Musta!

18.5K 657 29
                                    

I was born selfish. You might think that I'm a jerk, but I'm still inlove with you.

Chriden PoV

Takte naman! Alas dos na ng madaling araw di parin ako makatulog! 7am pa naman kami aalis papuntang Mindoro! Buset!

Bakit ba naman kasi ayaw ako patulugin ng Catalina na iyon! Sino ba yun? Bakit bigla nigla nalang niyang hihilahin si Francisco? Girlfriend ba siya ni Francisco? Potek ka Francisco! Akala ko ba ako kunwari ang syota mo para hindi ka ireto sa iba! Iba ka rin eh! Nakakita ka lang ng maganda bumigay ka agad! Bwiset ka!

Teka!? Bakit ko nga ba pinapakialaman yung taong yun? Hindi ko naman siya boyfriend ah! Kaya wala dapat akong pakialam kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay!

Waaaaaaah! Naloloko na ako! Gusto ko na matuloooooooog!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Oh bakit ganyan ang mata mo? Bakit ang itim ng paligid ng mata mo!?" Punang bati sakin ni Ian.

"Nag-aadik ka Den noh!?" -Lexter
"May alam akong dealer - mura lang" -John.

"Pakyu kayo! Hindi ako nakatulog! Ganyong puyat ako eh wag kayong paloko-loko!" Pasinghal kong sabi sa kanila.

Sumakay na agad ako ng sasakyan at naupo na ako. Mabilis ng pinaandar ni Kenneth ang sasakyan at ako naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana.

Dapat i-enjoy ko ang bakasyon. Hindi dapat ako nag-iisip ng kung anu-ano para masaya kaming lahat!

Nakasakay na kami sa barko. Barko talaga! Haha! Mas pinili namin yung mabagal para ma-enjoy namin yung biyahe. Wala naman may motion sickness samin kaya ayos lang.

Ang gagaling nung mga batang sumisisid sa dagat para kunin yung mga baryang hinahagis ng mga nakasakay sa barko. Inubos ko talaga yung barya sa bulsa ko kasi natutuwa akong nakikitang sumisisid yung mga bata. Badjao ang tawag ni Kenneth sa mga yun.

"Uy! Penge barya" naka-pout kong sabi kay Kenneth.

Binigyan niya ako ng 10 pesos na puro tigpipiso. Inubos ko ulit iyon sa kahahagis sa mga bata.

"Tara na sa taas Den" yaya sakin ni Ian.

Umakyat na kami sa taas. Ang gaaaaaanda! Ang sarap sa pakiramdam ang simoy ng dagat kahit na medyo malansa ang amoy ay presyo parin.

Nandito ngayon ako sa taas ng barko. Dito ko uubusin ang tatlong oras na biyahe hanggang sa makarating kami ng Mindoro.

Sino nga kaya yung Catalina na iyon? Bakit parang gulat na gulat yung mga kaibigan ni Francisco nung makita nila yung babaeng iyon? Saka bakit wala man lang nakapagreact sa kanya?

Hindi ko tuloy maiwasang maisip na baka girlfriend siya ni Francisco o baka may namamagitan sa kanilang dalawa. Kapag naiisip ko iyon parang nawawalan ako ng gana. Waaaaaah! Mali! Mali! Hindi dapat ako nagseselos kasi hindi ko naman siya boyfriend!

"Pwede ba akong tumabi?"

Mabilis kong nilingon yung pinanggalingan ng boses na iyon.

"Jerome? Bakit nandito ka?" Takang tanong ko nung makilala ko kung sino yung tumawag mula sa likuran ko.

Nginitian niya lang ako at tumabi sakin. Pareho na kami ngayon nakatayo sa gilid ng barko at nakatingin sa dagat habang patuloy sa pag-usad ang sinasakyan namin.

Hindi nagsasalita si Jerome. Tahimik lang siya. Hindi ko tuloy alam kung paano ko babasagin ang katahimikang lumulukob sa paligid namin.

Hindi nalang din ako nagsasalita. Ayoko rin naman sirain ang pagmomoment ng taong ito. Baka may malalim na iniisip kaya ganito ang peg niya ngayon.

"Musta na kayo ni Paul?"
"Ayos lang. Ganoon parin" maikling sagot ko sa kanya.

Napakarami naman pwedeng itanong bakit tungkol pa kay Francisco. Iniiwasan ko na nga isipin yun dahil kung anu-ano ang pumapasok sa utak ko.

"Ikaw musta ka na?" Tanong ulit niya.
"Ako? Okay na okay! Saya nga eh kasi natuloy itong ni-plano naming bakasyon" nakangiti kong sagot sa kanya.

"Ikaw naman musta ka?" Tanong ko naman sa kanya.

Takte naman oh! Sumakay ba ako ng barko para makipag-kamustahan lang? Puro musta naririnig ko! Word of the PoV MUSTA! "musta" ang ilalagay kong title dito.

"Ngayon okay ako - kasama kita eh" matipid niyang sagot.

Natigilan ako sa narinig ko. Hindi pa yata ma-process ng limbic system ko yung sinagot niya.

Teka Den easy. Huwag agad bigyan ng ibang meaning ang sinabi niya!

"May problema ka ba Jerome? Hindi masama magkwento. Pampagaan lang ng feelings" sabi ko sa kanya.

Nilipat niya ang tingin niya sakin. Tinitigan niya ako. Matagal. Napakatagal.

Nginitan niya ako.

"Okay na ako. Gumaan na ang pakiramdam ko" ngayon ay bumalik na yung kilala kong Jerome.

"Napakaweirdo mo talaga Rome" sabi ko sa kanya.

Matapos kong sabihin iyon ay natulala nanaman siya sakin. Ano ba ang problema ng taong ito?

"Uyy!" Sabi ko sa kanya.
"Ayy sorry. Space out nanaman ako. Ikaw kasi eh!" Sabay kamot sa ulo niya.

"Naranasan mo ba na magmahal Den? Yung tipong hindi mo inaasahan na bigla mo nalang mamahalin ang isang tao?" Tanong niya sakin habang nakatingin kami pareho sa dagat.

"Lahat naman siguro ng tao naranasan na yan. Naranasan ko na magmahal dati - pero ayoko na maulit yun. Nasaktan ako ng sobra nun"

"Ako kasi hindi ko alam yung biglang naramdaman ko eh. Kahit ako naguguluhan at hindi ko maipaliwanag kung bakit ako biglang nagkagusto sa kanya - mahal ko na nga siya eh" -Jerome

"Love is unexplainable thing. Hindi naman kailangan ng dahilan para mahalin ang isang tao. Hindi yung mahal ko siya kasi ganto siya, mahal ko siya kasi ganyan siya. Mali yun! Love is love. The only thing you need is to feel it"

Yan napa-english tuloy ako! Ooooops! Wag mag-nosebleed, remember takot ako sa dugo. I mean, may phobia ako sa dugo.

"Den, I have something to tell you. Promise me na kapag sinabi ko sayo ay wala paring magbabago..."

Nakaharap na ako sa kanya.
Tumango ako senyales na oo ang sagot ko. Jusko! Kinakabahan ako. Killer ba siya? Rapist? Murderer? Aswang? Huwag niyang sabihin na alien siya! Waaaaah!

"I'm fall-"

"Den! Tara na! Ayusin mo na yung gamit mo - padaong na ang barko" sigaw ni Kenneth mula sa hagdanan sa gawing kaliwa namin.

"Oo! Sunod na ako!" Sagot ko naman sa kanya.

Muli kong nilingon si Jerome.
"Ano nga ba ulit yung sasabihin mo?" Tanong kong muli kay Jerome.

Lumapit siya sakin. Malapit na malapit. Nararamdaman ko na ang hininga niya sa kaliwang tainga ko. OMG! Bakit nagtatatuan ang mga balahibo ko!

"Ako si Superman...."

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now