Den, may gusto sana akong sabihin sayo.

16.1K 541 14
                                    

The best is to do what you like. - Monkey D. Luffy. (Talking to Gari - little pirate)

Chriden PoV

Nandito ako ngayon sa cafeteria. Maaga kasi akong pumasok. Ang totoo niyang hindi talaga ako nakatulog sa di ko malamang dahilan. Ewan ko ba. Nagkakaroon na yata ako ng senyales ng pagiging alien eh. Wala namang dapat ipagalala para di makatulog pero hindi talaga ako dalawin ng antok.

Simula ngayon babalik na sa normal ang takbo ng buhay ko dito sa school. Dapat mag-focus ako sa pag-aaral ko at hindi kung kani-kanino.

Nilabas ko ang cellphone ko at ikinabit ko ang earphone at nilagay ko sa magkabilang tainga ko. Ayoko marinig ang kaingay at tsismisan dito sa paligid ko. Puro kasi kasiraan ng bawat isa ang mga pinagkukwentuhan. Mga plastik! (Beastmode talaga ako kapag maaga) hahaha!

Nilabas ko rin yung binasaba kong book. The House Of Hades. May 1 1/2 hour pa naman akong vacant kaya sigurado akong makakarami ako ng chapter dito sa binabasa ko.

Basa.

Basa.

Basa.

Basa.

Takte! Hindi ko naiintindihan ang binabasa ko. Napapasabay kasi ako sa kantang naririnig ko.

Tinanggal ko ang earphone ko at pinagpatuloy ko ang pagbabasa.

Basa.

Basa.

Basa.

Basa.

"Kumpleto ako ng book niyan" bigla kong narinig mula sa harapan ko.

"Talaga? Natapos mo na lahat?" Manghang sagot ko kay Lloyd.

"Oo. Ang ganda nga eh. Gusto mo pahiramin kita?" -Lloyd.

"Talaga? Papahiramin mo ako? Suuuuuure! Kelan!?" Nakangiti kong sabi sa kanya.

Nawala bigla ang badmood ko. Gustong-gusto ko kasi talaga mabasa ang lahat ng books ng The House of Hades.

"Mamaya. After class." Lloyd.
"Thankie Lloyd!" Nakangiti ko ulit sabi sa kanya.

"Wow! First time my tumawag sakin ng Lloyd ah!" Nakatawang sabi niya.
"Bakit? Ayaw mo ba ng tinatawag kang Lloyd?" -Ako

"Hindi naman. Ang ganda nga eh lalo na kapag sayo nanggagaling" -Lloyd.

Nagpatuloy kami sa kwentuhan. Ibinalik ko na sa bag ko ang librong binabasa ko at itinuon ko nalang ang atensyon ko sa taong kausap ko.

Masarap din pala itong kausap. Parang walang problema. Yung tipong open siya sa lahat ng bagay.

Naalala ko nga pala may kasalanan pa ako sa kanya. Iniwanan ko siya sa resort nung gabi. Siguro dapat bumawi ako sa kanya. Yakagin ko kaya siya mag-dinner? Kaso wala akong pera. Eh kung sa breakwater nalang kaya? Kaso baka naman hindi niya type mga ganoon.

Habang nagkukuwentuhan kami ay nakita kong papalapit sila Francisco sa cafeteria. Nakatingin siya samin at alam kong naniningkit ang kanyang dalawang mata.

Problema ng taong ito?
Dun siya sa Catalina na yun! Magsama sila!

Yan ang nasa isipan ko.

"Tara Lloyd! Treat kita" biglang sabi ko kay Lloyd at mabilis kong hinatak ang kanyang kamay palabas ng cafeteria.

"Oy oy! Saan tayo pupunta? May next -" hindi ko na siya hinayaang matapos magsalita.

Hindi ko alam kung tama itong ginagawa ko.

Yakap yakap ko si Lloyd.

"Huwag ka munang papalag..." Mahinang sabi ko sa kanya.

"Nakatingin pa ba siya?" Dugtong ko.

Hindi sumasagot si Lloyd sa tanong ko. Naramdaman kong umangat ang kanyang dalawang kamay at pumulupot narin sa katawa ko.

"Lloyd..-"
"Natatandaan mo na ba ako?" Tanong nanaman niya sakin.

Nagtataka na ako sa mga sinasabi niya. Una palang yun na ang tanong niya sakin.

Ano bang dapat kong matandaan? Sino ba talaga si Lloyd?

"Ang sweet niyo naman.. MAY PAG-ASA PA AKOOOOO! Yown" biglang sigaw ng dumaang babae.

Mabilis kong tinanggal ang pagkakayakap ko kay Lloyd.

"Pasensya na... Out of character" mahinang sabi ko sa kanya.

"Okay lang. Tara na! Nagugutom narin ako. Sabi mo kanina treat mo ako" nakangiting sagot niya.

Alam kong tama itong ginagawa ko. Tama itong pag-iwas ko sa lalakeng nakatadhana na sa ibang tao. Ayoko maging dahila ng pagkasira ng isang relasyon.

Sapat na yung mahal ko siya - at hanggang dun lang yun. Malaki pinagkaiba ng estado ng buhay namin. Hindi kami pwede. Hindi kami bagay.

Isipin ko nalang na pinaramdam lang sakin ni God ang salitang masaya dahil kay Francisco.

"Oh tulala ka diyan?" Ani ni Lloyd habang nakaupo kami dito sa park habang nakain ng fishballs at tokneneng. Hanggang dun lang kasi ang abot kaya ng pera ko. Hahaha!

Buti nga at nakain ng ganito itong kasama ko.

"Wala. May iniisip lang" -Ako

"Huwag ka nga mag-isip ng iba. Hindi pa ba ako kasya sa isipan mo at nagpapapasok ka pa ng iba diyan?" Nakangising sabi niya.

"Ulul! Hahaha! Korni mo!" Sabay palo sa balikat niya.

Ano nga kaya ang magiging papel ni Lloyd sa buhay ko? Bigla-bigla nalang kasi siyang pumasok sa buhay ko eh. Ang weird nga niya dahil lagi niya akong tinatanong kung natatandaan ko ba daw siya. Naiisip ko tuloy na baka reincarnation siya ng isang taong napalapit sa buhay ko dati. Hahaha! Kaiba ako nu?

"Den may gusto sana akong sabihin sayo"

"Lakas maka-seryoso ah!" -Ako

Ngumiti siya ng bahagya at bumalik sa pagiging seryoso ang mukha.

"Ano?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Liligawan kita" seryosong sabi niya.

Natigilan ako sa pagnguya ng fishballs at napatitig ako sa malamlam niyang mata.

"Hindi ako nahingi ng pahintulot na liligawan kita - ipinapaalam ko lang sayo na liligawan kita"

Teka... Totoo ba itong narinig ko? Praning ba itong taong ito? Trip ba to? Takte naman! Dapat ko narin ba siyang iwasan?

Dahan-dahan siyang lumalapit sakin. Dahan-dahan rin niyang inilalapit ang kanyang kamay sa mukha ko.

"Lloyd...."

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon