Kailangan ko na yatang kiligin! <3

22.8K 764 46
                                    

Beastmode akooooo! Parang # lang! Damuuuuuuuut!
Sumbong kita kay Francisco! Mas pogi pa yon kesa sayong mukhang itik!

Chriden PoV

Nakakapagod ang araw na ito. Dami nanamang kaekekan ang mga prof na iyan. Akala yata nila eh nakakatuwa ang mga naiisip nilang ipagawa sa aming mga sobrang sisipag na estudyante!

Tapos ngayon hindi pa ako makapag-concentrate sa nirereview ko gawa ng impaktong si Francisco.

Flashback (kanina sa cafeteria)

Wala si bespren kaya loner nanaman ang peg ko. Kaharap ko ngayon ang isang cold coffee at stick-O with marahmallows. Oo! Paborito ko ang stick-O lalong lalo na ang marshmallows. Kahit bespren ko kaya kong ipagpalit basta para sa marshmallows. Hahaha! Nagsasabi lang ako ng totoo. Bad magsinungaling.

"Share tayo sa table. Hindi ka pwedeng tumanggi dahil hindi mo pag-aari tong school" sino pa eh di si Francisco. Akala ko pa naman nagbago na ugali ng impaktong ito. Hindi pala!

Teka.. Bakit parang wala akong masabi? Bakit parang may kakaiba sa pakiramdam ko. Ayyy potek! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung maalala ko ang mga sinabi niya sakin. Please Lord gawin mong normal ang heartbeat ko baka hindi ko makayanan at himatayin ako dito.

"Ha? Ano yon?" Nakakunot noo niyang tanong saken.
"Ha? Naririnig mo?" Medyo natataranta ko namang sagot.
"Naririnig?"
"Naririnig mo tibok ng puso ko? Malakas?" Ewan ko nababaliw na yata ako. Pagkatapos kong sabihin yun ay tumawa siya ng malakas. Nakakaasar tong lalaking to ah! Nagtatanong ako ng seryoso tapos tatawanan ako!

Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tsismoso at tsismosang nakain rin dito sa cafeteria.

Umayos na siya ng pagkakaupo matapos ubusin ang kanyang pagtawa. Itinawa na yata niya yung tawa niya para bukas. Tangnang lalaking to! Itawa mo na yung pang-isang linggo! Ulul!

"Paano ka mabubusog kung yan lang kakainin mo? Araw-araw kong nakikita na yan ang kinakain mo eh" hindi na ako nakapagsalita pa nung naglagay siya sa maliit na platito ng pagkaing kinakain niya at inilagay sa harap ko.

Wow! Biglang bait netong impaktong to ah! Saka teka sinabi niyang araw-araw niyang nakikita na iyon ang kinakain ko? Ibig sabihin tinitingnan niya ako araw-araw? Shet ah! Ayoko mag-assume pero bakit parang kinikilig ako?

"May dumi ba sa mukha ko?" Seryosong tanong niya.
"Wa...wa..la" medyo nauutal kong sagot.
"Kapag hindi mo kinain yang nasa plati-"
"Oo na. Kakainin ko na kesa ibato mo ito at gawing flying saucer sa mga taong nasa paligid" putol ko sa sinasabi niya.

Aba nakuha pang ngumiti ng gagu!

End of flashback

Kaya ang nangyari hindi ako nakapagreview at hindi rin ako halos nakatulog. Potek! Laki ng eyebags ko parang may flight papuntang hongkong! Hahaha!

"Ma! Pasok na akooooo!" Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Mama at mabilis na akong sumakay ng tricycle papunta umboy pra makasakay na ng baby bus papuntang baste.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nagmadali pa naman ako tapos malalaman ko wala pala kaming pasok sa first period namin! Linshak na iyan! Maam Maguad sa susunod mag-GM ka na walang pasok ha! Naku kung hindi lang major subject ang hawak mo! Naku! Tsk tsk tsk.

Kung nagkataon na naka-uniform kami ngayon malamang gusot ang suot ko. Hindi kasi namalantsa si Mama kagabi dahil sa pagbisi-busyhan sa fb. Tinuruan ko kasi kaya ayun nawili! Hindi pa naman ako marunong mamalantsa. Buti nalang wash day ngayon. Kaya panggala mode ang suot ko.

Skiny jeans at small size na puting fubu shirt. Yung panakto lang sa katawan ko. Body bag, at conyo shoes. Conyo conyo lang. Feeling ko nga head turner ako eh. Hahaha!

Asan si bessie ko? Haayyy! Nandun kina Craven. May problemang kailangan ayusin kasi delayed na siya ng 2mos. Laking problema talaga nun!

"Hi Den! Pa-share namin kami" sabi ni Allen tukoy sa table. Mag-isa lang kasi ako at medyo malaki naman ang table at kasya kami.

Sa dinadami ng pwestong pwedeng puntahan dito pa! Pinagtitinginan tuloy ang pwesto ko. Nagkatinginan kami ni Jerome. Nginitian niya ako - syempre dahil talandi ako ngumiti rin ako. Puppy eyes pa nga eh. Haha dejokelang.

"Okay lang. Paalis narin ako kase malapit narin yung next subject ko" sabi ko sa kanila. Sa totoo lang sinabi ko lang yun. Ayoko ng sitwasyon ko ngayon. Pinagtitinginan kasi ako ng maraming estudyante. Lalo ko tuloy nararamdaman na maganda ako. Haha! Jokelang. Naiilang kasi ako.

"Sige diyan na kayo. Kokop-"
Napatigil ako sa pag-usad ng paa ko. Natigilan ako. Ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko - ng dibdib ko.

Pakiramdam ko ay slow motion ang nangyayari sa kinalalagyan ko.

Papalapit sakin ang isang taong nakaputing shirt na medyo fitted dahilan para mas lalong lumabas ang hubog ng katawan nito, loose fit na pants na binabagayan ng sneakers at buhok na clean cut na halatang pinasadahan ng fix clay.

Hindi ko namalayan na nalaglag ang hawak-hawak kong photo copy ng nirereview ko.

Tahimik ang buong paligid. Wala akong ibang naririnig kundi ang pagtambol ng dibdib ko. Ang pagtibok ng puso ko.
Bakit ako nagkakaganito? Anong nangyayari sakin? Nahihipnotismo ba ako?

"Sayo to diba?"

Nakatulala parin ako sa taong nasa harap ko. God nakita ko na ang taong gusto kong makasama habang-buhay. Sabi ko sa isipan ko. Napipicture ng braincells ko ang future ko kasama siya. Daig ko pa ata ang nakadrugs dahil sa sobrang dami ng naiimagine kong scenario sa utak ko.

"Sayo to diba?"

Hindi ko pwedeng sabihing bangungot ito kase saya ang nararamdaman ko. Siguro sa kauna-unahang pagkakataon ako palang ang maitatalang binangunot ng nakangiti at napakasaya.

"Den! Ano ba? Maghapon ka lang bang tutulala diyan? May pangiti-ngiti ka pang nalalaman!" Untag saken ni Francisco na nasa harapan ko habang iwinawagayway ang photo copy na mahulog mula sa notebook na hawak ko.

"Ha?... Ah...sor..ry.. Med...yo puyat ka..se ako..." Nauutal kong sagot sa kanya.

Tangna! Baket ayaw pa bumuka ng lupa? Baket napakatagal dumating ng tornado para tangayin ako? Baket wala pa yung tsunami para anurin ako? Waaaaaah! Nakakahiyaaaaaaa!

"Si...ge... Pa..pasok na ako Francisco"
"Ooooops. Mamaya pa time mo Denden. Dito muna tayo." Sabay hawak sa balikat ko at ibinalik niya ako sa upuan ko.

"Kung itatanong mo kung paano ko nalaman - look! I have a copy of your schedule!" Taas niya sa isang bond paper na nakataas habang nakangiti sakin.

Ano ba ang nangyayari ngayon sa mundo? Baket ganito? Baket sinasabi ng utak ko kailangan ko ng kiligin. Homaygad!

"Den ano gusto mong pagkain"
"Ano gusto mong pagkain Den?"

Halos magkasabay na tanong sakin ni Francisco at ni Jerome.

Awkwaaaaaaaard moment

-----------

Boriiiing! Kaya eto nag-iinom kami ng Gin ng tropa kong si Mike. Hahaha! Gin+sundaymelon+kopiko=saket ng ulo! Hahahaha!

Mag-update na ba uli ako o bukas na po ulit? :)

Salamat po sa votes and comments. Haylabyu guys! Add niyo ako sa fb :)

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon