Retired General si Lolo

12.2K 386 27
                                    

You're every breath that I take.

Paul Francisco PoV

Note 26. I really love eating marshmallows. Magad! Nawawala ang negative vibes ko kapag nakain nun.

Note 27: Nakakainggit naman yung nakita ko kanina. Kailan kaya dadating yung poreber ko? Dapat ko ba siyang hintayin? O dapat ko ba siyang hanapin? Lord naman eehhh... Di naman po sa minamadali ko kayo - pero, please kahit pahapyaw lang. Gusto ko siyang maramdaman.

Maaga kong sinundo si Den. Ngayon kasi yung lakad namin papunta kina lolo. Ayaw pa nga niyang sumama kundi ko lang tinakot. Pasalamat siya at mahal ko siya, o dapat ako yata ang magapasalamat kasi eto na uli kami. Maayos na ulit kahit hindi ko pa alam ang lagay naming dalawa.

Natatawa nga ako kapag binabasa ko yung mga notes niya eh. Dun ako nakuha ng idea sa nga bagay na gusto niya. Di naman pandaraya yun - gusto ko lang makitang masaya siya at dahil yun sakin.

Nalaman ko nga rin na takot pala sa higante at clown si Den. Hahaha! Kinuwento niya sa notes niya na hinabol daw siya ng murion dati at nakapanik siya hanggang sa bubong. Kinabukasan nilagnat at simula nun takot na takot na siya sa higante. Ayaw niya sa clown at mascots. Ang weird noh?

Mahal kita kahit weird ka.

Sabi ng isipan ko.

Ni-turn on ko ang mini-component ko at ikinonek ko ang cellphone ko dun.

(Pls play - How am I supposed to live without you)

"Matulog ka muna. Mahaba pa ang biyahe natin" sabi ko sa kanya habang manghang mangha sa mga nadadaanan naming magagandang tanawin.

Tell me how am I supposed to live without you
Now that I am loving you so long
How am I supposed to live without you
And how am I supposed to carry on..

Pagsabay ko sa kanya. Nahagip ng mata ko na nakatingin sakin si Den.

"Oh Inlove ka nanaman sakin. Huwag ka mag-alala para sayo ang kanta na yan" sita ko sa kanya.

"Kapal ng mukha mo!" Sagot niya sakin.

Wala akong naisagot sa kanya kasi napatawa talaga ako nung makita ko ang reaksyon niya.

Ang saya.

Sana hindi na matapos itong araw na ito. Ang sarap ng pakiramdam ko dahil kasama ko ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko.

Hindi ko lubos maisip na magiging ganito ulit kami. Ang dami na kasing nangyari. Laking pasasalamat ko kay Jerome.

Ilang oras din ang lumipas ay dumating narin kami sa bahay ni Lolo. Katulad parin ng dati. Walang pinagbago.

"Ong gondo nomon!" Puri ni Den habang nakatingala at paikot ikot ang tingin sa mansyon.

"Halika na sa loob. Kanina pa nag-aantay satin sila papa" sabi ko sa kanya.

"Ayy sorry. Baka pagalitan ako nun! Tara na!" Sabay hila niya sa kamay ko.

Shet! Bakit kinikilig ako nung siya mismo humawak sa kamay ko? Tangina! Dapat pigilan ko ito. Mamumula ako at makikita niya ang itsura ko.

"Oh bakit ayaw mo pa maglakad? Halika na! Baka pagalitan ako ni papa...mo" sabi niya na nahalatang napahiya sa sinabi. Lihim ko naman iyong ikinatuwa.

"Hindi kasi diyan ang papasok. Dito" sabay turo ko.

Bigla siyang namula nung sinabi ko iyon. Kaya ako naman ang humawak sa kamay niya at hinila ko na siya papunta sa tamang daan papasok ng bahay.

"GoodEvening po Sir Paul" sabay sabay na bati ng mga katulong ni lolo.

"Nasa kotse yung nga gamit namin. Pakidala sa kwarto ko dun sa itaas" bilin ko sa kanila.

Diretso na kaming pumasok sa loob. Nakita ko sila mama at papa kasama ang nga kapatid ko na kausap si Lolo.

"Hi Lo!" Bati ko sabay mano sa kanya.
"Magandang gabi po" nahihiyang bati naman ni Den.

"Akala ko hindi ka sasama sa pagpunta dito" ani ni lolo habang hinahalo ang iniinom niyang kape.

Iniwan na muna namin sila at nagpunta muna kami sa kwarto para makapag-ayos ng gamit. Ilang araw din kasi kaming magtitigil dito.

"Kakatakot naman ang lolo mo. Sigurado ka bang mabait yun?" Tanong sakin ni Den na nahalatang nag-aalala.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Hindi ko rin kasi maipapaliwanag ang ugali ni Lolo.

"Ano ba si Lolo mo dati?" Dugtong na tanong sakin ni Den.

"Retired General dito si Lolo" diretsong sagot.

"Hala! Uuwe na ako Francisco! Ayoko na dito!" Seryosong sabi niya sakin.

Muntik na nga akong mapatawa sa sinabi niya. Sino nga ba naman ang hindi matatakot kay lolo diba?

"Sir ready na po ang dinner." Sabi ng isang katulong samin.

"Tata na Den. Ayaw ni Lolo ng nag-aantay sa hapag-kainan" ani ko sa kanya habang inaayos ang mga damit niya.

"Busog pa ako. Ikaw nalang pumunta dun. Saka family mo yun" seryosong sagot niya na halatang nag-aalala.

"You don't need to worry. Kasama mo ako. Hindi naman kita papabayaan eh. Trust me" sabi ko naman sa kanya.

Hinawakan ko ang kamay niya at iginaya ko na siya patayo.

Umupo na kaming dalawa ni Den. Magkatabi kami. Ramdam ko na hindi siya mapakali.

Ang mga kapatid ko naman ay tahimik rin. Hindi katulad ng kapag nasa bahay kami na malayang nakakapag-usap at gaslawan sila.

"Bukas ipapasyal ko kayo lupain natin. Gusto kong makita ng mga anak mo Benjamin ang mamanahin nila sakin" sabi ni Lolo.

"Opo Dad." Diretsong sagot ni Papa.

Ganito ba talaga si Lolo? Bakit parang may kakaiba? Pati si Papa kakaiba rin. Parang may hindi ako alam sa nangyayari ah.

"Luis musta pag-aaral mo?" Tanong ni Lolo sa kapatid ko.

"Ayos lang po Lolo. Player din po ako ng basketball sa school" sagot ni Luis.

"Ikaw naman Paul?" -Lolo
"Po?"
"Musta ang pag-aaral mo?" Tanong namin sakin ni Lolo.

"Ayos naman po Lolo. Isang taon nalang po at makakagraduate na" sagot ko naman.

"Mabuti naman."

Inabot ni Lolo ang ulam at nagsalin muli sa kanyang plato.

"Tamang-tama Paul. Ipapakilala ko sayo ang anak ni General Rivera. Sigurado akong magugustuhan mo yun" -Lolo

Author: Pla basahin niyo rin po yung "Anghel sa Lupa" :) Salamat.

Empie mode kami ngayon. :)
Pengeng comment at votes. Mamats!

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon