Den nagdadalaga ka na ah! :)

33.7K 939 27
                                    

Baket wala pang new episode ang Onepiece? :( yung Naruto naman puro kwento ang tagal nung battle ke Madara! Kakainiiiiiis!

Chriden PoV

Maayos naman ang naging unang linggo ng pasukan. Pagpapaliwanag ng mga requirements at pagpi-fill-up ng class cards. Karamihan sa mga prof namin ay yung dati parin. May nadagdag lang na iba - merong terror at meron naman na nakakasabay sa trip namin.

"Mall tayo mamaya Bessy" ani ni Elaine habang nasa cafeteria kami ng School namin. Bestfriend ko si Elaine (Elaine Mota) naging magbestfriends kami ng hindi namin namamalayan. Hahaha! Nakuha namin yung tawagan naming Bessy dun sa isang koreanovela na Besty ata yung name. Kaya ayun. Bahala na kayo mag-isip ang hirap ikwento nun.

"Sige." Pagsang-ayon ko. Tutal maaga rin naman ang uwian namin ngayon at tyempo wash day. Hindi yung literal na labahan day aa! Kundi naka-civillian kami at nakapanggalang suot. Haha!

"Kita nalang tayo mamaya, pasok muna ako kay Maam Paig (Filipino).

Iniwanan ko muna si Elaine sa cafeteria. Magkaiba kasi kami ng kurso. I.T siya (Information Technology) hindi E.T ha! Wag niyong gawing alien ang bespren ko!

"Uyy si Chriden dalaga na! Hahaha" sabi nung abnormal na nakaupo malapit sa hagdan. Hindi ko siya kilala pero alam niya pangalan ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa madaanan ko ang grupo nila hampas lupa.

"Uyy si Den.. Dalaga na.. Pwede na..." Panunukso nung isa sa mga kaibigan ni hampas-lupa dahilan para magtawanan ang mga yon.

"Hoy bastos! Ako nga eh tigilan nyo! Tumabi nga kayo diyan at baka sipain ko mga pagmumukha nyo!" Pagtataray ko sa kanila.

"Wooooow! Ang taray ng nagdadalaga. Hahahaha!" Singit naman nung isang chinito.

Napansin ko si hampas-lupa na nakatingin lang sakin at nang-aasar sa pamamagitan ng pagngiti. Nagtataka na ako kanina pa dahil sa paulit ulit na sinasabi na mga nadadaanan ko na nagdadalaga na daw ako. Hindi ko lang pinapahalata na nahihiya ako.

"Den.. Ano kase eh.. Parang... Parang may dumi ka sa bandang likuran..." Sabi ni oh-so-damn-cute na si Jerome. Talagang inalam ko pangalan niya pagkatapos nung insidente na nangyari nung nag-inuman kami kina Kuya Ampong.

Kinapa ko ang bandang likuran ko. Naramdaman ko na medyo basa iyon at parang medyo makapal ang likidong nahawakan ko. Tiningnan ko iyon. Napatitig ako sa kamay kong may kulay pulang likod na malansa lansa ang amoy. Nagsimulang manginig ang kamay ko at nakakaramdam ako ng pagkahilo.

Naramdaman kong may taong humawak sakin dahilan para hindi ako matumba dahil sa pagkahilong nararamdaman ko.

Tinanggal ni Jerome ang dugo sa kamay ko sa pamamagitan ng kanyang kulay puting panyo. Inalalayan niya ako hanggang sa mawala ang hilong nararamdaman ko.

"Gusto mo dalin kita sa clinic?" Sinserong tanong niya sakin.
"Wag na... Okay lang ako...salamat" mahinahong sagot ko sa kanya.

"Halika sumama ka muna sakin para mapahiram kita ng pants o kaya shorts. May extra akong dala" pagmamagandang loob niya sakin.

"Tss arte! Uuwe na ako!" Narinig kong pabalang na sabi ni hampas-lupa at di na inantay ang sagot ng kanyang mga kaibigan.

"Huwag mo na intindihin si Paul. Ganyan talaga yan" sabi sakin ni Jerome habang naglalakad kami papunta sa kanyang locker.

Paul pala ang pangalan ng impaktong yon! Napakabarumbado! Maging tama lang ang hinala ko na siya ang may kagagawan ng nangyari sakin mapapatay ko talaga siya.

Bigla kasing pumasok sa isipan ko yung sinabi sakin ni Ate Jaja na humanda ako dahil sa ginawa kong pagtataray sa Paul na iyon. Akala niya saken basta basta nalang susuko! Utuy niya!

Nalaman kong dugo pala galing sa laboratory ang naupuan ko kanina or let me say sinadyang ilagay sa upuan ko para maupuan ko kanina. Taktenang yan! Nakakahiya tuloy sa mga estudyanteng nakakita sakin kanina.

"Salamat Jerome. Isauli ko nalang sayo sa friday." Sabi ko kay Jerome at pagkatapos at tinext ko na agad si Elaine. Hindi narin naman ako makakapasok kasi late na late na ako.

"Oh baket iba na ang suot mo ngayon? Artista lang ang peg?" Nang-aasar na sabi sakin ni Elaine nung nagkita kami sa harap ng chapel ng school.

Ramdam ko rin na pinagtitinginan ako ng mga estudyanteng nandoon. Nu bang problema ng mga to? Mukha ba akong alien sa suot ko?

Kinuwento ko ang nangyari kay Elaine. Gusto ko nga siyang batukan dahil imbis na maawa siya sakin ay pinagtawanan niya rin ako at sinabihang nagdadalaga. Walang kwentang bespren!

"Sino! Sinoooo!?" Narinig kong sigaw sa labas ng gate. Naagaw agad ang atensyon ko nung nakita ko kung sino yung lalakeng sumisigaw. Tama! Si Paul nanaman! Ang hampas-lupa!

"Hindi ako tol... Ba't ko naman gagawin yun?" Sabi nung lalakeng kinukwelyuhan niya.
"Wag mo akong matawag-tawag na tol!" Bago niya tuluyang bitawan yung lalake ay itinulak muna niya ito dahilan para mapasandal sa pader yung lalake.

Dumaan siya sa harapan ko at nilampasan ako habang binibigyan ako ng masamang tingin.

"Yabang!" Sabi ko at hinila ko na si Elaine patawid ng kalsada.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nakailang oras din kami sa pag-iikot dito sa mall pero wala kaming naisipang bilihin. Hahaha! Ganito naman palagi kahit sinasabi ni Elaine na may bibilihin siya - ang ending wala rin. Kuripoooooot!

"Chriden!"
Nilingon ko agad yun.
"Ou! Kenneth!" Bati ko sa kanya.

Nalaman kong naggala rin siya kasi maaga rin ang uwian nila. Isa si Kenneth sa kaibigan ni Mike na tropa ko. Naisipan naming kumain sa burgerking sa third floor.

"Ah eh.. Bessy, una na pala ako. Nagtext si Craven, nag-aantay daw siya saken sa labas" sabi ni Elaine nung aktong papasok na kami sa loob ng burger king.

Wala na akong nagawa. Malandi talaga yang bespren ko na yan eh. Saka sana'y na ako. Sa twing may lakad kaming ganito ay lagi siyang nakikipagkita kay Craven (boyfie niya) at naiiwan akong mag-isa. Ngayon lang hindi kasi andito si Kenneth.

"Kain na tayo - para makauwe agad tayo" sabi ko kay Kenneth. Nagsimula na kami kumain habang nagkukwentuhan. Nabanggit niya sakin na magiging magkaklase kami sa isang subject. Filipino.

"Ayos! Papakipyahin mo ako ah! Tanga tanga ako sa Fil. eh" sabi ko sa kanya kasunod nun ay ang pagtawa.

"Hi Den! Dito ka rin pala" bati sakin ni Jerome habang bitbit yung order at kasama ang mga kaibigan niya. Hindi na ako nagtataka kung wala ang impakto. Narinig ko naman kanina na uuwe na siya.

"Napadaan lang. Nga pala thanks dito sa -"

"Nagugutom na ako. Bilisan nyo" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nung may sumigaw sa likod na bahagi ng burger king.

Haaay naku! Ang mayabang nanaman! Kasama pala!

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon