Sobra.

10.5K 386 12
                                    

Story of my life

Chriden PoV

Isang linggo na ang lumipas pero ganito parin ako.

Napakasakit parin.
Sobrang sakit.

"Hindi ka ba kakain anak?" Tanong sakin ni Mama habang papalabas na ako ng bahay. Naisip ko na kasing pumasok. Mas lalo ko lang maiisip si Francisco kapag nandito ako sa bahay.

"Sa school na Ma" tipid kong sagot.

"Nga pala anak, may inbitasyon ka." -Mama

"Chrien kunin mo nga sa drawer yung invitation card ng kuya mo" sigaw ni Mama sa kapatid ko na busy sa panunuod ng Dragon ball.

"Oh eto kuya. Si Kuya Luis ang nagdala niyan kahapon. Tulog ka na kasi kaya hindi ka na ginising ni Mama" matapos yun au inabot na niya sakin ang isang napakagandang invitation.

Mabilis kong binasa ang nakalagay sa inbitasyon.

Hindi ko na natapos basahin ang lahat ng nakasulat dahil natakpan na ng mga luha ang dalawang mata ko dahil sa naunang nabasa ko.

Tangina! Bakit ganito? Bakit parang walang pumapasok na hangin sa dibdib ko? Bakit mas lalong bumigat ang pakiramdam ko!

Tangina naman! Nananadya ba siya!! Bakit kailangan pang bigyan ako ng inbitasyon! Talaga bang balak niya akong saktan!!!? Yan ba ang ganti niya sa ginawa ko sa kanya dati! Takte naman! Ang sakit na. Tama na!!!

Naramdaman ko nalang bigla ang pagyakap sakin ni Mama. Mas lalong nagdaloy ang mga luha ko habang yakap yakap niya ako.

"Okay lang umiyak anak..." Sabi sakin ni Mama habang panay ang himas sa likuran ko.

"Kuya bakit ka naiyak?" Tanong sakin ng kapatid ko.

Hindi ko na sinagot yun. Ayoko naman malaman pa ni Chrien ang nangyayari sakin. Bata pa siya. Baka makaapekto pa sa kanya kapag nalaman niya. Saka ayokong mag-alala siya sakin.

"Ma, alis na po ako" -Ako
"Sigurado ka bang papasok ka na?" -Mama
"Opo. Sige po"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Kailangan mo ba ng kausap?" Bigla akong napalingon sa pinanggalingan ng boses.

Si Jerome.

Naupo siya sa tabi ko. Nandito kasi ako ngayon sa angelicas. Nakaupo lang. Wala kasi akong gana pumasok. Ayoko naman kasing tanungin nila ako kung bakit ako absent ng ilang araw at kung bakit namamaga ang mata ko. Hindi ko pa alam kung ano ang isasagot ko sa kanila.

"Tagal mong di nagpakita ah! Okay ka na?" Nakangiting tanong sakin ni Jerome.

Buti pa itong taong ito. Nakakangiti. Parang walang problema.

Hindi ko na sinagot ang tanong siya. Wala akong maisip na pwedeng isagot eh. Saka alam na naman niya kung bakit. Nagawa lang siguro si Jerome ng paraan para kahit papaano ay magkwento ako.

"Tara! Samahan mo ako!" Sabay hila ni Jerome sa kamay ko.

Hindi na ako natanggi pa dahil hatak hatak na niya ako. Pinagtitinginan nga kami ng mga taong nakakasalubong namin eh. Agaw atensyon.

"Oooops! San kayo pupunta!" Biglang harang samin ni Allen at Kerby.

"Jerome ayan ka nanaman!" -Kerby.

Nilinga linga ko ang paligid nilang dalawa. May gustong makita ang mata ko. May gusto akong makita. Gusto kong makita si Francisco.

"Hey! May pupuntahan lang kami ni Den." Nakangising sagot ni Jerome.

"Wala ba kayong tiwala sakin?" Dugtong niya.

Teka.. Parang may kakaiba. Hindi naman ako tanga para hindi mahalata sa kanila ang hindi tama.

"Siguraduhin mo lang Jerome. Baka hindi ka na mapatawad ni Pa-"

"Halika na Den! Huwag mong intindihin ang mga yan." Putol ni Jerome sa sinasabi ni Allen. Mabilis na hinila muli ni Jerome ang kamay ko.

Nagpatuloy kami sa paglalakad ng mabilis. Hanggang sa marating namin ang isang lugar na tamihik. Yung tanging alon lamang ang maririnig.

Naupo kami sa isang cottage na may nakahanda ng dalawang kopita at isang wine.

"Medyo okay na ba ang pakiramdam mo?" Tanong sakin ni Jerome habang pareho kaming nakatingin sa dagat.

Sa totoo lang kahit paano ay medyo naging okay ako. Nawala ng kaunti yung bigat ng nararamdaman ko kung ikukumpara ko kanina.

"Gaano mo kamahal si Paul?" Biglang tanong sakin ni Jerome.

Dahil sa tanong niya ay napasalin tuloy ako ng wine sa kopita at mabilis kong ininom yun.

"Sobra." Sagot ko.

Nararamdaman ko nanaman na unti-unting namumuo ang mga luha ko.

"Paano kung sakaling wala na talagang pag-asa na bumalik kayo sa dati? Tatanggapin mo pa ba ako para sayo?" Diretsong tanong niya sakin.

Nagdaloy na ang luha sa mga mata ko. Nararamdaman ko nanaman yung sakit na nararamdaman ko kaninang umaga. Nararamdaman ko nanaman yung karayom sa paulit ulit na tumutusok sa dibdib ko.

"Mukhang wala talaga akong pag-asa sayo Den" nakangiting sabi ulit ni Jerome.

"Sorry Jerome...."
"Wala ka dapat ihingi sakin ng sorry. Diba sabi ko sayo gagawin ko lahat para maging masaya ka. You deserve to be happy" mahabang sagot niya.

Masaya? Masaya ako ngayon? Tangina! Kung alam mo lang Jerome kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko nga karma ito. Kasi alam ko nasaktan din kita.

"Halika na. Balik na tayo dun" -Jerome.

Nagsimula na ulit kami maglakad pabalik sa school. Malapit lang kasi sa school namin ang beach resort na iyon.

"Oh pano Den? Daanan ko lang sila Kerby. Kitakits mamaya" paalam sakin ni Jerome at mabilis ng tumakbo papunta sa likuran ng school.

Nandito na ako ngayon sa harapan ng gate ng school namin.

Nagsimula na ako maglakad papasok.

Tangina naman Jerome oh! Kahit gaanong kawalang hiya at kaabnormal ng Francisco na yan mahal na mahal ko yan!

Bigla akong natigilan sa naririnig ko. Boses ko yun ah! Napunta ang atensyon ng mga estudyanteng nakaupo sa bleachers sakin.

Jerome wala akong ibang kailangan kundi si Francisco! Tangina niya! Bakit siya pa! Bakit siya pa ang mahal ko!

Tangina! Nakakahiya!
Natuon na sakin ang lahat ng atensyon. Pati yung mga nakaupo sa cafeteria nakatingin narin sakin.

Tangina! Lagot ka sakin Jerome! Alam kong ikaw lang ang pwedeng makapagrecord ng mga sinabi ko!

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon