Special Authors PoV

13.7K 426 16
                                    

Kinakabahan ako. Ang gagaling nung mga naunang speaker. Ang galing nila. Naintidihan ko agad kahit na sa maikling oras lang sila nag-explain.

"Huwag kang kabahan. Alam kong kaya mo yan. Be yourself."

Natanggap kong message galing kay Francisco.

Hayyy. Be yourself.

"Mr. Chriden Miguel" malakas na pagtawag sa pangalan ko ng pumapapel na MC. (master of ceremony)

Tumayo ako at tinungo ko na ang gitna ng stage. Inabot sakin ni Sir Joey ang wireless mic.

Kaya ko ito. Hindi ito ipagkakatiwala sakin ni Maam Principal kung hindi ko ito kaya.

Nilibot ng mata ko ang kabuuan ng covered court. Ang daming mga teachers. May mga ibang estudyante rin na nasa labas ng bawat classrooms nila at naglalaro.

Yung mga estudyante ko? Ayun sa dulo. Todo suporta at sinisigaw pa pangalan ko kaya nasita sila ni Maam Quintana.

Makapagsimula na nga para matapos na agad. :)

Magandang araw po sanyo!
Sa totoo lang medyo nakakaramdam ako ng kaba dahil hindi ko ineexpect na sobrang dami pala ng makikinig sa mga sasabihin ko na alam kong alam niyo na. Uulitin ko lang naman po yun.

May kaunting katanungan po ako bago ako magtungo sa pinakapunto ng sasabihin ko.

Bibigyan ko kayo ng ilang minuto para sagutin ang isa sa mga katanungan ko.

Isa ba ka bang mabuting tao?

(Pagkatapos ng ilang minuto)

Ngayon alam kong nakaisip na kayo ng mga maaaring isagot sa simpleng tanong ko.

Kung ako naman ang tatanungin, masasabi kong - opo. Isa akong mabuting tao. Kung tatanungin niyo naman ang dahilan ko kung bakit ko nasabi iyon - hindi ko rin po alam. Tanging mga nakapaligid at nakakasalamuha ko lamang ang makakasagot at makakapagpaliwanag ng simpleng tanong na iyan.

May mga ilan po akong i-se-share sa inyo. At sana kahit papaano may mapulot at matutunan kayo.

1. Always wear your Respect.
Respect? Oo! Hindi always wear your footsocks. Nakasulat yan bago pumasok sa loob ng classroom ko. Kalimutan mo na magsuot ng bra, panty, brief, damit, kalimutan mo na baon mo o notebooks mo. Kalimutan mo na lahat ng bagay, huwag mo lang kakalimutan ang iyong respeto. Isuot mo ito. Huwag mong hayaan na nasa bulsa lamang ito. Respetuhin mo lahat ng tao, hayop o kahit bagay. May damdamin lahat yan. Pahalagahan mo lahat. Matuto kang magpahalaga.

2. Palagi kong tanong sa mga estudyante ko "YES OR YES!?" At ang sagot nila "YES! BAWAL ANG NO!" Oo! Ganyan kami palagi. Bakit? Wala naman kasing ipapagawa na bagay na hindi natin kaya. Dapat laging YES! Sabe nga nila - if the opportunity doesn't knock you, BUILD A DOOR.

3. HUWAG UUWE NG WALANG BAON. Nakakalito diba? Karaniwan kasi huwag kang papasok ng walang baon. Pero ang totoo papasok tayo sa school kasi wala pa tayong alam. Dapat kahit anong pinagawa ng teachers, kahit nagpasulat lang yan maghapon, kahit nagsermon lang yan maghapon, kahit umupo at nakipagkwentuhan lang yan sa kapwa teacher nila dapat may natutunan ka. Hindi lang naman sa teacher tayo may natututunan. Lahat ng nakakasalamuha natin teachers yan. Baunin mo pauwe. Kahit natuto kang magmura dahil sa mga basagulero mong schoolmates, baunin mo. Tama man o mali, iuwe mo. Pagdating mo sa bahay isipin mo kung paano mo magagawang tama yung maling natutunan mo. (make sense)

4. NAGIGING MASAMA LANG ANG ISANG BAGAY KUNG IISIPIN MONG MASAMA ITO. Matanong ko lang kayo, sino may sabing masama ang salitang "putangina? Tangina? Fuck you? Damn? Bullshit? O anu mang salita na palagi nating sinasabing bad words? Alam nyo ba kung bakit nagiging masama yan? Kasi iniisip nating masama. Isa lamang simpleng salita yan na binibigyan natin ng ibang kahulugan. Yung matatapilok ka tapos sasabihin mo "ayyy puke!" Masama na agad yun? Bakit? Wala ba kayo nun? Wala ba kayong parte sa katawan na ganon? Masama yun kasi inisip nating masama.

5. Sinasabi ko rin sa mga estudyante ko na huwag dapat malungkot kung mababa ang grades. Kahit 75 pa binigay sayong grade ng teacher mo, o kahit mas mababa pa diyan dapat matuwa ka. Ipagmalaki mo. Ipagyabang mo. Kaya may ganyang grades na nakalagay sa report card mo ay dahil sayo. Sayo nanggaling yun. You deserve it. Tandaan mo. Hindi naman tinatanong ng jeepney driver kung ano grades mo kapag nagbayad ka ng pamasahe, hindi rin nagtatanong ang pari kung ano ang adverb, noun o pronoun. Hindi rin nagtatanong ang tindera kung ano ang square root ng 125 bago ka suklian. Ang pinaka-importante ay kung paano mo pagbutihin ang isang bagay na alam mong napagdaanan mo na.
------

Bukas na uli. :) Mag-iinom muna kami ni Mike.

Hindi po masama i-click ung vote and comment. Thankie! :)

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now