Don't worry. Akong bahala sayo.

10.9K 404 56
                                    

Paikot-ikot lang - nalilito, ba't ganto?

Chriden PoV

Bakit ganito ang pakiramdam ko?

Bakit kakaiba?

Parang... Parang mali ang ginawa ko.

Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakalapat ng labi ko sa labi ni Francisco.

Kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mukha. Yung tipong parang hindi niya inaasahan ang ginawa ko.

Sabagay, ngayon ko lang naman talaga nagawa ang bagay na iyo. Ang manghalik ng lalaki. Yung ako ako ang gumawa ng paraan para makahalik.

Nakita ko rin ang pagkagulat sa mga mukha ng mga taong nasa paligid namin.

Takte!

Bakit bigla akong nakakaramdam ng pagkahiya?

Tangina! Lupa yumanig ka at kainin mo ako!

Naramdaman ko nalang na biglang hinawakan ng taong kaharap ko ang kamay ko at hinila ako papalayo sa kinalalagyan ko.

"Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!!" Sigaw ko sa kanya pero hindi niya ako pinakikinggan. Hatak hatak niya parin ako hanggang sa makarating kami ng parking lot.

"Get in" mahinang sabi niya matapos niyang buksan ang pintuan.

"Ayoko! Papasok ako! Ayoko ng kausap ka!" -Ako

"I just wanna talk to you. I wanna know something..." Mahinahong sagot niya.

Teka.. Kailan pa naging mahinahon ang taong ito? Epekto ba ito ng Lolo niyang FREAK!?

Wala na akong nagawa dahil hinila na niya ang kamay ko papasok sa loob ng sasakyan.

Habang nasa sasakyan kami ay hindi kami nag-uusap. Pero ako? Deep inside kinikilig na uli ako. Kasama ko na kasi ulit ang taong mahal ko. Wala na akong pakialam sa nangyari kanina. Bahala na pagpasok kung paano ko iyon ipapaliwanag sa mga kaibigan ko. Nakita ko rin kasi si Sheryl at si Ellen sa tapat ng hagdanan at nakatingin sakin kanina. Sigurado ako kalat na agad iyon sa buong Liapsy.

Nasa isang restaurant kami ngayon. Matapos umorder ni Francisco ay muli siyang tumingin sakin. Takte! Ano ba itong nararamdaman ko? Gusto ko ulit siyang halikan.

"Hmm... So, normal na ba sayo ang bigla-biglang nanghahalik?" Diretsong tanong niya sakin.

Naramdaman kong nag-init ang mukha ko. Nakaramdam tuloy ako ng hiya sa taong kaharap ko.

"Ah..Eh... Sorry..." Mahinang sabi ko.

"Its okay. I know you didn't intend to do that thing...on me...."

Ha? Ano daw!? Pengeng tissue! Nosebleed!

Parang may kakaiba kay Francisco ngayon ah... Yung pananalita niya, medyo may pagkamaginoo na. Saka ngayon ko lang napansin ang bagong hairstyle niya at ang kulay ng mata niya. Brown.

"Ooops... Mukhang iniimbestigahan mo ako ah.. Don't worry I'm not a killer." Sabi niya kasunod nun ay ang pagngiti niya.

OMG! Tangina! Napakagwapo ngayon ng taong mahal ko. Ngayon ko lang napansin sa kanya ito.

Alam ko ginagawa niya lang ito para mawala ang galit ko sa kanya. Alam ko pinapasaya niya ako at pinapaalam niyang nagbago na siya.

Habang nakain kami ay panay ang tingin ko sa kanya. Lalo yata akong naaadik sa kanya.

Lord thank you. Salamat talaga at okay na kami.

"Bakit ka nga pala naiyak nung nakita mo ako?" -Francisco.

"Ha?" Tanging naisagot ko.

"Hoy Francisco tama na ang trip mo ah! Baka mag-init nanaman ang ulo ko sayo" banta ko sa kanya. Ayaw pa kasi niyang tumigil eh.

"Wow! You know my name. Akala ko ako lang nakakakilala sayo. Naikwento ka kasi sakin ni Luis kanina nung nasa school kami. Sinabi niya sakin na kaibigan ka daw niya" mahabang kwento niya.

"Hoy Paul Francisco! Huwag mo akong pagtripan! Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo sakin tapos ayan ka nanaman ah! Sinasabi ko sayo!" Sabi ko uli sa kanya.

Matapos niyang marinig ang sinabi ko ay tumawa siya. Yung tawang nakakaloko. Yung tawa na nakapagdulot sakin ng inis.

"Hey! I'm not Paul. Kapatid niya ako. I'm Paolo Francisco. Kaya pala ang weird ng mga sinasabi mo sakin kanina" kasunod nun ay ang muling pagtawa niya.

Ha!? Kapatid? Wala naman naikukwento sakin si Paul o kahit si Luis na may kapatid pa sila ah! Saka bakit kamukhang kamukha ni Paul itong kausap!

Tangina! Kung totoo nga ang sinasabi nitong taong kaharap ko ay ibig sabihin... Ibig sabihin... Tangina! Hinalikan ko ang ibang tao! Hindi pala si Paul ang hinalikan ko!

"Oh? Bakit biglang hindi ka mapakali? Bakit namumula ka?" Muling tanong niya sakin.

Hindi ako makasagot sa tanong niya. Ang tanging nasa isip ko lang ang ang mga sinabi at ginawa ko sa kanya kanina.

"Don't worry.. Huwag mo na isipin yung ginawa mo kanina" mahinahong sabi niya habang itinutunghay niya ang mukha ko.

Kinuwento niya sakin ang lahat. Sinabi niyang nasa ibang bansa siya at matagal na siya doon. Umuwe lang siya dahil magbibirthday ang Lolo niya at pinakiusapan lang na umuwe siya.

Narinig ko nanaman ang Lolo na iyan! Panira ng moment yang matandang yan eh!

Hanggang sa magkapalagayan kami ng loob. Naikwento ko rin sa kanya lahat. Lahat lahat. Kung bakit ko nasabi iyon kanina sa kanya dahil sa napagkamalan ko siyang si Paul. Pati lahat ng nangyari.

Napapatawa nga lang siya habang nagkukwento ako eh.

Ngayon ko lang napansin ang pagkakaiba nila ni Paul. Si Paul kasi mainitin ang ulo samantalang itong si Paolo ay kalma lang. Ayos ah! Baliktad ang kambal!

"Tara.. Sama ka sa bahay.. Dun natin pagpatuloy ang kwentuhan natin..." Sabi niya sakin habang naglalakad kami pabalik ng sasakyan.

"Ay huwag na.. Saka alam mo naman yung tungkol samin ng kapatid mo diba?" -Ako.

"Haaay... Pagkatapos akong halikan ng isang tao diyan at sabihan ng kung anu-ano ay pahihindian ako sa alok ko" pagpaparinig niya sakin.

"Paolo ayoko kasi na -"
"Hindi naman si Paul ang ipupunta mo sa bahay, kundi ako. Don't worry. Akong bahala sayo" nakangiti niyang sagot sakin.

Wala na ulit akong nagawa. Sana lang wala sa bahay ang kapatid niya. Parang pinanghinaan kasi ako ng loob na makita muli si Francisco eh. Ewan ko ba.

Pero ngayon, parang nakalimutan na yata ng puso ko yung sakit na nararamdaman ko. Parang napalitan ito ng kaba - excitement.

Bahala na!

Pinagbuksan kami ng katulong nila Paolo. Mabilis na ni-park ni Paolo ang sasakyan at sabay kaming bumaba.

Habang naglalakad kami papasok ay napakalakas ng dagundong ng dibdib ko.

Binuksan ni Paolo ang pinto.

"Ma, I'm home!" Sigaw ni Paolo.

"Ma, ipagbake mo ako ng cookies, may kasama akong bisita" dugtong ni Paolo sa kanyang sinabi.

"Kuya Paolo, tara laro ta-"

"Paolo hinahanap ka kani-"

Kapwa napatigil ang dalawang magkapatid nung nakita nila akong kasama si Paolo.

"Huwag muna kayong magulo. May bisita ako. Wala munang pupunta sa rooftop. Wala munang iistorbo samin" bilin ni Paolo kay Luis at Francisco.

Author: Wala pa yung kainuman ko. :) boring eh.

Pengeng kateks :) kakwentuhan lang.

Penge naring comment and likes :)

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now