sinabi ko sa babae na boyfriend ko si Ariel." Tumigil muna ako panaglit. Parang medyo naliliyo na kasi ako eh.

"Tapos?" Sabi ni Kerby.

"Tapos nung nasa harapan nila ako. Tinanggi ako ni Ariel. Yun. Yun na ang huling pag-uusap namin bukod nung nag-outing kami sa postema" pagtatapos ko sa kwento ko.

"Hindi na kayo nagkaayos?" Malumanay na tanong ni Ellen.

"Hindi na. Ang sakit-sakit nga eh - pero syempre wala rin naman ako magagawa" nakangiting sagot ko.

"Some people need love even when they don't deserve it" -Markie Lloyd

Aw! Lakas makaEnglish ah!

"Wala palang kwentang tao yun. Kung ako si Ariel - proud akong ipapakilala kitang boyfriend ko. Sa tingin ko kasi napakasarap sa pakiramdam ang makasama ka Den" -Markie Lloyd.

Napunta ang lahat ng atensyon namin sa taong nagsalita. Nakangiti ito sakin at bakas ang pagkasinseridad sa kanyang sinabi.

"Huwag lang kaming magkikita ulit ng kuhol na iyon!" Seryosong sabi naman ni Francisco.

Yan na nga ba sinasabi ko eh. Kaya ayoko sana magkwento.

"Kung tatanungin ka naman Den. Paano mo nagugustuhan ang isang tao?" Biglang singit ni Jerome sa usapan.
-----------

Waaaaah! Kapag naalala ko itong scenario na ito - napapangiti nalang ako. Torture na torture ako nung time na yan! :)

-inom muna kami.

Txt txt tayo? Kwentuhan?

Pa-vote and comment po. Salamat!

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon