Bullseye! Nakita rin kita!

16.5K 593 28
                                    

May purpose tayo kung bakit tayo nabubuhay.

Paul Francisco Gabriel PoV

"Oh sayo tumapat Paul!" Sabi ni Brille pagkatapos paikutin ang bote.

Napagtripan naming maglaro ng spin the bottle dito sa tabing dagat habang nag-iinom. Pampaubos oras lang. Bukas pa kasi kami magsisimulang gumala dito sa Mindoro.

"Kiss mo si Den sa pisngi" nakangising sabi ni Brille.

Ha? Ako? Kikisan ko si Den? Hindi ba alam ni Brille kung ano ang sinasabi niya!?

"Brille hindi pwede yung mga ganyan baka kung ano nalang isipin ng ibang tao. Marami pa namang taong nandito" niglang singit ni Jerome.

Kanina napakatahimik netong taong ti tapos ngayon bigla biglang nagsasalita! Saka ano nga bang pakialam ng ibang tao kung halikan ko si Den? Masama ba yun?

"Its just a game guys! Wag kayong KJ!" Sabi ulit ni Jerome.

"Francisco..." Mabilis kong nilingon ang pinanggalingan ng boses na iyon.

Shit! Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Oh ayan na pala si Den.. Ayos na.."

Ano ba gagawin ko? Hindi ako mapakali.

"Oh bakit?" Sagot ko sa kanya.

Naglalakad siya papalapit sakin. Namumula ang mukha niya at parang nanginginig ang mga paa.

Tumayo ako. Hinarap ko siya. Baka kasi kung ano ang nangyayari sa kanya.

Tumunghay siya. Tumitig sa mata ko.

Hindi ko na alam kung ano ang nangyari pero bigla nalang niyang kinuyabit ang dalawang kamay niya sa leeg ko at pinaglapat ang mga labi namin.

Ramdam na ramdam ko ang pino at napakalambot na labi ni Den. Hindi ko magawang imulat ang mata ko dahil sa sensasyong nararamdaman ko.

Naramdaman ko na lamang na tumutugon ako sa bawat halik na binibigay niya sakin.

Aktong tatanggalin na ni Den ang pagkakalapat ng mga labi namin pero pinigilan ko iyon. Ako naman ngayon ang humawak sa magkabila niyang pisngi at pinagpatuloy ko naman ang halik na ibinibigay niya kanina.

My God! Di ko maipaliwanag yung nararamdaman ko sa mga oras na ito. Parang may libo libong paru-paro ang nagliluparan sa sikmura ko.

Ayoko na matapos itong gabing ito.

Ayoko na magwalay pa ang mga labi namin.

Dahan-dahan naghiwalay ang labi namin. Nakatitig parin ako sa mukha niya na kitang-kita ang pagkahiya dahil sa kanyang ginawa.

"Si...si..ge ba..lik na a..ko" nauutal niyang sabi nung nagkahiwalay na ang labi namin.

"Woooooooh!"
"Ayiiiiiiiiie!"

Narinig kong sigaw ng mga kaibigan ko.

"Wala ka bang balak umupo Kisser boy?" Kasunod nun ay pagtawa ni Brille.

"Tinamaan ng magaling..." Banat naman ni Allen.

Tiningnan ko lang sila at bumalik na ako sa pwesto ko.

"Oh namumula ka Paul? Laseng ka na agad?" Puna naman ni Allen.

Takte! Kaya ayoko ng kinikilig ako eh! Namumula ang mukha ko.

Ito ang pangalawang beses na naghalikan kami ni Den. Sa totoo lang, siya ang first and second kiss ko. Wala pa kasing ibang nakakatikim na labi ko. Ayoko nga! Gusto ko ang makakatikim lang nito ay ang taong makakasama ko na habangbuhay.

Pinaikot ko ang bote. Ganun kasi ang patakaran namin kung sino ang huling natapatan at siya ang magpapaikot ng bote.

"Oh ikaw naman ngayon Jerome!" Sabi ni Allen.

Katulad ng dati, plain emotion lang si Jerome at parang wala lang sa kanya ang ginagawa namin.

"Nabalitaan kong naghiwalay daw kayo ng girlfriend mo. Ano dahilan?"

Ha? Naghiwalay sila? Bakit? Matagal na sila ni Jerome ah! Ang alam ko nga ay tatapusin lang itong graduation tapos magpapakasal na silang dalawa.

Kinuha muna ni Jerome ang basong hawak ni Brille na may lamang alak. Ininom niya iyon. Hindi niya ininda ang lasa ng alak.

"I'm inlove with someone else"

Napatahimik kaming lahat sa narinig namin mula sa kanya.

May ibang pumapasok sa isipan ko. Kung magkakataon kaming dalawa ni Jerome ang magtatalo sa iisang tao. Hindi naman kasi ako manhid para hindi mapansin ang kinikilos ni Jerome.

"Sino?" Halos sabay-sabay na tanong ng mga kasama ko.

"Ang rule natin ay sumagot lamang ng isang taong. Pangalawa na iyan kaya pwede na akong hindi sumagot" malumanay niyang sabi samin.

Kahit kailan talaga matalino itong taong ito.

Ramdam ko naman ang mga nasa paligid ko. Alam kong may pagtingin rin si Kenneth kay Den, pati narin itong si Jerome. Pero hindi ko isusuko ang nararamdaman ko. Hindi ko hahayaang may umagaw pa sa taong pinili ko ng makasama habang buhay ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Hindi ako mapakali. Hindi ako makatulog kahit na nakainom ako. Bakit? Una, hindi mawala sa isipan ko ang nangyari samin ni Den kanina - nung naghalikan kami. Pangalawa, kung anu-ano ang pumapasok sa isipan ko dahil alam kong magkasama sa iisang kwarto si Kenneth at Den.

Kahit naman siguro sino ay hindi mapapanatag ang isipan sa ganitong sitwasyon.

Alam ko na!!!

(Time: 2:10am)

Lumabas ako ng room ko. Wala naman akong ibang kasama kaya wala akong mayayakag sa naisip kong gawin.

Takte! Bakit hindi ko mahanap yung bagay na iyon! Ang alam ko hindi pwedeng mawalan dito nun.

Nagikot ikot pa ako. Wala naman kaming ibang kasama dito sa hotel kasi sadyang binayaran ko ito para samin. Grupo nila Den at grupo ko.

Bullseye! Nakita rin kita!
-------

Gusto ko palaging Sunday! Ayiiiiiee! Miss ko na si #Malakas

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now