I'm all out of love

17.8K 595 39
                                    

Ano bang problema ng limbic system ko? Bakit ganadong ganado sa pag-function ang hypothalamus ko? ;)

Update para kay #Toothless99 natatawa talaga ako sa mga comments mo. Hahaha! Thanks. :)  yaan mo ipapakilala kita kay Jerome. O kaya kay Markie Lloyd. Hahaha!

Markie Lloyd Cruz

(Tagal kong inantay ito ah! Akala ko hindi mo na ako isasali dito Author. Akala ko kakalimutan mo na yung mga nangyari satin. Hahanap lang ako ng tiyempo - makukuha rin kita kay Paul Francisco)

Ilang gabi ng hindi maayos ang tulog ko. Paulit-ulit yung scenario sa utak ko. Senyales na ba ito ng pagiging alien? Nababaliw na ba ako?

Wala naman akong makausap dito sa bahay. Wala na akong tatay. Sumakabilang bahay. Si Mama naman wala rin - busy sa kanyang mga apo sa Hongkong. Kapatid? Meron. Si Ate Trisha. May asawa na siya kaya wala siya dito sa Pilipinas.

Ano nga ba ang pangalan nung taong yun? Sigurado akong narinig ko yun at nawala lang sa isipan ko. Mukha lang niya talaga ang hindi ko makalimutan.

Nagpasya akong bumalik sa bahay namin dito sa Mulawin Tanza Cavite. Nakakaboring din pala magbakasyon mag-isa. Naisipan ko kasing magbakasyon sa mindoro. Akala ko nandun pa yung ibang mga barkada ko, nauna na palang nakauwe. Napaaway pa nga ako dun eh. Buti nalang may nagmagandang loob na tumulong sakin - at yun ang taong dahilan rin kung bakit balisa palagi ang bawat gabi ko.
.
.
.
.
.
.
Nandito ngayon ako sa mall. SMB (SM Bacoor) Gala lang. Naglaro ako sa tomsworld at nung inabot na ako ng gutom ay nagtungo agad ako dito sa foodcourt. Ayoko kasing pumila ng pagkahaba-haba sa mga fastfood.

Nung aktong magsisimula na akong kumain ay may nahagip ang dalawang mata ko na naging dahilan ng pagkakatigil ko. Ibinaba ko ang hawak kong kutsara at tinidor. Tinitigan ko siyang maigi. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya.

Tama.

Sigurado ako.

Hindi ako pwedeng magkamali. Siya na nga yung hinahanap ko. Siya ang may kasalanan kung bakit ang laki ng eyebags ko.

Lalapitan ko siya.
Gusto ko siyang kausapin.

Tumayo ako. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa table nila. Hindi ko parin inaalis ang mga mata ko sa kanya. Baka kasi bigla nanaman siyang mawala sa harapan ko.

Totoo pala yung mga napapanuod ko da movies na kapag papalapit ka na sa isang taong nakakuha ng atensyon mo ay parang babagal ang buong paligid mo. Slow motion yung parang walang gravity.

Malapit na ako sa kanya.

Malapit na malapit na.

Pero...takte naman! Biglang may sumulpot at tumabi sa taong lalapitan ko. Nakasimangot ito at mukhang pinapagalitan yung taong pupuntahan ko.

Boyfriend niya ba yun? Di hamak naman na mas gwapo ako sa lalaking yun! Kung katawan naman ang pag-uusapan, aba! Di magpapatalo itong magandang hubog ng pangangatawan ko!

Mabilis akong umalis sa foodcourt. Sa ibang pagkakataon nalang ako lalapit sa kanya. Ang magalaga nakita ko na siya at alam ko na kung saan ko siya mahahanap ulit. Nabasa ko kasi yung lace ng id na suot niya. San sebastian College Recoletos - De Cavite.

Mula rito sa pwesto ko ay kitang-kita ko sila. Nandito kasi ako sa may circle sa gitna ng sm tapos sila nasa ibaba lang. Nakita kong nakaakbay ang kanang kamay nung lalaki dun sa taong hinahanap ko. Feelingero to! Mas maganda kung ako ang nakapwesto dun! Mas bagay kaya kami!
.
.
.
.
.
.
.
.
Wala na akong ibang maisip na paraan. Nag-enroll ako sa school na pinapasukan niya at kaparehong kurso niya ang kinuha ko.

Nagayuma yata ako ng taong yun. Yung tipong gusto ko siyang makasama at makita. Yung pakiramdam na gusto kong maramdaman muli ang pagkakayakap niya sakin nung nasa mindoro kami.

Ipinakilala ako ni Prof sa harapan ng section nila. Nakatingin lang ako sa kanya. Gusto kong paalisin ang babaeng nasa tabi niya at ako ang uupo dun.

Pagkatapos ng klase ay naglakas loob akong hilahin ang kanyang kamay hanggang sa mapatigil kami sa gitna na court. Ang daming tao pero hindi ako nakakaramdam ng hiya - bagkus kaba ang nararamdaman ko. Kaba at saya dahil nasa harapan ko ang taong hinahanap ko.

Niyapos ko siya.
Mahigpit.
Ayoko na siyang bitawan.

Gusto kong maalala niya yung scenario namin dati.

Sabi ko dati - Lord I need love. Hug is free. Kung sino man ang taong yayapos sakin sa madungis kong pangangatawan at nakakadiri kong itsura ay yun yung taong tinadhanang makasama ko panghabangbuhay.

Tumakbo siya. Ilang beses ko siyang tinawag pero hindi niya ako nilingon.

Isa lang naisip kong paraan.
.
.
.
.
.
.
.
Habang kinakanta ko ang kantang gusto kong iaalay sa kanya ay hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Buong damdamin ko ngang kinakanta ang bawat lyrics ng kantang I'm all out of love.

Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko nung nakita kong nakatingin din siya sakin.

Hindi ko magawang ngumiti.
Wala akong maipakitang ibang reaksyon ng mukha ko.

Pagkatapos kong kumanta ay pinagpatuloy ko ang pag-iinom ko. Tutal nandito narin naman ako kaya uminom narin ako.

"Papabol join ka na samin! Tara na!" Hindi na ako hinayaang makasagot ni Sheryl at hinila na ang kamay ko papuntang table nila.

"Diba sabi mo sabay kayo ni Den babalik dito?" -Yung lalaking mataba. (Norman)

"Ah..eh.. Nagmada-"
"May dadaanan pa daw kasi si Den kaya pinauna na niya ako" putol ko sa kanyang sinasabi. Ramdam ko kasi ang tensyon sa kanyang inaasta.

Tamihik lang ako habang nakikinig sa kanilang kwentuhan. Tahimik lang rin akong nakatingin sa iisang direksyon. Kay Den.

"Den mukhang di umaaligid ang boyfriend mong bully ah!" Narinig kong sabi nung babaeng buhaghag ang buhok. Gladys ata pangalan niya.

Teka? Si Den? May Boyfriend? Hindi yata maganda sa pandinig ko yun ah.

"Anong boyfriend ka diyan! Utut mo blue!" Tanggi niya.

"Kunwari pa. Halata naman na gusto ka nung tao - pero ingat ka Den baka mamaya jombagin ka nun." - Ellen.

"Tumigil nga kayo. Kahit naman ganoon si Francisco ay may kabutihan namang taglay yun! Saka huwag na nga siya ang pag-usapan natin" mahabang pagtatanggol ni Den sa taong tinutukoy nila.

"Oh kita mo na? Pinagtatanggol mo! Guilty! Boyfriend mo na nga ang bully!" Sigaw ni Sheryl.

"Look who's coming!" -Ate Jaja
"Speaking of the bully" -Ellen.

Mabilis kong nilingon ang gate ng E-Place.

May isang grupo ang paparating at nakatingin lamang sa iisang direksyon ang dalawang lalaki.

Nakatingin kay Den.

-----------

Update po uli ako maya ;)

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now