Bagay na bagay na tayo!

22.6K 935 80
                                    

Nalaseng ako kagabeeee! Hahaha! Nu nangyari? :)

Chriden PoV

"Busog pa ako. Katatapos ko lang din kumain" sagot ko sa kanilang dalawa.

Mukha ba akong malnourished?? Mukha ba akong hindi kumakain at kung makatanong sila eh inam!

At dahil naiilang ako sa sitwasyon itinuon ko nalang ang atensyon ko sa photo copy ko at nagreview nalang ako. Ramdam ko kasing pinagtitinginan ako ng kung sinu-sino.

Bakit nga kapag nasa isang awkward moment ka ay napakabagal ng oras? Akala ko oras na ang kumipas yun pala 10mins palang. Taktenang yan!

"Guys punta tayong beach ngayon? Parang ang sarap magrelax" narinig kong sabi ni Allen. Haayy salamat at aalis na ang mga kumag dito.

Nagkatinginan ang magkakaibigan. Yung tingin na parang inaalam nila ang sagot ng bawat isa.

"Gooooooooo!"
"I'm in"
"Sige!"

Sunod-sunod na narinig ko sa kanila. Ganoon kabilis silang magdisisyon sa isang bagay? Ang mayayaman nga naman! Sana maranasan niyong maging mahirap para pahalagahan niyo naman ang pera kahit papaano.

"Den! Den!" Nilingon ko kung sino yung kung makatawag ay parang wala ng bukas.
"Oy! She! Time na?" Sana makuha niya ang ibig kong iparating. Sana hindi niya pairalin ang katangahang taglay niya.

"Wala daw si Maam Baron at si Maam Constitution kaya gora na tayo!" Nakangiti pang sabi niya. Putangnamo Sheryl! Pampasira ka ng araw! Hindi ako natutuwa sa balita mo pero kung makangiti wagas!

Jusko naman! Maam Barron! Maam Constitution bakit ngayong araw pa kayo wala? Ang dami-daming araw na pwede kayong maglakatwatsa ngayon pa! Ang daming araw para tumuwad ngayon pa!

Sabay na nagtinginan sakin ang grupong kasama ko ngayon lalo na ang impaktong lider nila. Nakita kong parang kuminang ang mga mata niya at lumawak ang pagkakangiti niya. Tangna! Alam ko na kung ano tinatakbo ng isipan neto!

"Ooooops! Sige na guys. Kailangan ko palang umuwe ng maaga kasi wala magbabantay sa kapatid ko. Ingat kayo sa gala" sabi ko habang unti-unti kong nililigpit ang gamit ko.

"Sa lahat ng nandito, sino ang gustong mag-join samin? Punta tayong beach ngayon at alam niyo na relax"

Pagkasabing-pagkasabi nun ni Allen ay naglapitan ang mga babaeng halatang sobrang hihitad! Kulang nalang maging hugis puso ang mata at sumuka ng heartshape na dugo.

"Join din kami diyan" sabi ni Kenneth at kasama nito ang mga kaibigan niya.

Mother Earth what happen? Bakit ganito mga takbo ng isipan ng mga tao dito? Ganito ba ang bagong epidemya ngayon?

"Naipagpaalam na kita sa mama mo at pumayag siya. Sinabi kong nasa kamay ka ng isang Gabriel. Tuwang-tuwa pa nga siya at kahit daw wag na kitang iuwe" dire-diretsong sabi ni Francisco na walang pakialam kahit marinig pa ng ibang mga tao.

"Wag mo nga akong paglolokohin! Hindi basta-basta napayag si Mama na sumama ako sa kung kani-kanino lang!" Mataray kong sabi sa kanya.

"Eto kakausapin ka daw" sabay abot sakin ng phone niya. Woooow! Anong unit to? Ang gondooooo! Tela panu gamitin to? Tanga lang ah! Hahaha!

"Hello ma-"
"Pinapayagan kita anak. Huwag mong pababayaan si Paul ha! Tuktok ka sakin!" Sabi ni mama at naririnig ko pa siyang may ibang kinakausap.

"Ma! Ma naman eh!"
"Lakad na! Ingatan mo si Paul. Ako na bahala sa kapatid mo. Sige babye na!" Pagtapos nun ay naputol na ang linya.

Kung di lang kita nanay! Nakuuuuu!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Dumaan kami sa mall ni Francisco dahil wala siyang dalang damit. Kahit naman ako wala rin eh! Pabigla-bigla kasi! Hindi naman dapat ako kasama dito. Pinilit ako! Akusahan niyo siya! Kakasuhan ko siya ng harrasment!

Pumasok siya sa fitting room. Ang tagal nga eh. Nakita kong tinawag niya yung saleslady at nag-usap sila. Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na siya ng fitting room at nakajacket na siya. Aba! Sinuot agad ang binili. Mayaman talaga!

"Oh ano type mo? Pink o yellow?" Tanong niya sakin habang pareho niyang hawak ang dalawang nakahanger na damit.

Ano nga ba mas maganda? Ang panget naman kung superman na pink. Girl na girl. Kapag naman superman na yellow? Ayy bet ko yung yellow. Hahaha!

"Yung yellow nalang. Mas bet ko yun" nakangiti kong sagot sa kanya. Binayaran niya yun at hinila niya kamay ko pagkaabot sakin ng paperbag nung saleslady.

"Oooops! Diyan ka lang! Huwag ka papasok!" Sabi ko sa kanya nung nasa tapat na kami ng fitting room. Pinapasuot na kasi niya sakin. Pakiramdam ko nga napapangitan siya sa suot ko. Pakyu tong lalaking to! Fubu to! Fubu!

Bumili rin siya ng ilang gamit na gagamitin namin for one night sa beach. Dumaan kami sa supermarket at bumili ng pagkain. Iba talaga ang mayaman. Card ang ginagamit kahit may lamang cash ang pitaka. Pano ko nalaman? Ginawa kasi akong chimay ng impakto at sakin pinahawak ang pitaka niya. Magkano kaya sweldo ko? Hahaha!

"Umidlip ka muna. Gisingin nalang kita kapag nandun na tayo" sabi niya habang tinatahak na namin ang daan papunta sa napag-usapang beach. Nauna na dun ang iba. Kami lang ang pasaway na ginusto pang pumunta ng mall para mamili. Pwede naman dumaan muna sa bahay  para hindi na gumastos. Hayy. Mayaman nga naman.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Naramdaman ko nalang na parang may mainit na pinong hangin ang dumadampi sa mukha ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko.

"A..anong gi..ginagawa mo?" Nautal kong sabi nung pagmulat ng mata ko ay malapit na magdikit ang mukha namin ni Francisco.

"Kanina pa kita ginigising! Kanina pa tayo nandito!" Sabi niya sabay iwas ng kanyang mukha sakin.

Bumaba na kami ng sasakyan at kinuha na namin ang mga pinamili namjn sa compartment.

"Ito nalang ang bitbitin mo" sabi niya sakin tukoy niya sa paperbag na may lamang damit namin. Aw! Gentleman ah! Tingnan ko lang kung makaya niyang bitbitin ng sabay-sabay ang mga pinamili niyang ubod ng dami!

Kaya nga niya! Parang walang bitbit. Halimaw si Francisco! Halimaw siya! Alien!

Madali lang namin natunton ang cottage. Kami nga lang yata ang tao dito eh. Wala kasi akong nakikitang ibang tao.

Ibinaba ni Francisco ang mga bitbit niya sa table. Ako? Nakatingin lang sa mga schoolmates namin na naglalaro ng volleyball sa buhanginan. Lakas maka-summer ng mga to ah!

"Den! Tara sali ka!" Sigaw sakin ni Kenneth. Woooow! Si Kenneth ba yun? Bakit ngayon ko lang napansin na gwapo siya? Nakasandong gray at nakaboard shorts. Ang kinis ng katawan niya at yung muscles? Pamatay! Waaaaaah! Ano ba tong mga pumapasok sa isip ko!

"Sige. Mamaya nalang. Aayusin ko lang yung dala ni Francisco na pagkain" sabi ko sa kanya. Nginitian niya ako at OMG kinindatan niya ako! Mother hindi ka ba kikiligin? Waaaaag! Baka magka-tsunami dito! Hahaha

Tinawag namin silang lahat matapos namin ayusin ang pagkain. Gusto kasi nila Allen sabay-sabay kumain sa dahon ng saging.

"Pre hindi ka ba naiinitan? Jacket na jacket ka ah!" Biro ni Allen kay Francisco kasunod nun ay ang tawanan ng mga kasama namin.

Hinubad ni Francisco yung jacket na suot niya.

Nagpalipat-lipat ang tingin saming dalawa ng mga kasama namin.

Kahit ako nagpalipat-lipat ang tingin ko sa sarili ko at sa kanya.

Kilig part 2 na to! Waaaaaah!

Naka-fitted sando siyang superman din. Yellow din!

"Oh ayan presko na" nakangiti niyang sabi sabay tingin saken.

"Bagay na bagay na tayo" dagdag pa niya na mas lalong ikinapula ng mukha ko.
------------

Thank you po sa lahat ng bumabasa nitong story na ito. Karamihan po dito ay totoong nangyari. Haha! Kinikilig pa nga sa twing maalala ko eh. Pero hindi naman lahat ng story puro kilig lang diba?

(Maya na uli ako update - voice lesson po muna ako)

Hindi po masama iclick yung votes at magcomment. Hihihi. Labyu!

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon