Special Authors PoV

12.7K 291 18
                                    

To all graduating students (Felipe Calderon Elementary School)
"BONDPAPER"

Tol pa-late tayo bukas! Ayoko umattend ng flag ceremony!

Papasok ka mamaya?

Oy! Penge papel!

Peram ako ballpen!

Mam, mag-c-cr lang po. (Pero diretso sa canteen)

My polbo ka? Penge naman!

Pakalog ako lima!

Uy! May quiz tayo. Tabi tayo mamaya ha!

Sino pre? Abangan na natin oh!

Tol may babanatan ako mamaya.

Wala daw si Mam? Yessss!

May pasok ba?

Hindi ako papasok mamaya. Wala naman ginagawa eh.

Tara hagaran!

Uy dadaan ang crush mo! Kukunin ko number taz itetext mo ha.

Uyy pepitong kalbo...

Find your height (pero puro tropa ang magkakasunod)

Ipapaguidance kami ni Mam tol.

Oy anjan na si Maam!

Kainis naman yang math na yan eh!

Kakaantok naman yang hekasi.

Wala akong naintindihan sa English. Dugo na ilong ko.

Tawanan kasi Reproductive system ang topic sa Science.

Palakasan ng kanta sa MSEP.

Manahi/Burda/Gantsilyo sa H.E

Magtanim at magkumpuni sa Shop/Garden.

Magbait-baitan sa ESP.

Pumila at palitan sa canteen ang laman ng tray.

Sinasabing walang pera kapag bayaran ng feeding pero kung saan saang parte ng katawan nakatago ang pera. (hahaha! May naalala ako dito, diba #Moonstone? Hahaha)

Manguha ng stolen pictures then i-a-upload sa facebook.

Mag-selfie sa field.

Tuksuhan.

Asaran.

Iyakan.

Batuhan ng papel sa room.

Kakalbitin ang nasa harapan tapos kunwari walang alam.

Itatago ang sapatos ng kaklase.

Itatali ang bag sa armchair.

Isusulat sa blackboard ang loveteam sa classroom.

Sumbungan sa teacher.

Uy mag nagpapakita daw ditong white lady!

At higit sa lahat, yung trip habang kasama ang bawat barkada.

May naalala kayo?
.
.
.
.
.
Ang saya noh?
.
.
.
.
.
.
Yan ang mga bagay na hindi niyo makakalimutan. Yan ang mga bagay kung bakit nakangiti ka habang binabasa mo ito. :)

Nga pala, CONGRATULATIONS BATCH 2015-2016!

Ilang araw nalang aakyat na kayo sa stage para kunin ang pinagpaguran at pinaghirapan niyo sa loob ng ilang taon.

Ang isang bondpaper.

Isang bondpaper na nagpapatunay na nalampasan niyo ang lahat ng pagsubok na naranasan niyo sa loob ng eskwelahan.

Isang bondpaper na nagpahirap satin dahil sa sobrang dami ng quizzes, recitation, projects, exams at lahat lahat na ipinapagawa satin ng ating guro.

Pero, magpasalamat dapat tayo sa bondpaper na ating makakamit. Dahil kung hindi dahil sa bondpaper na iyon ay hindi tayo makakaranas ng mga masasayang sandali sa loob ng eskwelahan.

Dahil sa bondpaper na iyon ay nakakilala kayo ng mga kaibigan.

Dahil sa bondpaper na iyon ay nagkaroon kayo ng bestfriend/s.

Dahil sa bondpaper na iyon ay nakilala niyo si Crush.

Dahil sa bondpaper na iyon nalaman niyong marami pa pala tayong pwedeng makilala.

At dahil sa bondpaper na iyon ay unti-unti nabubuo ang inyong pagkatao.

Astig no?
Lahat ng bagay na mamimiss niyo ay matatapos lang sa pag-abot sanyo ng isang bondpaper.

Papaiyakin ka ng isang bondpaper.

Pero, makikita mo ang saya at sobrang kagalakan sa mukha ng magulang mo dahil sa pagtanggap mo sa isang bondpaper.

Magpasalamat kay Mama at kay Papa. Dahil kung hindi dahil sa kanila wala kang matatanggap na bondpaper.

Magpasalamat rin sa mga guro. Dahil kung hindi dahil sa kanila ay walang saysay ang bondpaper na mahahawakan niyo.

Magpasalamat sa mga kaibigan. Dahil kung hindi dahil sa kanila ay hindi ka mapapangiti sa tuwing makikita mong nakasabit sa pader ang bondpaper na inyong makakamit.

At higit sa lahat, magpasalamat kay God. Dahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi mangyayari ang lahat ng bagay na naranasan niyo sa loob ng paaralan. :)

Dahil ang bondpaper na iyon ay ang inyong diploma.

-----------

Sa lahat ng naging estudyante ko.

Pwede pakisagutan/dugtungan ang mga ito.

1. Always wear your _________.
2. Yes or Yes!?
3. Nagiging masama lang ang isang bagay kung _________________________________________.
4. The world would be nice if you would be ____________.
5. Walang taong mabait pero maraming taong __________.
6. I love you with all of my _______________.

Hanggang 6 lang. Kapag kasi sinama ko lahat baka isipin niyo hanggang dito ba naman nagpapa-exam ako. Hahaha! :)

Ahmm... Tropapeepz, tol, dre, pre, neng, toy, anak, kaibigan, o lahat ng tawag ko sanyo, binabati ko kayo MALIGAYANG PAGTATAPOS! Masaya ako para sanyo.

Tandaan niyo palagi ang paulit-ulit kong pinapangaral sanyo nung magkakasama pa tayo ah!

Malungkot man pero kailangan niyo talagang umalis. Ibig kong sabihin, you need to keep moving forward. Syempre, hindi palaging nasa elementary kayo. Hindi mabubuo ang pagkatao niyo kung mananatili kayong elementary. Hahaha! Naipaliwanag ko na dati yan sanyo, diba?

Ibig sabihin magsisimula ulit kayo sa umpisa. Kasi nasa next level na kayo, kumbaga unti-unti niyo ng naabot ang pangarap niyo.

Bagong kaibigan, bagong eskwelahan, bagong teachers, bagong kalokohan, at bubuo nanaman kayo ng panibagong magiging alaala sa buhay niyo.

Masaya yun!
Exciting yun.

Magkaroon ng limitasyon sa lahat ng bagay. Tandaan, hindi lahat ng nakakatuwa ay tama. Hindi lahat ng masaya ay tama. Maging mapanuri. :)

Goodluck po sa lahat!
Maraming Salamat!

(After Graduation na yung kadugtong neto) hahaha!

#Bubei

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now