Lahat sila? Busy?

10.6K 373 25
                                    

Ordinary Love

Paul Francisco PoV

Kahit masakit sa kalooban ko, kahit labag sa kagustuhan ko ay sinunod ko ang kagustuhan ni Lolo.

Hindi ako pumasok ngayon. Yun kasi ang gusto ni Lolo. Gustuhin ko man tumakas ay hindi ko magawa. Malalaman at malalaman kasi ni Lolo kapag tumakas ako.

Umuwe si Paolo kahapon. Hindi na nga nagpasundo yun eh. At hindi man lang sinabi na uuwe siya. Nagulat na nga lang kami nung nakita namin siyang nakaupo sa terrace habang nag-la-laptop.

Wala si Paolo ngayon. Nagpunta siya sa school kasabay si Luis. Balak yata niyang umattend sa gaganaping party sa school. Inimbitahan din kasi ang bawat member ng family namin dahil sa kontribusyon na natatanggap ng school kay Daddy.

Ako? Ayokong pumunta. Pero kung si Den ang magiging ka-date o kapartner ko sa party, pupunta ako. Ayoko nga sa iba. Gusto ko siya lang.

Nauna ng umuwe si Luis sa bahay. Nagtataka nga ako kung bakit hindi sumabay pauwe si Paolo. Sinabi ni Luis na mukhang nawiwili ang kapatid namin sa school dahil marami itong nakakakwentuhan don.

"Kuya may naghahanap kay Kuya Paolo. Nicole daw ang pangalan" sabi sakin ni Luis habang inaayos namin ang speaker.

"Sabihin mo wala si Kuya Paolo mo. Hindi mo kamo alam kung kailan uli uuwe" sabi ko sa kanya.

Haaay naku! Hanggang ngayon hinahabol parin si Paolo ng mga ex niya. Ikakasal na nga eh ayaw pa magtino! Ayaw gumaya sakin! Isa lang ang gusto! (eheeem!)

Matapos naming ayusin ni Luis ang speaker ay napagpasyahan naming maglaro ng Naruto Shippuden. Paborito kasi namin ang larong ito. May naalala nga ako eh. Haaay.. Kailan ko nga ba ulit siya makikita? Miss na miss ko na siya. Kung pwede nga lang ilayo ko na siya dito. Kung pwede nga lang na itanan ko na siya gagawin ko. Pero hindi pa pwede. Hindi pa ito ang tamang oras para magsama kami. Si Lolo kasi eh! Kundi ko nga lang mahal si Lolo ay susuwayin ko siya.

"Ma! Ipagbake mo ako ng cookies may bisita ako" narinig naming sigaw. Sigurado ako kay Paolo iyon.

Halos sabay kaming sumalubong ni Luis.

"Kuya tara laro ta-"
"Paolo may naghahanap sayo kani-"

Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nung nakita ko kung sino ang taong kasama ni Paolo.

Tangina! Bakit ganito nalang ang tibok ng puso ko?

Bakit ang bilis?

Bakit parang ang saya ko?

Teka!!!? Bakit kasama siya ni Paolo? Bakit magkasama sila!!!?

"Huwag muna kayong magulo. May bisita ako. Wala munang pupunta sa rooftop. Wala munang iistorbo samin" narinig kong bilin ni Paolo at matapos yun ay hila hila niya ang kamay ni Den paakyat.

Ha? Tama ba ang narinig ko? Walang iistorbo? Wala munang magulo!?
Aba! Paolo Francisco! Baka hindi mo nakikilala kung sino ang kasama mo!?
Akin yan! Akin yan!

"Luis pakisabi kay Sabel magdala ng pagkain sa itaas at wine" narinig kong bilin ni Paolo kay Luis bago tuluyang umakyat sa itaas.

"Sige kuya" sagot naman ni Luis.

Nagpunta si Luis sa kusina para sundin ang bilin ng kapatid namin. Matapos nun ay bumalik na kami sa sala para ipagpatuloy ang laro namin.

"Kuya ano? Hindi ka na manalo? Hindi ka na makaCombo!" Kantyaw sakin ni Luis.

Totoong hindi na ako manalo. Kahit tandem ko pa si Shikamaru at Sasuke. Wala eh. Ang tanging nasa isip ko lang ay kung ano ang ginagawa ng kapatid ko at ni Den sa itaas. At kung bakit sila magkasama? Bakit sila magkakilala? Bakit sumama si Den kay Paolo? Bakit sinama ni Paolo si Den dito?

Taktenang!
Ano ba!!!!!?
Subukan mo lang Paolo! Subukan ko lang!

