Wag kang ugaling kanto!

26.1K 868 54
                                    

Inom nanaman! Hahaha! Nayakag ako ni Mike. :) Empie+Lemon=<3 idagdag pa ang paborito kong Marshmallow ayieeee! Techu po!

Chriden PoV

Tahimik lang ako sa sasakyan habang nagda-drive si Paul. Kahit kailan talaga bastos tong taong to! Alam ko naman na nagbibiro lang si Kenneth kanina pero hindi tama yung ginawa niya. Nakakahiya tuloy dun sa tao.

"Umayos ka ng kilos sa bahay. Wag kang ugaling kanto!" Pabalang na sabi niya habang nakatuon ang mata sa daan.

Umayos ka ng kilos sa bahay. Wag kang ugaling kanto! Nyenyenyenye! Pakyu ka! Sabi ng isipan ko sa kanya.

"Baket ko ba kailangan sumama sa inyo!? Hindi mo ba alam kung anong oras na! Hinahanap na ako ng nanay ko kaya pwede ba-"

"Baket ba napakarami mo pang sinasabe!?  All you have to do is to follow what I am saying!" Pagputol niya sa sinasabi ko.

"Kung sa tingin mo ay katulad ako ng mga tao sa paligid mo, pwes! Nagkakamali ka! Ibaba mo ako! Ibaba mo ako!" Sigaw ko sa kanya.

"Okay. We're on our way." Narinig kong sabi niya habang nagsisisigaw ako.
"Yeah. Gusto ko na ngang tahiin ang bunganga nito eh" narinig ko dahilan para ikagalit ko lalo.

"Hoy Paul Gabriel mas gugustuhin ko pang kasama si Kenneth kesa sa katulad mong bully! Mayabang! Walang modo!" Sigaw ko sa kanya.

"Say what you want. I could careless" kalmadong sabi niya.

Wala na nga akong nagawa pa at napagod narin ako sa kasisigaw ko. Hindi ko namalayan na sa sobrang pagod ko ay nakatulog na pala ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nagising nalang ako sa biglang tapik ng impakto sa balikat ko.

"Feel na feel mo ang pagkakahiga sa sasakyan ko ah!" Sabi niya nung napansin niyang naalimpungatan ako.

Mabilis akong napaayos ng pagkakaupo. Bumaba kami ng sasakyan at bumungad sa harapan ko ang napakagandang bahay.

"Nasaan tayo!?" Medyo malakas na pagkakatanong ko sa kanya.
"Obvious ba? Diba sabi ko sayo kanina pupunta tayo sa bahay namin! Wag ka ngang magtanga-tangahan!" Pabalang ma sagot niya saken.

"Huwag mo ng subukan kumontra dahil baka papasok palang sa loob ng bahay namin ay ipakain na kita sa buwaya!"

Hindi na ako nagsalita matapos kong marinig sa kanya yun. Natakot ako syempre. Nasa puder niya ako at alam kong kaya niyang gawin. (Takotmuch)

Ong gondo nong bohooooooy!
Pang-mayaman talaga yung bahay nila. May hagdan na paikot - ewan ko kung anu yung tawag don. Yung parang sa titanic yung pinagbabaan ni Jack and Rose. May malaking terrace at may nakita pa akong garden kanina nung naglalakad kami papasok.

May mga portrait na nakasabit at sa tantya ko ay mga artist yung mga yun. Ang gaganda at popogi nung nasa portrait eh. May malaking pendolium na walang tigilin ang kagagalaw nung nakasabit na nakadikit sa pader. May malaking chandelier sa gitna at may mga torch na nakasabit sa bawat gilid ng bahay. Nakakamangha talaga! Ang ganda!

"Itigil mo nga ang kaiikot ng ulo mo. Mukha kang tanga!" Suway sakin ng impaktong kasama ko.

Bwiset to! Sinisira ang moment ko!

"Iayos mo na ang sarili mo - ayan na sila"
Magtatanong pa sana ako nung narinig kong nagsalita yung babae kaninang nakita ko sa school.

"Oh! Finally, kanina pa namin kayo inaantay nila Daddy at Mommy" bati samin nung babae.

"Sorry for what dis happened. By the way I'm Taniya Francis. Nakakatandang kapatid nitong boyfriend mo" pagpapakilala niya.

Kapatid pala siya ng impakto. Wala sa itsura nito ang ganoong ugali ah. Parang kanina lang balahura ang bunganga tapos ngayon parang ang bait-bait at di makabasag pinggan.

Teka teka. Sinabi niyang boyfriend ko? Kapatid siya ng boyfriend ko?

"Oh baket parang nagtataka ka?" Nakangising pansin ni Taniya.

"Kagigising lang niya Ate. Laging nawawala sa sarili yan kapag naiistorbo sa tulog. Diba babe?" Nakangiting sagot ni Paul. Tapos tiningnan niya ako ng tinging nagbabanta.

"Ay oo nga Te! Masyado kasing mabilis yang si impakto!" Sabi ko sabay hampas sa kanya.

Napatingin sakin ng kakaiba si Ate Taniya pati yung apat na nakaupo sa sofa. Paktay tayo. Parang ang wirdo ng pamilyang ito! Baket ganito sila?

Wag kang ugaling kanto

Naalala kong sabi ni Paul sakin kanina.

"Accept my apology. By the way I'm Chriden Miguel Juco." Pormal na pagpapakilala ko.

"You're nice. Mapagbiro ka pala Chriden" puro sakin ng Ate ni impakto.
Nakita kong ngumiti ang impakto at inirapan ko siya.

"Sir,Maam okay na po ang dinner" narinig kong sabi nung lumapit na katulong. Obvious naman kasi nakauniform sila ng kulay blue.

Nakakapanginig naman ng tuhod itong sitwasyon ko. Nasa magkabilang dulo ang daddy at mommy ng impakto. Nasa harapan ko naman si Ate Taniya, katabi ko si Paul at yung dalawang lalaki ay katabi naman ng ate ni Paul.

Totoo kayang nanay at tatay ni Paul to? Baket ganito kagwapo at kaganda? Tama! Sila yung nasa portrait na nakita ko kanina.

"Chriden can I call you Den?" Sabi nung isang lalaking nakaupo sa tabi ng ate ni Paul.
"By the way Den, I'm Luis Franco" pagpapakilala niya. Mas matanda pala siya ng isang taon kay Paul. Sunod na nagpakilala si Justin France na katabi niya. Ipinakilala naman ako ni Paul sa mommy at daddy niya.

"You can call me Tita or Mom" nakangiting sabi ng Mommy niya.
Ganun din ang sinabi ng daddy niya.

Nakakatensyon dito. Parang gumawa lang ako ng hindi magandang bagay ay agad na mapapansin nila. Sosyalan kasi ang trip nila.

"So kailan naging kayo ng kapatid ko?"

Muntik ko ng malaglag ang hawak kong kutsara nung narinig ko iyon kay Luis.
Pinagpapawisan yata ako. Nawala bigla yung tapang na pinapakita ko kay Paul sa tuwing may binubully siya.

Hoy! Seahorse tulungan mo ako!
Sabi ng isipan ko patukoy kay Paul.

"Hindi na dapat tinatanong yun Luis. Kung alam mo lang napakailap niyang si Den" kasunod nun ay ang pagtawa niya dahilan rin ng pagtawa ng mga kaharap ko sa hapagkainan.

"Den kung sakali man maisip mo na hindi mo talaga gusto yang si Paul Francisco andito lang ako. Mas bagay tayo" nakangiti niyang sabi.

"Luis Franco!" Tawag sa kanya ni Paul.
"Hahahaha!" Tanging nagawa ni Luis.

Jusko Luis! Oo kung ikaw payag ako! Pero itong kapatid mo? Pakshet! Sayo nalang ako! Kesa naman sa taong nuknukan ng yabang!

"So you need to come with us Den sa out of town namin nextweek. We don't take no for answer lalo na at nalaman namin na ikaw pala ang napili nitong anak namin" diretsong sabi ng tatay ni Paul with his serious voice.

Nakakatakot! Bahala na. Madali na magdahilan kung sakali man di ako sumama.

"Opo..." Sagot ko kay Daddy.

Kung maka-daddy ka! Inam!

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang