Sana maging masaya siya.

15.5K 487 24
                                    

Why the good times never lasts for long

Chriden PoV

"Okay ka lang?" Tanong sakin ni Lloyd nung aktong pipihitin ko na ang seradura ng pintuan namin.

"Gusto mo bang pag-usapan?" Muling tanong niya sakin.

Tiningnan ko siya.

"Nu ka ba! Okay lang ako. Haha! Ingat ka pag-uwe ha. Salamat nga pala" sagot ko sa kanya.

Wala na akong narinig na salita pa kay Lloyd. Pumasok na ako sa loob ay nagdiretso na ako sa kwarto ko.

Matapos kong magpalit ng damit ay nahiga na ako sa kama ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko.
Gusto ko na matulog.
Gusto ko munang ipahinga ang isipan ko.

Paikot- ikot ako sa higaan ko. Paiba iba na ako ng pwesto pero hindi parin ako dinadalaw ng antok.

Paulit ulit na nagpipicture sa utak ko ang scenario kanina.

Ang scenariong parang dumudurog sa puso ko.

Scenario kung saan nakita ng dalawa kong mata si Francisco na may kahalikang babae.

Takte! Di ko inaakalang masakit pala.
Di ko inaakala na ganito pala ang epekto nun sakin.

Akala ko ba gusto niya ako? Sinabi niya yun diba? Pinaramdam niya yun diba? Pero bakit ganon? Tangina naman oh! Ang hirap. Ang sakit. Putang kasakit.

Umaga na gising parin ako. Hindi ako dinalaw ng antok.

Maaga akong nagayos ng gamit ko papasok. Wala rin naman akong gagawin dito sa bahay eh.

Aktong sasakay na ako ng bus nung makarinig ako ng busina. Nilingon ko iyon at nakita ko ang nakangiting si Lloyd.

Sumenyas siya sakin. Yung senyas na inaaya niya ako na sumakay sa sasakyan niya.

Napangiti ako. Itong taong talagang ito.

"Ang aga mo yatang pumasok? Mamaya pang 9:30 klase mo diba?" Tanong niya sakin.

"Maaga kasi akong nagising, kaya naisipan ko na maaga narin pumasok. May exam din kasi sa polsci eh" palusot ko.

"Napuyat ka tapos maaga ka nagising?" Takang tanong niya.

"Ha?" -Ako

"Halata naman sa mata mo na napuyat ka. Malamang maperfect mo ang exam niyo mamaya. Memorize mo na yata ang 1987 Constitution eh" pang-aasar niya.

Maigi naman at iyon ang nasa isip niya. Ayoko rin kasing isipin niya na dahil ito sa nakita ko kagabi.

Kailangan kong maging maayos.
Hindi dapat ako magpaapekto.

"Sigurado ka okay ka lang?" Tanong sakin ni Lloyd nung maghihiwalay na kami ng daan.

"Yap. Natext ko na si Sheryl. Papunta narin siya." Nakangiting sagot ko sa kanya.

Matapos naming maghiwalay ni Lloyd ay nagpunta na ako sa library. Doon kase ang usapan namin ni Sheryl magkita.

Magrereview daw eh paniguradong puro kalokohan nanaman ang gagawin ng babaeng yun.

Bago ko pa mahawakan ang pintuan ng library ay may humaltak na sa kamay ko.

Mabilis niya akong dinala sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan niya.

"Mag-usap tayo." Seryosong sabi niya.

Dapat nga ba kaming mag-usap?
Bakit kami mag-uusap?
Gusto ko bang pag-usapan?

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon