We've only just begun

11.8K 455 14
                                    

Bakit ba minamahal kita 😢😢😢

Chriden PoV

Buset na lalaking ito! Nakakasira ng araw!

"Umuwe ka na! Gabi na!" Sigaw niya at mabilis na siyang umalis kaagad.

Bwiset ka!

"Ang hard naman ng boyfriend mo Den!" Biglang sabi ni Julieanne. Pinsan ko.

Nagdiretso na ako sa bahay namin. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako pero sulit naman. Kilig overload naman ako. Hahaha! May white flowers na may marshmallows pa! Panalo diba!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Kuya! Kuya!" Gising sakin ni Chrien.
"Bunso antok pa si kuya. Walang pasok ngayon kaya babawi si kuya ng tulog" sabi ko sa kanya habang nakapikit pa ang mata ko.

"Kuya diba sabi mo sakin kagabi gagala tayo? Hindi ka ba sasama?" Muling yugyog sakin ng kapatid ko.

Ha? Wala naman akong sinabi ma ganoon ah! Saka ako di sasama? Ano yun gagala mag-isa ang kapatid ko?

"Kuya! Kung hindi ka pa babangon diyan ay aalis na kami"

Napabalikwas ako sa narinig ko sa kapatid ko.

"Aalis na kayo? Wala naman si mama diba?" Mabilis na tanong ko.

"Oo." Sagot naman ng kapatid ko.
"Eh sino ang kasama mo?" Takang tanong ko.

"Si Kuya Paul. Kanina pa nga kami nag-aantay sayo eh!" Diretsong sabi ng kapatid ko.

Mabilis akong lumabas ng kwarto ko kahit hindi pa ako nakakapagayos ng sarili ko. Paglabas ko ng kwarto ay nakita kp ang impakto na nakaupo sa sofa namin. Feeling kanya ang bahay.

"Kung wala kang balak mag-ayos ay kami nalang ni Chrien ang aalis. Nakapagpaalam na ako sa mama mo" sarkastikong sabi sakin ng impakto pero sa frame nakatingin.

Hindi na ako sumagot. Nagdiretso na ako sa banyo at naligo. Bwiset na lalaki to! Basta basta nalang napunta dito sa bahay!

"Kuya naman! Napakatagal mo naman mag-ayos eh! Excited na ako sa gala natin!" Masayang ani ng kapatid ko.

Kung hindi nga lang dahil sa kapatid ko ay hindi ako sasama sa impaktong ito. Hindi ko naman maitext si Jerome. Wala akong cellphone.

Nandito ngayon kami sa tagaytay. Puzzle mansion. Ang gaganda nga ng mga nakadisplay eh. Nawiwili ako. Hawak kamay ko ang kapatid kong halos lumuwa na ang dalawang mata sa kamanghaan sa mga nakikita.

"Kuya Paul marami ka sigurong toys sa bahay niyo noh?" Nakangiting tanong ni Chrien kay Paul habang naglalakad kami.

"Marami. Nakadisplay lahat yun sa kwarto ko. Gusto mo makita?" Sagot naman ni Paul sa kanya.

"Sige Kuya. Mamaya punta tayo sanyo" mabilis niyang sagot.

"Chriem maraming gagawin si Kuya Paul kaya hayaan na natin siyang magpahinga pagkatapos nito" biglang singit ko naman sa usapan nila.

Ayoko ngang magpunta sa kanila. Baka mamaya kung ano nanaman ang isipin sakin ng mga kasama niya sa bahay. Nakakahiya sa mga magulang niya.

"Its okay. Wala naman ako masyadong ginagawa ngayon bukod sa paglalaro ng naruto shippuden sa ps4" sagot niya.

"Talaga? Kuya meron? Gusto ko makapaglaro ng ganun!" Masayang sabi ng kapatid ko.

"Okay okay. Mamaya pagkatapos natin gumala" mabilis na sagot ni Paul.

Nagpatuloy kami sa pag-iikot at paggagala. Kumain kami sa isang restaurant na napakaganda.

Habang nakain kami ay panay ang kwentuhan ng dalawa. Parang hindi nga nila ako nakikita eh. Biglang may lumapit sa table namin na mga lalaki na may hawak na gitara at instrumento pangtugtog.

(Pls. Play Weve only just begun)

Ang ganda ng kanta. Ang sarap pakinggan. Tapos biglang lumapit sakin yung kumakanta at may inabot sakin.

Isang box. Isang box na nababalutan ng napakagandang pambalot.

Pagkatapos nun ay nagpunta kami sa skyranch. Sumakay kami sa mga rides at naglaro ng mga games. Hindi ko na nga halos napansin ang oras. Inabot na kami ng hapon sa pag-iikot sa skyranch. Kumain ulit kami at walang katapusan ang kwentuhan ng dalawa kong kasama.

"Kuya yung promise mo ha! Maglalaro tayo ng naruto!" Paalala ni Chrien.

Kung pwede ko nga lang kontrahin itong kapatid ko ginawa ko na. Hindi talaga niya nakakalimutan ang naruto. Paborito niya kasi yun saka yung onepiece.

"Opo. Promise bunso" sagot naman ni Paul.

Pagkatapos namin kumain sa skyranch ay tinahak na namin ang daan pauwe. Pauwe papunta sa bahay nila Paul. Hindi ko alam ang gagawin ko o iaasta ko habang naglalakad ako papasok sa loob ng bahay nila.

"Hi Den! Long time no see! Miss na kita sobra!" Salubong sakin ni Luis.

Mabilis naman siyang kumalas mula sa pagkakayakap sakin nung narinig niya ang tikhim ni Paul.

Binati ko siya at nakipagkwentuhan ako. Katulad dati ay napakarami paring niyang kwento. Puro pagpapabida sa kanya. Nakikitawa na nga lang ako sa kanya.

"Kuya! Tara na kuya!" Sabay hila sakin ni Chrien papuntang kwarto ni Paul.

"Bunso okay lang ako dito. Kausap ko si Kuya Luis eh" sagot ko.

"Kuya hindi pwede. Wala makakatalo kay Kuya Paul kapag hindi ka sumali" tuloy ni Chrien sa larong Naruto.

Nagpaubaya na ako sa kapatid ko. Nandito na kami ngayon sa kwarto ng impakto.

"Change the loser ah!" Nakangiting sabi ni Chrien.

Nagsimula na ang laban. Magaling si Paul. Alam niya ang mga combo attacks ng bawat male characters ng naruto.

Anung akala niya sakin? Weak! Di ako papatalo!

Pinili ko si Tenten at Temari sa laban namin. Di ako papatalo! Kahit si Naruto at Sasuke ang tandem niya di parin ako papatalo.

Nilingon ko ang kapatid ko. Nakatulog na sa kama. Dahil siguro sa sobrang kapaguran ay hindi na kinaya ng katawan. Nilagyan siya ng kumot ni Paul at bumalik agad at mabilis na hinawakan ang joystick ng ps.

"Kung sino matalo manlilibre sa monday sa school" biglang hamon niya sakin.

Author: Laseng na ako! Hahahaha! Si Jerome hindi marunong malaseng. Aantayin daw niya si Francisco! Hahahaha!

Pengeng votes and comments.

I deserve naman diba :) hahaha!

Txt txt tau e2 number q :)

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon