Anong gagawin ko? Paano na ako Jerome....

10.4K 396 9
                                    

Heartaches.

Chriden PoV

Kaagad kong inempake ang mga damit ko. Mabuti nalang ay nagdala ako ng sarili kong bag nung nagpunta kami dito.

Gusto na kasi umuwe. Pakiramdam ko kasi ay hindi kaya ng damdamin ko na tumigil pa dito gayong alam ko na ang posibleng mangyari. Lalo lang mahihirapan ang kalooban ko.

Habang papalabas ako ng mansyon ay patuloy na nag-aagos ang mga luha ko. Kahit anong pilit ko ay ayaw huminto sa pagpatak ito.

Sinigurado kong walang nakakita sakin sa paglabas ko ng malaking gate. Ayoko rin naman makaagaw pansin ngayong gabi sa kanila. Magtetext nalang ako kay Luis kapag nasa Cavite na ako. Makikitext nalang ako.

Ang layo pa ng nilakad ko bago ako nakarating sa sakayan ng papuntang pier. Buti nalang din ay dala ko yung dapat sana na pambili ko ng bagong cellphone. Kung hindi mas malaking problema pa. Baka wala akong pamasahe hanggang sa pier.

Isang oras din yung naging bihaye bago ako nakarating dito sa pier. Mag-aantay ako kay Jerome hanggang umaga. Kapag wala pa siya - sasakay na ako ng biyaheng pa-manila. Kasya naman siguro ang pera ko hanggang sa Cavite. Pagdating dun madali na akong makakauwe.

Naupo muna ako sa isang bakanteng upuan.

Marami-rami rin ang mga taong nandito. Mga pasahero rin.

Habang nakaupo ako ay patuloy parin ang pagtulo ng mga luha ko. Paulit-ulit kasing nag-eecho sa isipan ko ang sinabi ng lolo ni Francisco. Saka yung biglang pagbabago ng ugali ni Francisco. Yun ang lubos na dumudurog sa puso.

Ang sakit. Napakasakit.

"Mukhang kailangan mo ng tissue"

Mabilis kong nilingon ang pinaggalingan ng boses na iyon.

"Jerome?" Takang bati ko sa kanya.

Nakakapagtaka. Bakit napakabilis niya? 8hrs ang biyahe simula sa cavite hanggang dito tapos eto na agad siya.

"Bakit ang bilis mo?" Tanong ko agad sa kanya.

"Nung nagtext ka kasi ay nandito na talaga ako sa baguio. Dinalaw ko ang tita ko. Sabi mo kasi wag akong magreply kaya hindi ko na nasabi sayo" mahabang paliwanag niya.

"Oh anong nangyari? Diba kasama ka ni Paul kina Lolo?" Takang tanong naman niya sakin.

"Halika na Jerome. Medyo nagugutom narin kasi ako eh" pag-iiba ko ng usapan.

Ayoko narin kasing malaman niya ang nangyayari samin ni Francisco. Mas mabuti na yung ako nalang ang nakakaalam.

Pinahiran ko ang mga mata ko ng tissue'ng inabot sakin ni Jerome at nagsimula na kaming maglakad papunta sa sasakyan niya.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong niya sakin habang nagmamaneho.

"Kahit saan. Yung mabubusog ako" pagbibiro kong sagot sa kanya.

Kumain kami sa isang simpleng restaurant. Sa totoo lang wala talaga akong ganang kumain. Hindi ko lang talaga alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya kanina.

Pagkatapos namin kumain ay sinimulan na namin tahakin ang daan pauwe. Matagal tagal din kasi ang biyahe kaya kailangan umalis na kaagad kami dito.

Ni-turn on ni Jerome ang component ng kanyang sasakyan.

Nagsimula na naming marinig yung kanta na nagmumula sa component.

Takte! Bakit sa dinami-dami pa ng kantang pwedeng maiplay ni Jerome bakit itong kantang ito pa! Badtrip naman oh!

(Pls play: We've only just begun - Carpenters)

"Bakit? Problema?" Seryosong tanong ni Jerome habang nakatuon ang mata sa daan. Bahagya niyang pinindot ang kanyang cellphone sa tabi ng component.

Tama. Kailangan mailabas ko sa kanya ang sakit na nararamdaman ko para mabawasan kahit papaano ang bigat ng dibdib ko.

"Bakit kaya ganon Jerome, bakit kung kailan handa ko ng panindigan na mahal ko ang isang tao dun pa lagi nagkakaroon ng hadlang?"

Panimula kong tanong sa kanya. Gusto ko kasing marinig muna ang maaring niyang isagot sakin.

"Pwede bang ikwento mo sakin ang lahat? Yung hindi mo na ako dadaanin pa sa mga tanong mo?" Seryosong tanong ulit niya sakin.

Hindi na ako nagdalawang isip pa. Kinuwento ko sa kanya ang lahat lahat. Sinabi ko narin sa kanya na ang nararamdaman ko para kay Francisco.

"Tangina naman Jerome oh! Kahit gaanong kawalang hiya at kaabnormal ng Francisco na yan mahal na mahal ko yan!" -Ako

Matapos kong sabihin yun ay nagdaloy na muli ang mga luha sa mata ko. Hindi ko na kayang pigilan pa ulit ito.

Inihinto ni Jerome ang sasakyan niya.

"Huwag ka mag-alala. Malapit ng dumating ang araw na talagang magiging masaya ka" sabi sakin ni Jerome habang yapos yapos niya ako.

"Jerome wala akong ibang kailangan kundi si Francisco! Tangina niya! Bakit siya pa! Bakit siya pa ang mahal ko!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa mga nasabi ko. Dahil sa sobrang pag-iyak ko ay napapahikbi na ako.

"Tahan na... Masasanay ka rin..." Bulong sakin ni Jerome na panay himas sa likod ko.

"Ano na gagawin ko? Paano na ako Jerome...."

Matapos kong sabihin yun ay hindi ko na nagawang magsalita pa. Iyak lang ako ng iyak. Wala na akong ibang magawa.

Nagpatuloy na sa pagmamaneho si Jerome. Ako naman ay nakatingin lang sa labas habang patuloy na paulit ulit sa isipan ko ang mga pangyayaring magkasama kami ni Francisco.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Jerome maraming salamat."

"Okay ka lang na Den?"

"Napakasinungaling ko naman kung sasabihin kong okay ako. Pero huwag ka mag-alala. Lilipas rin ito" huling sabi ko sa kanya bago ako tuluyang pumasok sa loob ng bahay namin.

"Den diba sa isang linggo ka pa dapat uu-"

"Ma, gusto ko po munang magpahinga. Pagod po ako" putol ko sa sinasabi ni Mama at nagdiretso na ako sa loob ng kwarto ko.

Pagkalapag ko ng gamit ko at agad akong dumapa sa kama ko at nagsimula nanamang magdaloy ang mga luha ko.

Tangina Den! Ang tanga-tanga mo! Ang tanga-tanga mo! Bakit hindi mo pa kasi inamin nung una palang! Ang tanga mo! Ang tanga koooooooo!

Paulit ulit kong isinisigaw yan habang nasa loob ako ng kwarto. Patuloy rin ang pagdaloy ng luha ko.

Ang sakit.
Ang sakit sakit.
Putanginang kasakit!

Parang paulit ulit may tumatahi sa dibdib ko!

Parang may mabigat na bagay ang nakapatong sa puso ko!

Ayoko na! Ayoko na ng ganito!

"Den! Den! Ano bang nangyayari sayo! Buksan mo nga itong pinto!" Sigaw ni Mama habang patuloy na kumakatok sa pintuan.

"Okay lang ako ma! Gusto ko muna mapag-isa" sagot ko sa kanya na halos hindi na maintindihan dahil sa paghikbi ko.

Author: Shot mode! :)

Ang sad naman ng chapter na ito.

Pengeng comment at votes.

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now