Para tanggapin ang katotohanan.

10.9K 365 27
                                    

Best thing I ever had.

Chriden PoV

Nagising ako dahil sa pag-alog ng sinasakyan ko.

Oo nga pala.
Pinuwersa nga pala ako ng mga lalaking ito na sumakay sa sasakyan.
Tumingin ako sa digital clock ng sasakyan na sinasakyanan namin. 12:29am. Takte! Madaling araw na! Ibig sabihin kanina pa kami bumibiyahe?

Bat ang tagal ng biyahe? Saan ba ako dadalahin ng mga ito? Ano ba ang pakay nila sakin!? Tangina naman oh! Wala naman sila mapapala sakin eh. Di naman kami mayaman.

Alam ko na. Kailangan mautakan ko sila. Kailangan gumawa ako ng paraan para matakasan ko sila.

"Sir pwede po bang tumigil muna tayo dun..." Sabay turo ko isang karinderya.

"Ihing-ihi na po kasi ako..." Pagmamakaawa ko sa kanila.

Mabilis na itinigil ang sasakyan.

"Tamang tama. Nagugutom narin ako" sabi nung umaaktong pinuno nila.

"Marquez samahan mo sa cr yan" muling utos niya.

Takte naman oh! Bakit pa kailangan akong samahan? Kaya ko naman mag-isa ah! Sabagay hindi naman maiaalis sa isipan ng mga ito na maaring tumakas ako.

"Tara na..." Sabay hila sakin ng tinatawag nilang si Marquez.

"Sir pwede po bang tanggalin muna itong posas? Hindi ako makakaihi ng may suot akong ganito eh" -Ako

Tumingin muna siya sakin bago nagpasyang tanggalin ang posas sa kamay ko.

Ayos!
Napapayag ko siya.

"Salamat sir" sabi ko sa kanya matapos ay pumasok na ako sa isang cr. Magkatabi ang cr ng babae at lalake. Swerte ko at may maliit na butas sa likod at sa tingin ko ay kasya ako dun.

Sinadya kong buksan ng malakas ang gripo para isipin ni Marquez na nasa cr pa ako. Pinilit kong isinuot ang katawan ko sa maliit na butas.

Ang sikip!
Tangna ang sakit ng katawan ko.

Nagtagumpay naman akong nakalabas mula sa maliit na butas.

Tatakbo na ako palayo dito.
Saka ko na iisipin kung paano makakauwe kapag nakalayo na ako sa lugar na ito.

"Tapos ka na umihi? Bat dito ka lumabas?"

Natigilan ako sa narinig ko. Dahan dahan kong inilingon ang mukha ko sa pinanggalingan ng boses.

"Ahh ehh..."

Hindi na niya pintapos ang sasabihin ko at mabilis niyang ibinalik ang posas sa dalawang kamay ko.

Takte naman! Akala ko naman makakatakas na ako!

"Saan niyo po ba kasi ako dadalahin? Kikidnapin niyo ako? Wala po kaming pera! Papatayin niyo ako? Wala po kayong mapapala!" Sunod sunod na tanong ko kay Marquez.

Wala akong narinig na kahit na anong salita mula sa kanya.

Pinaupo niya ako kasama ng mga kasama niyang lalaki sa upuan.

Nakain sila.

May kabaitan naman taglay sila at inalok pa nila ako ng pagkain.

Siguro huling kain ko na kaya naisipan nilang alukin ako. Ganoon naman talaga diba? Kapag papatayin ka na ay ipapakain na ang lahat ng gusto mo.

"Busog po ako..." Sagot ko.

Magsasalita pa sana yung lider nila nung biglang tumunog ang cellphone niya.

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now