"Wait lang Luis. Mag-C-CR lang ako" paalam ko kay Luis. Agad kong ibinaba ang joystick. Tiningnan ko muna si Luis kung nakatingin sakin. Nung masigurado ko na hindi nakatingin sakin ay nagtungo agad ako papuntang kusina.

"Ayy Sabel! Akin na. Ako na magdadala kay Paolo" sabi ko nung nasalubong ko si Sabel na dala dala ang pagkain at wine.

"Wag na po Sir. Kaya ko na po. Saka trabaho ko po ito" tanggi sakin ni Sabel.

"Haay.. Kanina ka pa nagtatrabaho Sabel. Magpahinga ka na muna. Ako ng bahala. Saka matagal ko narin hindi nakakasama ang kapatid ko eh" sabi ko ulit sa kanya habang dahan dahan kong kinukuha sa kanya ang bitbit niya.

Wala ng nagawa si Sabel. Nakuha ko na ang dala niya at mabilis na akong umakyat paitaas.

Tingnan nalang natin ngayon Paolo! Humanda ka talaga sakin!

"Oh! Paul! Bakit ikaw ang nagdala? Wala ba si Sabel?" Tanong sakin ni Paolo habang nakaupo.

Teka! Nasaan si Den? Kasama niya yun umakyat dito ah! Nilinga linga ko ang paligid. Ayun! Nakita ko si Den! Nakatalikod at nakatingin sa ibaba.

Gusto ko siyang puntahan.
Gusto ko siyang kausapin.
Takte! Ano ba itong nararamdaman ko!?
Gusto ko lahat siya!

"Ah.. Busy si Sabel Paolo. May inutos si Luis sa kanya kanina kaya ako na nagdala" palusot ko.

"Eh si Cathy? O yung ibang maid natin?" Muling tanong ni Paolo.

Tangnanto eh! Tanong ng tanong!

"May ginagawa sila. May group work! May pinapagawa si Daddy!" -Ako.

"Lahat sila? Busy?" -Paolo.
"Oo! Dami kasi inuutos ni Daddy. Alam mo na. Di ka na nasanay" muling sagot ko sa kanya.

"Osya sige na. Balik ka na sa ibaba. May pag-uusapan pa kami ni Den." Utos sakin ni Kuya.

Langyang to ah! Halatang pinagtutulukan ako paalis! Umayos ka lang Paolo! Kahit kambal kita di kita uurungan!

"Ah nga pala Paul, pakisabi kay Kuya Bert paki-set up dito sa taas yung speaker at yung magic sing." Huling sabi ni Paolo bago niya ako tuluyang ipagtulakan pababa.

Aba! Hindi ko gusto ang ginagawa nito sakin ah!

"Luis!! Luis!!!" Sigaw ko.

"Oh bakit kuya!? Hindi ka na bumalik sa laro natin ah!" -Luis.

"Kunin mo ang speaker at yung magic sing!" Utos ko sa kanya.

"Kuya naman! Nandiyan naman si Kuya Bert ah! Iutos mo na! Ang bigat kaya nun!" Tanggi sakin ni Luis.

"Tutulungan kita! Bilis! Kilos!" Sigaw kong muli sa kanya.

Wala ng nagawa ang kapatid ko. Pinagtulungan naming dalawa ang pagbuhat sa speaker at sa pag-aayos ng magic sing.

"Oh anong ginagawa niyong dalawa? Ipagawa niyo nalang kay Berto yan" bungad samin ni Mama.

"Naku mama! Itong si Kuya! Pahirap! Sabi ko nga kanina na-"

"Luis! Tutulungan mo ba ako o hindi!?" Pagbabanta ko sa kanya.

Muli, wala na ulit siyang nagawa. Iniakyat namin sa itaas ang speaker.

"Oh bakit kayo ang gumagawa niyan Paul? Wala ba si Kuya Bert? Ang bigat niyan ah!" Puna nanaman sakin ni Paolo habang nasa tabi niya si Den.

Kay Den ako nakatingin. Takte! Ano ba itong nararamdaman ko!!

"Kuya Paolo ewan ko ba dito kay Kuya Paul! Sabi ko nga kanina na -"

"Busy si Kuya Bert at si Kuya Randy. Kaya kami nalang ni Luis ang nagdala dito. Matagal ka na kasing hindi nauwe kaya nabawi kami sayo" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Oh saan ba ito ipupwesto Paolo?" Muling tanong ko sa kanya.

Author: kapagod. Sobra.

Pengeng comment and votes uli. :)

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now