Sigurado na ako - mahal ko itong taong to.

15.3K 498 9
                                    

Sometimes love just ain't enough.

Jerome Kier PoV

Ilang araw ko ng hindi nakikita si Den. Namimiss ko na siya. Bakit ba kasi wala akong lakas ng loob sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.

Kahit alam kong may gusto sa kanya ang kaibigan kong si Paul ay hindi ko parin magawang magparaya. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Kahit alam kong mali ito ay may parte sa isipan kong tama lang basta maging masaya ako.

Nakipaghiwalay ako sa girlfriend ko kasi yun ang alam kong tama para kapag nagkaroon na ako ng lakas ng loob na ligawan si Den ay wala na akong problema.

Kanina pa ako nakaupo dito sa cafeteria pero ni anino ng taong gusto ko ay hindi ko makita.

"Uy pre sino inaantay mo?" Tanong sakin ni Allen. Kasama niya ang buong tropa.

"Wala. Maingay kasi sa room" matipid kong sagot sa kanya. Pero ang totoo ay inaantay ko si Den. Matagal ko na kasi siyang hindi nakikita. Hindi rin kasi niya sinasagot ang tawag at mga text message ko sa kanya.

Napagdisisyunan ko narin na sabihin sa kanya yung nararamdaman ko. Ang hirap kasi ng ganito, yung hindi ko malaman kung saan ko ilalagay ang sarili ko sa kanya. Ang hirap matulog sa gabi dahil palagi nalang siya ang laman ng isipan ko.

Ang hirap ng kinikimkim ko lamang ang nararamdaman ko.

Handa na ako sa pwedeng maging kahinatnan ng gagawin ko.

Kahit magalit sakin si Paul ayos lang basta ang mahalaga ay maging totoo ako sa sasabihin ko.

Kahit anong isagot sakin ni Den ay gagawa parin ako ng paraan para maging ako at ako lang ang para sa kanya.

Hibang na talaga yata ako.

"Mauna na muna ako sanyo. May family dinner pa kami" sabi ni Paul sabay kuha sa kanyang bag.

"Anong plano?" Ani ni Allen saken.

"Anong plano?" Tanong ko naman sa kanya.

"Asus! Kunwari ka pa! Birthday mo na sa isang araw ah!" Singit naman ni Jeck.

Ay oo nga pala. Birthday ko na sa isang araw. Hindi ko man lang napansin na malapit na ito. Si Den may kasalanan nito eh. Siya palagi ang laman ng isipan ko kaya pati sarili kong birthday ay nakakalimutan ko.

Tama! Sa Villa Excellence ko ice-celebrate ang birthday ko. Iimbitahan ko silang lahat. Iimbitahan ko rin si Den para makasama ko ulit siya. Unti-unti akong tityempo para masabi ko sa kanya ang nararamdaman ko pati sa mga kaibigan ko.

"Tama! Thanks Allen!" Nakangiti kong sabi sa kanya sabay dampot ng bag ko.

"Okay ka lang Jerome? Anong nangyayari sayo?" Nakatangang sabi ni Jeck.

Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Jeck at mabilis na akong tumakbo papunta sa sasakyan ko.

Gagala muna akong mag-isa at iisip ng paraan kung ano nga ba ang gagawin kong paraan para masabi ko sa kanya ang lahat.

Napagpasyahan kong magpunta sa EK. Doon lang naman ako nawiwili kahit nagpapaikot-ikot lang ako don. Ang sarap kasing tingnan ang mga taong nakasakay sa mga rides at sayang-saya sila.

Tinahak ko na ang daan patungo dun. Napapansin ko nalang ang sarili ko na napapangiti sa tuwing maiimagine ko ang mga pwedeng mangyari sa birthday ko.

Gusto ko sa birthday ko ay masolo ko si Den. Yung tipong makakapag-usap kaming dalawa. Uupo kami sa tabing dagat at magpapalitan ng bawat kwento ng buhay namin. Tapos ikukwento ko sa kanya lahat ng tungkol sa nararamdaman ko.

Isipin ko palang kinikilig na ako.

Hindi ko napansin na nasa harapan na pala ako ng EK. Mabilis kong ni-park ang sasakyan ko at pumasok na ako sa loob.

Nag-ikot-ikot ako.

Bumili ako ng hotdog sandwich at naupo ako sa bench na malapit sa flying fiesta.

Napabalik tingin ako nung may napansin akong pamilyar na mukha sakin. Actually hindi pamilyar. Yun yung mukha ng taong mahal ko.

Kasama niya ang nakababata niyang kapatid at.. takte! Bakit kasama niya si Lloyd?

Lihim ko silang sinundan. Kitang-kita ko sa mukha niya ang sayang nararamdaman niya.

Sana ako lang ang nakakapag-bigay sa kanya ng ganyang klaseng ngiti at saya.

Dumiretso sila sa booth ng Henna. Halatang kapatid niya ang nagyaya don dahil bakas sa mukha ni Chrien ang pagkainip na makapunta sa henna booth.

Mabilis akong tumalikod nung napansin kong lilingon sa pwesto ko si Den. Wala kasi siyang ibang lilingunan kundi itong nasa harapan kong tadtad ng mga stufftoys.

"Yes Sir? Gusto niyo pong itry? Magandang gift ito para sa girlfriend niyo." Biglang sabi nung babae.

Pakialamero tong babaeng to ah! FYI! Hindi ako magkakaGirlfriend dahil kapag naging kami na ni Den ay Boyfriend ko na siya!

Pero sabagay magaganda nga yung mga stufftoys na nakasabit. Sigurado ako magugustuhan ito ni Den.

"Okay. I'll try" sabi ko sa babaeng pakialamera.

Pinaliwanag niya kung paano laruin yun. Madali lang pala.

"Goodluck Kuya! Kaya mo yan" huling sabi niya bago tuluyang tumunog yung buzzer na senyales na simula na ng laro.

Nasa kalagitnaan na ako ng game nung maamoy ko ang sobrang pamilyar na pabango. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Den iyon.

Nakilala na kaya niya ako?

Ano sasabihin ko sa kanya?

Sasabihin ko na ba agad na mahal ko siya? Takte! Ang bilis naman! Excited!

"Ang galing mo Kuya! Pili ka na po premyo" sabi nung babae sakin. Tinuro ko yung pinakamalaki at pinakamaganda. Inabot sakin yun at mabilis ko iyon kinuha.

Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko.

"I got this for you"

Halatang nagulat siya sakin.

OhMyGod! Ang tagal kong gustong makita ang mukha nitong kaharap ko. Pakiramdam ko ay nakapokus lang sa kanya ang buong presensya ko.

Tama nga ako... Mahal ko na itong taong ito.

Tinanong niya ako kung sino kasama ko. Syempre, nagpalusot nalang ako.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nung biglang sumingit ang mokong. Si Lloyd.

"Awesome mo mukha mo!" Mahinang bulong ko. Pasira ng moment to.

Nagpaalam na agad ako kay Den at sa kapatid nito.

Hindi pa ako nakakalakad palayo nung narinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Bahagya akong tumigil pero hindi ako nalingon sa kanya.

"Thankyou...."

Napangiti ako sa narinig ko.
Itinaas ko ang kamay ko at nagthums up ako.

Sigurado na ako - mahal ko tong taong ito.

Author: Pasensya na po. Tagal di nakapag-update. Busy po kasi. Malapit na kase graduation. Mahaba haba pa po itong story. Thanks po sa patuloy na nagbabasa.

BubeiYebeb

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon